Chapter 20: The Jealous Type

837 10 9
                                    

8 months. 1 month to go.

8 months. 1 month to go.

8 months. 1 month to go.

8 months. 1 month to go.

8 months. 1 month to go!!!!! 

Ayyyyyy!!! Malagkit! Nababaliw na ako! 1 month to go ang magkakababy na ako. Wala pa akong pangalan kay Little Chap. Hindi ko pa alam paano ako iiri sa operating room, hindi ko pa alam kung kaya ba to lahat! Haaaaaayyyyy!!!! Mababaliw na ata ako!

Yes, I'm still afraid. Sino ba namang hindi di ba? I'm too young to have a child. Okay, maybe not too young. May iba nga diyan na mas bata sa akin na mas naunang naging nanay sa akin. Pero... uggggh!!! Still... hindi pa ako prepared. Paano pag hindi ko siya mapalaki ng tama? Paano kung may nagawa pala akong mali habang pinagbubuntis ko siya at nagkaroon siya ng sakit o ano? Paano kung di pala siya healthy...

And worst of all, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Jasper! Paano pag di kami nagkatuluyan na dalawa? Lalaki ba sa broken family ang anak ko? Though... di kami nagpakasal.. pero ayyy ewan... lalaki ba siyang 1 week sa Mommy at 1 week din sa Daddy niya?

Hayyyy!!!!!! Baby... ano ba gagawin ni Mommy?

"Lalim naman ng buntong hininga mo diyan. Alam ko kakatapos lang ng Holy Week ah. Pero parang Biyernes santo na yang mukha mo."

"Oh hi James."

"You know what, I think you need to rest."

"I'm fine. Madami lang iniisip."

Si James ang isa sa mga editor in chief ng magazine namin. Minsan nagsusulat din siya ng mga articles sa magazine namin and pag siya ang nagsulat panigurado maraming magagandang feedbacks sa article na yun. He's one of the best in our magazine. He's 1 year older than me, single, sporty, ladies' man if I may add...

"You know what... I can treat you a lunch if you like. Wala rin kasi akong kasama today. And since mukha namang kailangan mong ma-refresh sa dami ng trabaho  mo dito... we could hang up for a while."

"I'm sorry, she's going with me." Nagulat naman ako nung makita ko sa may pintuan ng office ko si Jasper.

Anong ginagawa niya dito?

"Jasper?"

"Hi!" Ngumiti siya sa akin pero kitang kita mo sa mga mata niya na may gusto siyang gawin kay James na hindi maganda.

"Anong ginagawa mo dito?"

"We're going to have lunch. Lets go then?"

"Ah.... James, this is Jasper. Jasper si James. Isa sa mga editor in chief dito sa magazine namin."

"Nice meeting you pare. By the way, nice cover ha. Tuwang tuwa yung directress namin nung nakita yung mukha mo sa cover ng magazine namin for this month."

"Thanks. Lets go baby?"

BABY?!!!!! Seryoso?! Anong nangyayari dito?

"Ahh... James sige una na kami. Next time na lang siguro yung lunch na inooffer mo. See you later."

Hanggang sa makarating kami sa loob ng sasakyan ni Jasper hindi siya nagsasalita. Nakakunot lang ang noo niya tapos parang batang kinuhaan ng lollipop yung itsura niya.

"Hey.. what's wrong?"

"Sino yun?!"

"Huh?"

"Sino yung lalaki na yun kanina?! Kung ayain ka mag-lunch akala mo kung sino siya. Di ba niya nakikita na magkaka-baby na tayo? Ang.. para ka niyang tutunawin sa mga tingin niya sayo. Tsssss.... the nerve of that guy!"

Natulala naman ako sa sinabi ni Jasper. Si James ba yung tinutukoy niya? Teka teka... tama ba tong naiisip ko...

"Hold up for a while Mr. Jasper Cruz... will you answer my question honestly... are you jealous?"

"JEALOUS?! Nababaliw ka na ba Sheena??!"

"So we're back to Sheena now? A while ago you called me BABY. What's that supposed to mean Jasper?"

"Slip of the tongue? And.... ano naman kung tawagin kita nun? We're dating. I can call you any term of endearment that I like."

"Ooooookaaaaayyyyy then." Di ko alam pero napapangiti ako sa inaarte ni Jasper ngayon. Kahit anong deny niya na hindi siya nagseselos. Alam kong tama ang hinala ko.

"Stop smiling."

"Bakit?!"

"Basta. Ayaw kong makikita na sasama ka dun ha. And... no lunch time with him. Okay?"

"Yeah."

"Promise?"

"Oh please Jasper! Stop denying it. YOU. ARE.SO.JEALOUS."

"I'm not!"

"Fine."

"I said I'm not."

"Fine."

"Just say promise already."

"Okay fine! I promise! Can we eat now?"

"Yes. Thank you. And stop smirking!"

Hahahaha!!!!!! Di ko alam kung tatawa ba ako o ano ang gagawin ko kay Jasper. Hanggang sa matapos ang lunch naming dalawa hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko. Ramdam ko na naiinis na siya sa akin. But what can I do? Hindi ko mapigilan eh.

"Okay fine. I am jealous. So stop making fun of me."

"I'm not making fun of you, you know. Hindi ko lang naimagine na magseselos ka."

"I can be possessive if I want to be. No correction... possessive talaga ako. What's mine is mine so others should back off."

"Yeah. I could see that. Anyway, I have to go. So...I'll see you...."

"Later. I'll pick you up. Mamaya may maghatid pa sayo na iba diyan. Tssss...."

"Jasper!"

"Fine fine. I'll pick you at.. 7?"

"Okay."

Bago pa man ako makapasok sa building namin, may humigit ng kamay ko at pagharap ko may inaabot siya sa akin na white envelope.

"Ano to?"

"Invitation?"

"For what?"

"Anniversary ng parents ko this weekend. You're invited to come. And I heard... ipapakilala ka na rin ni Mommy sa mga relatives and close friends ng family namin. And... I just want you to know, invited din si Cass dahil friends ang daddy ko at daddy niya.

OH MY GOD! Nakikita ko na ang paparating na WORLD WAR 3.

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon