Chapter four- Untold

1.3K 13 26
                                    

Aaminin ko kabado ako ngayon. Sino ba naman kasing hindi kakabahan sa situation kong ito di ba?

I'm financially prepared but emotionally, naghhysterical na ako. Jusko naman kasi di ba, sarili ko nga di ko naaalagaan minsan, sarili ko pa kaya?! Tsss.... hay! Bahala na!

Isa rin naman kasi sa kinakakaba ko ngayon ay dahil na rin sa nilalang na nagngangalang... JASPER CRUZ. Ngayon kami magkikita para sabihin ko sa kanya ang isang malaking pasabog ng buhay niya. Paano kung hindi pala siya ready like me? Paano na lang?

Hayyy...basta kahit anong mangyari, hindi ko iiwan ang batang to. Akin to eh. Ginusto ko to kaya dapat panagutan ko yung mga consequences ng ginawa ko.

"Saan ka pupunta bakit nakabihis ka?"

"Ahmmm... makikipagkita kasi ako kay Jasper ngayon."

"Ooooohhh... may date naman pala si BFF eh."

"Che! Wala akong date no! Ikaw talaga Kate!"

"Wala daw.... eh bakit magkikita kayo? Ano yun, casualan na lang, ganun? Kita-kita sa labas pero di nagdadate?"

"Oo. Mag-uusap lang naman kasi kami. That's all."

"Kayyyy.... o siya mag-ingat ka ha?"

"Bye Kate!"

"Bye!"

Lumabas na ako ng condo unit namin. Hindi ko na muna dinala yung car ko since malapit lang naman yun restaurant kung saan kami magkikita ni Japser.

Exactly, 2 pm nasa restaurant na ako. Nakita ko naman siya na nakaupo doon sa may corner kaya pumunta na lang ako dun.

Sheeez. Bakit parang mas lalo siyang gumwapo ngayon? Ganyan ba talaga pag galing ng Europe mas lalong gumagwapo? Nagcocompliment kasi sa aura niya yung black jeans and white collar niya. Open pa yung dalawang buttons ng collar niya. Hayyy... feeling ko tuloy nagddrool ako dito.

OH MY GOD! SHEENA REYES! GET A GRIP! Jusko! 2 months ka pa lang, yung hormones mo di mo na macontrol! Paano na lang kung ilang months ka na?!

"Sheena!"

"Oh.."

"Upo ka. Sorry ang aga ko ata?"

"Nah. Late lang talaga ako."

"Do you want anything?"

"Hmmm... coffee lang."

"Okay."

Nag-order lang siya nung dalawang coffee para sa amin. Habang naghihintay ng order niya, sobrang awkward lang naming dalawa kasi hindi kami nag-uusap.Buti na lang at saglit lang, dumating na yung order namin.

"Sabi mo may sasabihin ka?"

"Sabi mo may sasabihin ka?"

Nagkatinginan kaming dalawa. Halata ko na parehas kaming tensed. Ano bang sasabihin niya?

"Sige mauna ka na."

"No. You go ahead."

He took his breath. Teka nga... para namang susugod kami sa gyera neto eh.

"I'm so sorry Sheena..."

U-oh.... don't tell me alam na niya yung tungkol sa akin?

"Huh?"

"Look... I met my ex when I was in Europe...

....We dated... then I realized that I still love her. And, she's still in love with me. I don't want to do this to you but....."

"It's okay Jasper."

"Are you sure?"

"Of course. Look, I can't be in the middle of your relationship. I don't want to be the antagonist in your story."

"Thanks! I thought you're going to burst up and shout at me. To be honest, I prepared myself for that."

Tumawa lang kami ni Jasper. I can still remember nung college kami kung paano ko siya sigawan pag nang-aasar siya.

"Now, that I already told you what I wanted to tell you... so... what about you?"

Eto na... paano ko ba sasabihin sa kanya yung tungkol sa akin kung may bago na siya ngayon. I admit, wala naman talaga sa akin kung sila na nung ex niya. Hindi ko pa naman siya mahal. It hurts, yeah.. pero hindi ganun katindi. Casual lang.

Pero ngayon... ano ng gagawin ko? Paano kung hindi niya tanggapin yung bata dahil may bago na siyang relationship? Baka isipin niya, sinisira ko relasyon nila... ugh!!!! Ano ba yan!

"Sheena, okay ka lang?"

"Ah... yes! Hahahaha..."

"So... ano yung sasabihin mo?"

"Ahh... ako? Nakalimutan ko na eh. Kalimutan na lang natin yun."

Shocks! Bakit ba hindi ko masabi?! Nakakainis naman kasi eh! Dapat pala ako muna nagsalita kanina. Pero... ayoko naman siyang ma-trap sa isang relationship na nagsstay lang ng dahil sa isang bata. Okay lang naman sa akin na hindi niya alagaan o bigyan ng pera yung bata. I can do that. Pero gusto ko yung kilalanin man lang niya... hayyy...

After ilang minutes, umalis na rin si Jasper. May kikitain pa daw kasi siya. I'm sure yung girlfriend niya yung kikitain niya. As for me... dumiretso ako ng mall. Naghahanap na kasi ako ng mga shops na pwede ko pagbilhan ng gagamitin nung baby. Sa totoo lang, excited ako na kinakabahan. Excited ako kasi, mahilig talaga ako sa mga bata and now... sariling akin talaga tong aalagaan ko. Kinakabahan ako in a sense na baka magkamali ako sa pagpapalaki sa kanya. Sana wag naman.

Mga 5 pm na ako nakauwi ng condo namin. Isa pa pala yan sa pproblemahin ko. Hindi naman pwede na tatlo kami dito nakatira nila Kate. Malaki naman yung condo pero syempre nakakahiya pa rin kay Kate.

"Hi girl! So how's your not-so-called-date?"

"Hay nako Kate. Hindi nga kasi date yun. Okay?"

"Yeah yeah..."

Papunta na sana ako sa room ko nung may naamoy ako sa may kitchen.

"Ahhh... Kate... ano yan?"

"Dinuguan. Favorite mo to di ba?"

Lumapit ako dun sa niluluto ni Kate and pagkakita ko sa niluluto niya, nagtatakbo ako papuntang c.r.

"Sheena! Hoy Sheena! Anong nangyayari sayo diyan?"

Binuksan ni Kate yung pintuan then nakita niya ako dun sa may sink.

"OMG! Anong nangyari sayo? Ganun ba kapanget yung luto ko?"

"N---o."

"Okay ka lang?"

"I...m fine."

Tinulungan ako ni Kate lumabas ng c.r tapos pinaupo niya ako sa may sala.

"Sure ka bang okay ka lang ha? Ano bang nangyayari sayo? Ilang buwan ka ng ganyan ha. Akala mo ba di ko napapansin? Ano ba kasi nangyayari sayo?!"

Nakita ko sa mukha ni Kate yung pag-aalala niya. Hindi ko na tuloy mapigilang umiyak. Hayy... helow hormones nga naman! Ugh!

"Ssssshhhh... Sheena... ano ba kasi problema mo? I'm here to listen, okay? Sabihin mo lang."

"Kate... kasi... ano kasi..."

"Ano?"

"I'm pregnant and Jasper is the father."

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon