Chapter 13: Little Chap is a..

1K 14 2
                                    

It's been two months after nung nahimatay ako sa office namin. Naaalala ko pa nga, isang linggo din akong naging usap-usapan sa office. Wala naman ng bago dun since simula nung nalaman nila na preggy ako ng hindi kasal sa tatay ayun naging headline na ako sa kanila. Kulang na nga lang isama nila ako sa magazine na ginagawa namin.

Dalawang buwan na rin akong hinahatid sundo nung driver nila Jasper. Minsan siya pa nga yung naghahatid sundo sa akin lalo na kapag may check up ako kay doktora. 5 months na ako ngayong araw na ito. Excited ako kasi ngayon, pwede ko ng malaman yung gender ni Little Chap.

"Hey girl, bakit hindi ka pa ready?"

"Wala naman. Sa tingin mo Kate anong gender ni Little Chap?"

"Hmmm... kung ako lang ang papipiliin, mas gusto ko girl ang inaanak ko no! Syempre para naman may aayusan ako palagi di ba?"

"Sabagay tama ka Kate. Sa totoo lang, excited na excited ako ngayon. Kahit ano naman ang gender ni Little Chap okay lang sa akin as long as he/she is fine."

"Okay lang yang si Little Chap for sure. Jusko! Buhay princesa ka na nga sa Nanay ni Jasper at kay Jasper hindi pa ba siya magiging okay?"

"Hahahaha!!!! Tama ka Kate."

"Speaking of Jasper... may napapansin lang ako sa kanya. Actually matagal ko na siyang napapansin... ayaw ko lang sabihin sayo kasi baka alam mo na, paranoid lang ako."

"Ano yun?"

"Okay lang ba kayo? I mean... okay as in okay. I know you know what I mean. Kasi parang okay kayo... pero parang civil lang? Parang... sorry for the term ha... pero parang okay lang kayo for Little Chap's sake. Tama ba ako?"

Akala ko ako lang yung nakakapansin sa pagiging cold ni Jasper sa akin simula nung nag-usap kami sa hospital. Sinusundo niya ako minsan, and walang mintis yung pagtawag niya sa akin every hour or 3 hours to check up on me pero wala naman kaming masyadong napag-uusapan kung hindi si Little Chap. Halos wala na nga akong balita sa kanya.

"Hindi ko rin alam Kate eh. Baka naman stressed lang yung tao."

"Speaking of the devil, andiyan na siya."

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon