Chapter II:Rain

7 0 0
                                    


Umihip ang pang hapong hangin ng Hunyo.Kasunod noon ay ang pagpatak ng marahan na ulan.Nagpaypay ako, kahit umuulan na ang init parin.

Kakatapos lang namin mag linis ng bahay, alas tres na ng hapon at nagmistulang alas sais na ng gabi sa labas dahil sa makulimlim na langit.

"Ate, may payong ka ba?"

Nilingon ko ang aking kapatid na may dalang ecobag.Nilapag ko muna ang ginagantsilyo at kinuha sa school bag ang payong.

"Asan ba ang iyo?"ani ko habang kinakalkal ang bag.

"Nawala ko."

"Kay Francis?"

"Nasa bahay nila Tim, naglalaro ng Dota.Dala ata iyon non, mayang alas singko pa ata uuwi."

"Dota?Umuulan at kumukulog dota parin. Pauwiin mo na iyon!"

"Ikaw ba?San ba lakad mo?"usisa ko pa.

"Wala na daw gamot si Papa, eh. Tyaka bibili na din akong panghapunan."

Nilahad ko sa kaniya ang payong at minasdan ang mahihinang pagpatak ng ulan. Palagay ko'y lalakas pa ang ulan. May gusto din akong ipabili pero baka matagalan 'to dahil hindi kabisado ang gusto kong yarn.

"Ako na.May gusto din akong bilhin.Si Auntie Mira ba daw ang magluluto?"Inagaw kong muli ang payong at tumalikod na para mag-ayos.

"Oo, ito oh listahan. Sigurado ka ba Ate? May ginagawa ka pa oh."aniya sabay nguso sa ginagawa kong strawberry na crochet bucket hat, na order ni Nic.

"Madali lang naman iyan. Wala na rin akong yarn para sa mga iba pang orders, kaya ays lang."

"Sama nalang kaya ako, para may taga buhat ka."nag-alalala niyang suhestyon.

Felix, my younger brother, is the most matured twin. Francis on the other hand is the carefree one. Di ko naman sinasabing immature si Francis. It's just that, they're like the sun and the moon.When our father no longer can take care of us, it was Felix who stood as Francis' father, kaagapay ko noong di pa umuuwi sila Auntie Mira galing Bicol.

It is not the role I want him to be at the age of 11.As the eldest, it pains me to see him act mature para lang hindi maging pabigat sa amin.

Matapos magbihis at mag-ayos ay nagpaalam na ako kila Auntie at Felix bago naglakad papuntang kalsada para mag-abang ng tricycle.Felix once again, asked if he could come.Hindi ko na pinasama para may katulong si Auntie Mira sa bahay.

"Mabilis lang naman ako, kaya 'wag nalang."

It didn't rain when I was on my way to the market. Inuna ko muna ang gamot ni Papa at ang mga sahog para sa lulutuin mamaya ni Auntie, bago pumunta sa katabing mall at bumili ng yarn.

Tahimik sa isle na ito dahil wala naman masyadong bumibili doon, natatakot nga akong baka tanggalin ng mall ang mga stock na yarn dahil wala naman gaanong bumibili. I mean, I can always shop online, yes. But I prefer this than buying online. Bukod sa makakamura ako, I can check beforehand the colors or the yarn itself before buying it and I don't have to wait for a week for it to arrive.

"I know someone who knows how to crochet..."

It was a man's voice, a familiar one.

"Really?Do you think they can teach me?"

"I don't really know...mailap kasi iyon..."

That voice.

Napatigil ako sa pag pili ng yarns.
It was from the other isle, and I believe they're at the hooks sections.Dali-dali akong kumuha ng tatlong pulang yarn at pupunta na sana sa counter nang nagkasalubong kami sa dulo ng isle.

She who hidesWhere stories live. Discover now