KABANATA 05
A
raw ng graduation ni Jordan. Ngayong araw na ito ay makakamit na rin niya ang pinapangarap na diploma na siyang malaking katibayang natapos na rin niya sa wakas ang dalawang taon niya sa kolehiyo. Marami ang nagsasabing ipagpatuloy hanggang sa apat na taon ang kanyang pag aaral dahil sayang. Pero saka na lamang siya magpapatuloy kapag may sapat na siyang ipon para sa kanyang pag aaral kung saka sakali man.
May kaunting salu salo kahit papaano sa kanilang tahanan na inambagan ng ilang kakilala ng kanyang nanay at ilang kaibigan at kapitbahay. Kahit papaano ay may napagsaluhan sila ng gabing iyon. Naroroon ang kanyang mga pinsan na ang ilan ay nagmula pa sa mga karatig bayan. Kumpleto ang kanilang mga kapitbahay, mga tiyuhin at tiyahin niya at si Anya.
“Grabe ka, bongga ang graduation mo!Sanapag nag college ako ganito rin kabongga ang graduation party ko para masaya!”, sabi sa kanya ni Anya. Kumakain sila noon sa labas ng bahay.
“Hindi naman matatawag na party itong graduation ko. Kasi tayu-tayo lang at walang importanteng mga bisita. Pero masaya na rin naman ako kahit papaano. Kung pupwede nga lang di na lang mag handa para walang gastos pero itong si nanay Marta ang nagpilit eh..”, nakangiting sabi naman ni Jordan.
“O ano , tuloy na ba talaga angplanomong lumuwas ng Maynila. Balita ko ngayong Sabado na ang alis nyo ng tito Domeng mo..”
Malungkot na napabuntong hininga ang binata.
“Yun nga eh. parang ayaw kosanakasi napamahal na rin ako dito ng masyado sa atin. Parang hindi pa ako ready na iwanan ang nanay at mga kapatid ko, at ikaw, mga kaibigan ko. Pero napa oo na ako sa tito Domeng ko at dun sa amo niya sa Maynila eh. nakakahiya naman kung babawiin ko pa ang sinabi ko..”, mahabang sagot ng binata sa kanya.
Hindi kumibo ang dalaga.
“Hayaan mo, susulat ako ng madalas. Para naman hindi mo ako masyadong mamiss.”, pilyong wika ni Jordan.
“Sige aasahan ko yan sayo ha. Sayang ikaw na nga langsanaang matalik kong kaibigan dito eh iiwan mo pa ako..”, malungkot na himutok ni Anya.
“Eh bakit marami ka rin namang mga kaibigan dito sa atin ah. Mas marami ka pa ngang barkada kesa sa akin”, anang binata na natatawa. “Isa pa marami kang manliligaw dito kaya wala kang rason na malungkot kasi marami kang dapat na pagkaabalahan”
Akmang kukurutin niya siJordanpero nakailag na naman ito sa kanya.
“Eh wala naman akong gusto ni isa sa mga maniligaw ko. Nakakainis nga kasi ang kukulit nila. Kahit may ginagawa ako sa bahay ay bumibisita parin.”, anang Anya sa kanya
“Talaga. Bakit sino bang gusto mong manligaw sayo?”
“Ikaw...”, sigaw ng utak ng dalaga.
“Hay, naku. Wala pa saplanoko yang mgae relasyon relasyon na yan. Marami pa akong priorities sa buhay noh. Isa pa hindi rin naman matutupad ang pangarap kong maging prince charming sa buhay..” sambit ni Anya.
“Eh bakit, sino bang napupusuan mong binata dito sa atin? ”, tanong sa kanya ng binata.
Umilag ng tingin si Anya sa binata. Lalo na nang maramdamang nakatitig ito sa kanya.
“Ewan ko! Ang kulit mo. Change topic na nga lang tayo. Dapat sulitin natin yung mga araw habang nandito ka pa sa atin. Kasi pagkatapos nun alam ko matagal pa tayong magkikita kita.” Sinabi na lamang niya.
Napangiti ang binata. Pero may lungkot sa mga mata nito. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ng dalaga. Maging siya rin naman ay nalulungkot din sa pag alis ng kaibigan. Gustosananiyang sabihin sa kaibigan ang tunay na nararamdaman pero babae siya. Ayaw niyang isipin ng binata na isa siyang cheap o mumurahing babae. Sasarilihin na lamang niya ang nararamdaman para sa binata. Dahil alam niyang darating din ang tamang panahon na masasabi niya dito ang tunay niyang nararamdaman. Hindi pa lang siguro ito ang tamang pagkakataon...
S
abado. Umiiyak na niyakap siJordanng kanyang nanay Marta at mga kapatid. Ngayon na ang nakatakdang araw ng pagluwas niya ng Maynila kasama ang tiyuhing si Domeng. Nasa pier sila ng hapong iyon. Kasama rin nila Aling Marta ang matalik na kaibigan niyang si Anya na noo’y tahimik lamang na nakamasid sa kanila.
“Mag iingat ka doon sa Maynila anak. Susulat ka sa amin ng madalas..”, anang kanyang nanay Marta.
Nakangiting tumango ang binata. Pagkuwa’y muling niyakap ang pamilya.
“Kayo rin. Mag iingat din kayo rito parati.”, aniya. Tumingin ito sa mga kapatid. “Kayo, wag nyong bibigyan ng sakit ng ulo ang nanay natin ha. Ang pag aaral nyo, wag nyong pababayaan..”
Magkasabay na tumango ang dalawang kapatid ni Jordan. Si Anya naman ang nilapitan ng binata. Niyakap niya ito ng mahigpit. Ito na yata ang pinakamahigpit na yakap na naranasan ni Anya mula sa kaibigan. May kung anong bugso ng damdamin ang kumuryente sa kanya.
“Aalis muna ako, best. Kailangan eh. Pasensya na talaga kung maiiwan kita dito. Babalik pa rin naman ako dito kapag may panahon..”, anangJordanat sinimulang pahirin ang ilang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata ng dalaga.
Marahang tumango si Anya. “Mag iingat ka doon. Hihintayin ko ang pagbalik mo, Jordan.” At muli silang nagyakapan. Malakas na bumusina ang barkong nag aantay sa pier, hudyat na ng pag alis nito.
Malungkot na nagpaalam ang binata sa mga kaanak at kaibigan. Nauna nang pumasok sa loob si Mang Domeng. Maya maya pa’y sumunod na sa kanya siJordan. Ilang kaway pa ang pinakawalan nito bago tuluyang nagsara ang pinto ng barko.
Gatuldok na lamang ang tingin ni Jordan sa pier na pinagmulan ng kanilang barko kanina. Alam niyang ng mga sandaling iyon ay naroroon parin ang kanyang pamilya at si Anya. Malungkot man para sa kanilang lahat ay kailangan niyang gumawa ng desisyon. Gusto niyang makatulong sa pamilya kung kayat naisipan niyang sumama sa tiyuhin sa pagluwas ng Maynila.
“Nung magpunta ako sa Maynila ganyan din ang naramdaman ko. Nakakalungkot pero mawawala din yan pagdating mo dun. Ganyan talaga pag sa simula pa iho..”, buhat sa likuran ay narinig niya ang boses ng tiyuhing medyo may edad na rin.
“Siguro nga.Sanamakapag adjust agad ako doon sa Maynila tiyo..”, nakangiting sabi ng binata. Mabilis na luamaganap ang kadiliman. Mga ilaw dagitab na lamang mula sa hangganan ang kanilang nakikita. Nasa terasa sila ng barkong banayad na banayad lamang ang pag usad.
“Alam kong matatag kang tao, iho. Tiwala ako sa kakayahan mo. Pagdating natin sa Maynila ay ipapakilala kita sa amo ko, si Mr. Lee. Mabait iyong tao at hindi ka mag sisisi sa pagtrabaho doon.”, anang Mang Domeng sa pamangkin.
Nakangiting tumango tango ang binata. Pagkuwa’y tumanaw sa kawalan. Maraming bagay ang naglalaro sa kanyang isipan ng gabing iyon. Madaling araw na nang magpasya siyang matulog sa loob ng barkong kanilang sinasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/4916618-288-k802327.jpg)
BINABASA MO ANG
Tumapak Man Sa Lupa
RomansaNagkatitigan sina Jordan at Denise. Biglang bigla kumabog ang dibdib ng binata. Ngayon ay tila ilang hibla lamang ang layo ng mukha ng dalaga sa kanyang mukha. At mas lalo niya ngayong napagmasdan ang kagandahang minsan na niyang kinabaliwan at nagd...