A
raw ng libing ni Mang Artemio. Maraming mga tao ang dumalo upang ihatid siya sa kanyang huling hantungan at makiramay sa pamilyang kanyang naiwan. Mainit nang tanghaling yaon ngunit hindi ito alintana ng mga taong sumama sa kanila. Ito na yata ang isa sa pinakamaraming taong nakipaglibing sa kanilang baryo nang araw na iyon.
Bumaha ng luha nang makarating na sa sementeryo ang labi ni Mang Artemio. Kung may ilang beses ding inagapan ng mga tao si Aling Marta dahil ilang beses din itong hinimatay bunga ng labis labis na pagluluksa. Nakikipagsabayan sa kanyang pag iyak ang dalawang kapatid ni Jordan, samantalang siya ay tahimik lamang na humihikbi habang nakasunod sa puneraryang pinaglalagakan ng yumaong ama.
Nailibing na ang kanilang ama ay nasa sementeryo parin ang kanilang buong pamilya.
“H-hindi ko na alam ang gagawin ko, mga anak. Ngayong iniwan na tayo ng tatay nyo.”, mahinang wika ni Aling Marta habang matamang pinagmamasdan ang kalalagay lamang na lapida ng kanyang yumaong asawa.
Marahang hinagud hagod niJordanang likod ng ina. “Huwagt tayong mawawalan ng pag asa, nay. Makakaya natin ‘to , may awa ang Panginoon. Nandito parin naman kami na mga anak mo. Hindi ka namin pababayaan..”
“Tama si kuya, nay. Kaya wag na kayong malungkot.”, anang Jasmine na noo’y tila nahimasmasan na sa kanina pang walang tigil na pag iyak.
“B-baka malungkot din si tatay kapag nakita kayong malungkot, nay. At least masaya na sya ngayong nasa langit na siya kasama si Jesus..”, sabi naman ng bunsong si Jerome.
Napangiti si Aling Marta. Mabuti na lamang at pinagkalooban sila ni Artemio ng mababait at maalalahaning mga anak. Kung mawawala ang mga ito sa buhay niya, iyon ang hinding hindi na niya talaga makakaya. Pag nagkataon ay baka tuluyan na siyang mabaliw.
“Salamat mga anak sa pagpapatatag nyo sa nanay, nyo. Sige na, magpaalam na kayo sa tatay nyo at uuwi na tayo. Nag aantay na sa bungad ng sementeryo ang mga kasama natin..”
Tahimik silang umalis matapos magbilin ng kanilang mga huling paalam yumaong ama at asawa.
___________________oooooOOOOooooo____________________
M
abilis na lumipas ang tatlong buwan. Disyembre na noon. Ito ang unang unang Pasko na hindi sila kumpleto. Kung noo’y halos hindi kumakain ang kanilang ina dahil sa pagluluksa nito sa pagkamatay ng kanilang ama, ngayo’y tila bumalik na ito sa dati at unti unti na rin nitong natanggap ang kamatayan ni Mang Artemio.
Kahit wala na ang haligi ng kanilang tahanan ay hindi iyon naging hadlang upang magbago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Lalong kinakitaan ng pagsisikap sa pag aaral ang mga anak ni Aling Marta, lalo na ang panganay nitong si Jordan na subsob ulo sa pag aaral dahil ilang buwan na lamang ay magtatapos na siya sa kinukuhang vocational course sa bayan. Sa kanyang bakanteng oras ay maswerteng nakakuha siya ng isang sideline na siyang tumutulong sa kanyang mga gastusin sa paaralan at pandagdag na rin sa mga gastusin nila sa pag aaral.
Si Jasmine naman ay nakatulong narin kahit papaano. Madalas itong isinasabak sa mga out of school competitions ng kanilang eskwelahan dahil bukod sa matalino ito ay may talento rin ito sa pagguhit. Ang kanyang napapanalunan, kahit hindi sapat ay malaking tulong narin sa kanyang ina.
Si Jerome na magiging kasabay ni Jordan sa pagtatapos sa susunod na taon ay running for honors ng kanilang paaralan.
Sapat na ang mga ito upang mabuhayan ng bagong pag asa si Aling Marta na noo’y mas dumoble pa ang ginawang pagkayod sa palengke. Kung anu anong trabaho ang sinubukan niyang pasukingayang pag aani, paglalabada at pagtitinda ng mga gulay na angkat sa palengke. Patuloy parin siya sa pag aangkat ng mga isda sa bayan.
Dalawang araw noon bago mag Pasko ay may natanggap na sorpresa ang kanilang pamilya. Ang kanilang tito Domeng na kapatid ng kanilang nanay ay dumating. Nagmula pa ito saMakati. Si Domeng ang bunsong kapatid ng kanilang nanay Marta at nagtatrabaho sa Maynila. Ama ito ng mga pinsan nila sa karatig bayan. Umuwi na rin ito sa kanilang nayon nang mamatay ang kanilang tatay.
Naging masaya ang kanilang pasko dahil bukod sa binigyan sila nito ng pera at regalo ay may isa itong magandang balitang ipinaabot sa kanila.
“U-umuwi ako kasi yung pinagtatrabahuan kong malaking Autoshop saMakatiay nag ha hire ng mga bagong empleyado. Eh naisip ko ‘tong pamangkin kong siJordanna sakto palang kumukuha ng pagka mekaniko..”
“Eh sabi ko naman sa amo ko na nag aaral pa itong pamangkin ko na taga probinsya at hindi pa maaring makapagtrabaho. Sabi niya sa akin pag interesado ka raw ay maari kang mag aplay. Sila ang bahala sa pamasahe mo pagpunta doon”, ani Mang Domeng.
Walang pagsidlan sa tuwa siJordannang marinig ang ibinalita ng tiyuhin.
“T-talaga po? Eh madami namang pwede nilang i hire na taga doon bakit sa malayung probinsya pa sila naghahanap?”, nagtataka niyang tanong.
“Naku iho iba raw kasi magtrabaho pag taga probinsya. Bukod sa magaling na ay masisipag pa. kaya pag interesado kang mag aplay doon ipakita mo sa kanila na magaling ka! ”, nakangiting sagot ni Mang Domeng.
“A-aba eh magandang pagkakataon yan anak kung saka sakali. Kung ako ang tatanungin mo eh okay lang sa akin kung interesado ka.”, sabi naman ni Aling Marta.
“Opo inay, interesado ako. Matagal ko na rin namang pangarap ang makatuntong ng Maynila mula pa pagkabata.Sananga ay makapaghintay pa ang amo ni tito Domeng hanggang sa makatapos ako sa pag aaral ko.”, masaya namang sambit ng binata. Hindi naitago ang kinang sa mga mata nito.
“O siya sige. Heto ang numero ko. Kontakin mo na lamang ako kung nakapagdesisyon ka na,”, anang Mang Domeng at iniabot sa kanya ang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na pangalan niya at telephone number nito.
Nang makaalis ang tiyuhin ay may isang bagong tuwa at pag asang sumibol sa puso ng binatang probinsyano. Ito na marahil ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay. Isa ito sa mga mahahalagang regalong natanggap niya ngayong pasko.
Hindi halos makatulog ang binata nang gabing iyon. Kani kanina lamang ay muli silang nag usap ng kanyang ina tungkol sa ibinalita sa kanila ng tito Domeng niya. Sinabi niya sa ina ang pagnanasa niyang makapunta ng Maynila dahil pakiwari niya ay malaki ang maitutulong nito sa kanilang naghihikahos na pamilya kung saka sakali.
Kahit malungkot man ay interesado rin ang kanyang ina saplanoniyang magpunta ng Maynila. Baka nga tama ang kanyang anak na baka ito na ang magiging simula ng pagbabago sa kanilang pamumuhay. Hirap na hirap na rin siya sa pagtatrabaho para sa mga anak pero hindi siya nagrereklamo. Sa susunod na taon ay dalawa na ang papag aralin niya sa high school. Baka nga sakaling makatulong sa kanya ang panganay na si Jordan sa pag papaaral sa mga ito kahit labag man sa kanyang kalooban. Ayaw rin naman ni Aling Marta na nahihirapan ang kanyang anak pero wala din naman siyang magawa. Gustosananiyang bigyan ang mga ito ng maalwang buhay pero tingin niya’ymalabonang matupad iyon ngayong pumanaw na ang magiging katuwangsananiya sa buhay.
Ipinagkakatiwala na lamang niya sa Itaas ang kanilang magiging kapalaran.

BINABASA MO ANG
Tumapak Man Sa Lupa
Roman d'amourNagkatitigan sina Jordan at Denise. Biglang bigla kumabog ang dibdib ng binata. Ngayon ay tila ilang hibla lamang ang layo ng mukha ng dalaga sa kanyang mukha. At mas lalo niya ngayong napagmasdan ang kagandahang minsan na niyang kinabaliwan at nagd...