Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Art.Ngayong araw ay alam kong hindi kami ulit magkikita sa garden nila kaya dumeretso ako sa kusina, nagba-baka sakali na andoon si Mama.
"Ma, si Seanna?"tawag ko nang makita siya sa likod ng kusina, kung asan ang laundry room.
Galing sa pagtutupi ng mga damit nila ay lumapit siya sa'kin.Nagmano naman ako.
"Nasa school pa, baka mamaya pa iyon makaka-uwi dahil si Gianna mismo ang nagsundo sa kaniya."
Tumango ako at kumuha ng isang damit at nagtupi na rin.
Tahimik lang kami ni Mama pero ramdam ko ang titig niya.Nang nilingon ko siya ay nakangiti lang siya sa akin.Natawa ako.
"May dumi ba sa mukha ko, Ma?"
"Wala...isang linggo na kasing palagi tayong nag-uusap.Si Art at Seanna kasi ang palagi mong kasama."
Nasabi na sa akin ni Art noong mga nakaraang araw na magiging busy siya ngayong buwan dahil mag papractice sila para sa prom pagkatapos ng exam nila.
"Si Mama, nagseselos oh."biro ko.
My gentle mother giggled and stroked my hair.
"Lumalaki ka na.Baka may nanliligaw na sa iyo ah."
Napatigil ako.Pumasok bigla sa isip ko si Aaron.Naalala kong hindi ko pa pala nasasabi kay Mama ang lahat.Kay Art lang.
"Ayos lang naman sa akin kung meron.Pero bata ka pa, payo ko lang sa'yo na wag masyadong magpapadala at i-enjoy mo muna ang pagiging bata mo."
Natawa ako ng bahagya.Parehas sila ng payo ni Art.
Si Aaron naman ay persistent parin sa panliligaw.Sumasabay sa akin kumain at kada uwian pag wala silang practice.
At hindi pa din nag-babago ang pagtingin ko sa kaniya, kaibigan.
Hindi naman siya nangungulit kung ano kami.Tingin ko ay kuntento na rin siya kung ano ang meron kami sa ngayon.Minsan nga lang ay bumabanat siya, kaya alam kong may gusto pa rin siya sa akin.
"Alam mo ba?"tanong ni Aaron.
"Ang ano?"lito kong tanong.Sabay ulit kaming nag lunch.
"Na ang ganda mo?"
Napa-irap ako ng sila Gely at Aby lang ang tumili.Narinig pala nila.Natawa ako nang nakitang kinuwelyohan ni Aby si Mika na nananahimik.
"Isa Aby!Baka mapektusan kita.Nanahimik ang tao, e!"
Iyon lang, hindi na siya lumalagpas sa linya na iginuhit ko para sa aming dalawa.
I commend Aaron for being understanding.
But I do hope he wakes up one day and realize that I am not the one for him.And that we are better off as friends.
"May...nagpaparamdam lang, Ma.Pero kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya."
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Mama.Pumapalakpak na para bang excited sa sinabi kong iyon.
"Talaga?Sino? Ba't di mo sinabi sa akin?"
Nagpatuloy kami sa pagtutupi nang nagpatuloy siya.
"Sinasabi ko na nga bang may nanliligaw na sa'yo,e.Nakita kita noong February na may dalang chocolate at bulaklak."
Wala naman akong nahimigan na pagtatampo kay Mama dahil naglihim ako.Nag-aantay lang siguro siyang maging handa akong magkwento.
May plano naman talaga akong sabihin sa kaniya, pero dalawang buwan na ang lumipas ay hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kaniya.
YOU ARE READING
She who hides
RomanceAn unexpected bond bloomed when a girl named Nadia Ramirez who cherishes solitude more than anything, met the confident and carefree heir of the Castaneda's - Arthur. An embodiment of sunshine and boundless energy. Despite the differences in their...