Chapter VIII:Boutonniere

3 0 0
                                    

Dapat sa simula pa lang alam ko na na hindi enough ang 10 minutes sa kadaldalan ni Art.Bale, Marami siyang tanong sa naging ganap ko sa mga araw na wala siya.Tanong ng tanong kung anong ginawa ko noong Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday at sa mga sumunod pang araw.

"Kailangan detailed?"di ko makapaniwalang tanong.

He laughed, "Oo!Sawa na ako sa araw-araw na practice.Nanlalanta na ako!Paulit-ulit naman ang steps."sunod-sunod niyang reklamo.

Sa huli ay kinuwento ko rin lahat.Iyon nga lang, di detalyado dahil may ibang nalimutan ko na talaga kung anong ganap ko sa mga araw na iyon.Normal lang naman ang naging tagpo sa buhay ko.

"Ano pa ba?Hmmm...kanina binilhan ako ni Mama ng phone.Ayaw ko pa nga, e.Pero matigas din iyon."

"May pinagmahan ka, Nadie."

Natawa ako, "Eh, mahal naman kasi.Makakaya ko namang walang phone until college.Mapapag-iponan ko naman siguro."

"Nasa panahon na tayo na essential ang phone, Nadie-boo.Bukod sa mga bagong silang, ikaw nalang ata ang kilala kong walang cellphone.Great grandmother ko nga dati, naabutan ko pang may iphone."

Hindi lingid sa kaalaman ko ang katotohanang iyon.We are living in a world where our work mostly revolves around phones and other gadgets.

Unti-unti ko ring napapansin ang pagbabago ng pamamaraan ng pag-aaral namin.Galing sa manila paper or construction paper, may iba akong kaklase na nagsisimula nang gumamit ng PowerPoints.

We're slowly adapting the modern way of teaching.

And even though I am not that fond of the changes, ayaw ko namang mapag-iwanan.

Hanggang sa napadpad ang usapan sa ginawa nilang magka-kaibigan noong mga nakaraang araw.

"Grabe, parang sasabog bunganga ko sa anghang!"kwento niya.

Kinuwento niya ang pag ka-kuryoso nila sa viral ngayong Spicy Noodle Challenge.When it was their break, nagkasundo silang magkakaibigan na gawin iyon, despite the consequences.

"Naalala mo si Ram?Akala ko talaga si Momo lang makakapag-paiyak sa kaniya.Samyang lang pala katapat."

I have heard about his friends but never saw them in person.He showed me their pictures though.All of his friends are also good looking like him.Base rin sa kwento niya ay matatalino ang dalawa. And he told me that Ram had a crush on Momo for almost 4 years now.Momo on the other hand kept mum about  the situation. 

TMI masyado ang lalaking 'to, pero ayos lang, hindi naman nila ako kilala at wala akong balak manghimasok sa buhay nila.

"Pati pwet ko pag-uwi umiiyak sa anghang!"

Pigil na pigil ako sa pagtawa dahil ayaw kong magambala si Mama, na palagay ko'y mahimbing nang natutulog.

"Feel ko talaga may halong sili na 'yong tae ko!"dagdag pa niya.

Kung mamamatay man ako sa gabing iyon, iyon ay dahil nawalan ako ng hininga kakatawa.

"We should try it too, Nadie.Tatanggal talaga angas mo.Makita mo."

Inabot kami ng madaling araw sa kadaldalan ni Art.Kung saan-saan nalang umaabot ang topic namin hanggang sa namalayan ko nalang na 10% nalang ang phone ko.Medyo kinabahan pa ako dahil sabi nong tindera ay dapat pag 20% na ay icharge ko na dapat.Masisira daw kasi agad.

"Tama na Art!10% na ako!" natatawa kong sabi.

Dinig ko sa tinig niyang nakangisi siya, "Mabuti iyan. Ako unang nakabinyag ng phone mo."

Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising.Buti nalang talaga Linggo at walang pasok.Pag gising ko ay naabutan ko si Mama na naglilinis sa baba.Nagpaalam siya na aalis mamayang hapon papunta sa bayan.May kikitain daw siyang kaibigan.

She who hidesWhere stories live. Discover now