Chapter 12- Slip of the Tongue

1K 12 0
                                    

Hindi ko alam kung nasaan ako o ano ang ginagawa ko dito. Basta ang alam ko pagdilat ng mga mata ko puro puti lang ang nakikita ko at wala akong kasama dito sa loob.

Ang alam ko lang kasi ngayon nasa hospital ako. Pero ang tanong kung saang hospital, hindi ko alam. Hindi rin ako masyado makapag-isip ngayon kasi ang alam ko lang nahihilo ako at masakit ang ulo ko.

Ano bang nangyari sa akin?

Kahit anong pilit kong alalahanin... hindi ko matandaan eh. Ang naaalala ko lang, kausap ko yung Mommy ni Jasper. Speaking of her... saan na ba yun?

"Sheena! Bakit nakaupo ka na? Humiga ka nga!"

Ano bang problema ni Kate at naghaharumintado itong babae na to?

"Ano bang problema mo Kate?"

"Ikaw kasi! Baliw ka talaga eh!"

"Ako pa? Eh ikaw tong nagwawala. Nakaupo lang ako. Hindi ako umaakyat ng bundok."

"Hmpft! Bahala ka nga! Alam mo pasalamat ka sa Mommy ni Jasper. Akalain mo yun... ang bait ng nanay niya pero siya... never mind."

"Ssssshhhh... Kate! Ano ka ba? Mamaya may makarinig sayo."

Sakto naman pagkasabi ko nun pumasok yung Mommy ni Jasper. Tsss.. pasalamat talaga tong si Kate at hindi siya narinig ni Tita Leila.

"Sheena, honey, okay ka na ba?"

"Ay Tita... okay lang po ako. Pasensya na po ha. Hindi ko kayo nasamahan mag-lunch."

"Stop calling me Tita. I told you, I want you to call me Mommy."

Kitang-kita sa mga mata ni Kate na kahit siya gulat na gulat sa sinabi ni Tita Leila. Duh! Hindi naman kasi ako ang girlfriend ng anak niya.

"Tita... nagkakamali po ata kayo... hindi naman ho si Sheena ang girlfriend ng anak niyo So... impossible po na--"

"Nah uh dear. Possible yun. We'll see."

Nagkibit balikat na lang kami ni Kate. Non sense to talk to her about it. Mukhang desidido siya sa gusto niya paniwalaan.

"Oo nga pala, tinawagan ko na si Jasper and he's on his way right now. Nagmamadali ngang umalis sa opisina."

"Nako Ti... Mommy... bakit niyo pa po ginawa yun? Nakakahiya kay Jasper. Busy po yun."

Actually, hindi ko naman alam na busy siya. Remember, isang linggo na kaming di nag-uusap so wala talaga akong alam tungkol sa kanya ngayon. And, ayaw ko lang talaga siya makita. Ang awkward kasi eh.

"Anong nakakahiya dun? Sheena, alam mo ba bakit ka hinimatay?"

Ahhh... hinimatay pala ako... teka....

"Kumusta po ang baby ko? May nangyari po ba? Ano po?"

"I told you Tita! Panic mode yan pag sinabi mo. Tsss... ngayon nag-aalala ka sa anak mo? Teh! Ilang araw ka ng puyat at hindi masyado kumakain. Tapos worried ka sa anak mo? Gahd! Ano bang problema mo? Pasalamat ka at malakas ang baby niyo ni Jasper nako... kung hindi..."

Iyak na ako ng iyak habang pinagsasabihan ako ni Kate. Napaka-wala kong kwenta na Nanay kay Little Chap. Hinayaan kong malagay sa masama ang health niya. Hindi dapat ganun. Dapat inaalagaan ko sarili ko.

"Tahan na Sheena. It's okay. Normal naman talaga yan. Pero over-fatigue ka kasi. Hindi dapat ganun. Alagaan mo muna ang sarili mo sa ngayon dahil may bata kang dinadala."

Umiiyak pa rin ako habang nagsasalita si Tita at sakto naman na pumasok si Jasper. Pawis na pawis siya at hindi pa nakatali ng maayos yung neck tie. Sabihin na lang natin na haggard look siya.

"What happened? Bakit ka umiiyak?"

Hinawakan niya yung kamay ko tapos tumingin tingin siya kay Kate at kay Tita Leila.

"Mom called me immediately. Okay ka lang ba? Si Little Chap?"

Niyakap na lang niya ako bigla. Hindi ko na nga rin namalayan na wala na pala si Kate at si Tita Leila.

"Bakit nandito ka? Di ka ba busy?"

Umalis naman siya sa pagkakayakap niya sa akin at umupo siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano yung nakikita ko sa mga mata niya. Galit ba yun o inis?

"Sht Sheena! Ano ba?! i've been calling you a million times this whole week! Pero, ano? Wala! Di ka man lang sumasagot sa text or tawag ko! Pag pumupunta ako sa condo mo lagi kang wala! Ano bang problema?! Look, I care about you and Little Chap. Ano pa ba gusto mong gawin ko para maniwala ka?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Am I being too hard for him? Pero kasi... kung hindi ako lalayo.. itong nararamdaman ko sa kanya... possibleng mag-grow into something na alam namin pareho na hindi namin magugustuhan kasi may mahal na siyang iba.

"I'm sorry Sheena. I didn't mean to shout at you. Nag-alala lang talaga ako sa baby natin. I've heard na over fatigue ka raw. Bukas na bukas din kakausapin ko yang head niyo. MAsyado ka niya ata pinepressure! Hindi ba niya alam yung situation mo."

"Look, Jasper. I'm fine. Little Chap's fine. Kasalanan ko naman eh. Lagi akong puyat these past few days and di rin ako nakakakain on time. Ako dapat yung sisihin mo. And, wag mo na idamay yung head ko. Lalo lang akong pag-uusapan sa office nung mga taong di makaintindi."

"Pwes, kung ganun ako magpapaintindi sa kanila. I had enough of this. Di pa nila ako kilala!"

"Jasper... I'm fine, okay? I'm fine."

"And, starting from now, di ka na magddrive. May magsusundo at maghahatid sayo sa office at sa kung saan mo man gusto pumunta. And, I'll call you every hour to check kung kumain ka na ba, uminom ng vitamins and all that. Sheena, hindi na pwede matigas yung ulo mo. Hindi ko kaya mawala si baby at mawala ka sa ginagawa mo. Di ako papayag."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya ako kaya mawala? Bakit pati ako nadamay? Akala ko si baby lang? Kahit siya alam ko, nagulat sa mga sinabi niya. Kasi naman... ano bang tumatakbo sa isip niya?

"I mean it."

Napatango na lang ako sa kanya. Tahimik na lang kami at ni isa walang nagsasalita. Hindi ko alam kung dapat pa ba namin pag-usapan yung tungkol sa nangyari sa amin sa condo niya? O hayaan na lang namin. Tutal, wala naman talagang nangyari. We just kissed. Ayun lang. Siguro dahil lang yun sa nainom niya at sa raging hormones ko. That's all. Walang issue yun. Di ba?

"About last week..."

"Ahh... ayun... kalimutan na lang natin Jasper. Wala lang naman yun di ba? I mean... it's just a kiss. Right?"

"Y...yeah."

Tumahimik na lang kami ulit. Tumayo siya at nagkiss sa noo ko.

"You should rest. Tatawagin ko sila Mommy para bantayan ka. Bibili lang ako ng food and fruits mo."

"Okay."

Nagsimula na siya maglakad sa pintuan ng tawagin ko siya ulit.

"Jasper..."

"Yes?"

Hindi ko alam. Bakit ko ba siya tinawag? Ano bang sasabihin ko sa kanya?

"Salamat ha."

Wala na siyang sinabi. Ngumiti lang siya sa akin at sinarado na yung pintuan. Hindi ko alam. Pero bakit naramdaman ko nung ngumiti siya sa akin na hindi naman talaga siya masaya? Bakit parang ang lungkot lungkot niya?

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon