Kabanata 2

105 7 7
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Mariana Dorothea

Akala ko sa Maynila lang may ganito ka-gwapong lalaki. Hindi ko akalain na meron din pala sa mga probinsya. Napalunok ako at gustong umiwas sa lalaking nasa harapan subalit napansin niya siguro ang lapit naming dalawa kaya dahan-dahan niyang binitawan ang kamay kong may hawak ng libro.

"Ayos ka lang ba?" Halos kapusin ako ng hangin nang marinig ang baritono niyang tinig.

This man— this handsome man.

He sounds quite striking! Picture of a tall, handsome man with a clean-cut, flat cut hairstyle, complemented by long curved eyelashes pair with his mesmerizing light brown eyes that add a touch of charm to his warm beige skin tone.

Hindi ako agad nakapagsalita, ibang-iba sa personality ko ngayon at biglang natapakan ang pagkababae ko dahil ako 'tong tulalang nakatitig sa kan'ya.

Nagpeke ako ng ubo at sa wakas ay umiwas na rin ng tingin sa kan'ya.

"Ah... o-oo, ayos lang ako," kinakabahang saad ko.

Nang tuluyang makatayo ng tuwid ay saka ko lang napagtanto na sobrang tangkad ng lalaking nasa harapan ko ngayon. A dressed in a simple yet classic ensemble: a crisp white long-sleeved shirt paired with denim jeans shorts. 'Yong nakikita kong suot ng mga karaniwang magsasaka na nadaanan ko kanina habang naghahanap ng magandang spot.

Hindi siya mukhang mahirap pero kung sa kasuotan na magbabase ay halatang isa sa mga magsasakang nagtra-trabaho sa bukid.

Imposible! Sa gwapo niyang 'yan ay mahirap siya?! Mukha nga siyang may lahi!

"Hindi ka taga rito?" biglang tanong pa ng lalaking nasa harapan ko kaya napataas ako ng kilay. Nais kong labanan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Hindi. Pinatapon dito, oo. Pero sa itsura kong 'to? Mukha ba akong tagabukid?" maanghang na tanong ko kaya napataas ang makakapal niyang kilay na 'di kalaunan ay nangunot.

'Unang araw pa lang naman, Dorothea! May crush ka na agad?!' sermon ko sa aking sarili.

"Ano nga pa lang ginagawa mo sa private property na 'to? Sa pagkakaalam ko, walang anak na babae si Don Monforte kaya imposibleng konektado ka kay Don Monforte," saad niya kaya natigilan naman ako.

Marami na akong narinig na baritonong boses pero iba ang boses ng lalaking nasa harapan ko. Masarap sa pandinig.

"Masama bang makitambay rito?" tanong ko.

Mas nangunot ang noo niya sa tanong kong 'yon.

"Like I said, this is a private property and trespassers are not allowed, pagagalitan ako kung malalaman na may pumasok dito ng walang pahintulot ng gwardiya," saad pa niya kaya napanguso naman agad ako at nangunot na rin ang noo.

"Napaka-arte naman. Wala naman akong nanakawin dito. Baka 'yong may ari pa nga ang manliit kapag nakilala kung sino ako," mayabang kong asik sa lalaking nasa harapan at mukhang hindi niya 'yon nagustuhan.

"Walang kwenta 'yang mga pinagsasabi mo, Miss," pambabara niya dahilan kung bakit pinag-cross ko ang mga braso ko sa akin dibdib at nakataas ang kilay na tumingin sa kan'ya.

PGS01: Affinity RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon