M
abilis na lumipas ang dalawang linggo. Sabado uli ng araw na iyon.
Muling bumalik sa pier na malapit sa palengke ang magkakapatid na sina Jordan, Jasmine at Jerome. Wala silang pagsidlan sa tuwa ng mga oras na iyon. Ngayon kasi ang araw ng pag uwi ng kanilang ina mula sa Maynila kasama ang ama na matagal na nilang hindi nakikita.
Alas kuwatro ng hapon ang inaasahang pagdaong ng barkong sinasakyan ng mga magulang nila buhat sa Maynila. Kaninang umaga lamang ay nakatanggap ng tawag siJordanmula sa kanyang ina. Tinawagan ni Aling Marta sa cellphone ang kanilang kapitbahay kaya ipinatawag din siya ng mga ito kaya nagkausap silang mag ina. Naramdaman niJordanna pilit ang siglang namutawi sa pananalita ng ina ngunit hindi niya iyon inalintana sapagkat pananabik ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon sa isiping sa wakas ay magkikita kita narin sila. Makukumpleto nang muli ang kanilang pamilya.
Mabilis na inayos ng magkakapatid ang kanilang mga sarili nang bumusina ng malakas ang malaking barko. Ito na ang barkong sinasakyan ng mga magulang nila. Maya maya pa ay isa isa nang nag babaan ang mga pasahero ng barko. Masaya silang sinalubong ng mga kaanak na katulad nila’y matiyaga ding naghintay sa pier. Mabilis ang mga matang hinanap ng mga mata niJordanang mga magulang. Kinilala niya ang mga pasaherong nagbabaan mula sa itaas ng barko. Lumapit na rin sila malapit sa may bungad ng hagdanan sa pagbabakasakaling masalubong ang kanilang ina at ama.
Pero halos nakababa na ang mga pasahero ay walang Aling Marta o Mang Artemio na nanaog mula sa barko. Baka nasa loob pa at inaasikaso pa ang kanilang mga bagahe. Sinimulan nang kabahan ang binata. Medyo nainip narin ang kanyang dalawang kapatid sa paghihintay. Kanina pa silang alas dos ng hapon dito sa paghihintay.
Maya maya ay may ilang kalalakihang lumabas mula sa bungad ng barko at may alsa itong isang malaking kahong parihaba at gawa sa kahoy. Nangunot ang mga noo ni Jordan sa kanyang nakita. Nagkakagulo ang mga lalaki. Sa kanilang unahan ay may isang matabang lalaking siyang nag uutos sa kanila kung saaan ilalagay ang kahon. May ilan pa itong sinasabi sa mga ito pero hindi nila maintindihan.
Ilang saglit pa ay nakita narin nila sa wakas ang kanilang inang si Aling Marta.
“Inay!”, agad na sumigaw ang bunsong so Jerome nang makita ang kanilang nanay.
Tuwang tuwa nilang sinalubong ang kanilang ina. Agad na tinanong kung nasaan ang kanilang ama. Sapat na ang tanong na iyon para humagulhol ng iyak si Aling Marta. Mahigpit nitong niyakap ang tatlong anak.
“Mga anak! W-wala na ang itay Artemio nyo. P-patay na ang tatay nyo!”
Parang sinakluban ng langit sa kanyang narinig siJordan. Hindi siya makagalaw na tila kandilang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Walang salitang namutawi sa kanyang bibig. Ang mga kapatid niya ay nagpapaligsahan na sa pag iyak. Lalo na si Jasmine na mas malakas pa ang palahaw at hagulhol kay Aling Marta.
“N-nasaan ang itay?”, mahinang tanong ni Jordan sa ama.
Hindi siya sinagot ng ina. Bagkus nilingon nito ang kinaroroonan ng malaking kahong kahoy na kanina lamang ay pinagkakaguluhan at inaalsa ng mga kalalakihan palabas. Nasa isang sulok ito ng pier nakalagak.
“Tay...”, tanging nasambit niJordanna tila siya lamang ang nakarinig. Marahan siyang lumapit patungo sa kinaroroonan ng malaking kahon. Habang papalapit siya ay halos hindi niya maihakbang ang mga paa. Samut saring imahe ng nakaraan nilang mag ama ang salit salitang naglaro sa kanyang balintataw. Tila nakikita niya ang mukha ni Mang Artemio habang papalapit sa kabaong ng ama.
Inunahan na siya ng dalawang kapatid sa paglapit sa kabaong ng kanilang ama. Kahit hindi tiyak kung tatay ba talaga nila ang nasa loob ng malaking kahon ay malakas na niyugyog ni Jerome ang kabaong habang umiiyak ng malakas at tinatawag ang pangalan ng ama. Si Jasmine naman ay niyakap ang kabaong. Samantalang si Aling Marta ay lumapit na rin, hindi halos makatingin at nanlalabo na ang paningin dahil sa ulap ng mga luhang tumatabon sa dalawang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Tumapak Man Sa Lupa
RomanceNagkatitigan sina Jordan at Denise. Biglang bigla kumabog ang dibdib ng binata. Ngayon ay tila ilang hibla lamang ang layo ng mukha ng dalaga sa kanyang mukha. At mas lalo niya ngayong napagmasdan ang kagandahang minsan na niyang kinabaliwan at nagd...