Nang mabalitaan ng lahat ng tao sa Zinambra na naghahanap na nang papalit sa dyosa ng lahat ay marami ang natuwa at marami rin ang naghahangad na sanay sila ang mapili na maging tagapagmana ng trono ng dyosa ng lahat at makuha ang kapangyarihang walang kapantay na sa isang pitik lang ng daliri ay kayang maging abo ang buong Zinambra kaya marami ang naghahangad sa kapangyarihan na iyon.
Hindi nagtagal ay nakahanap na ang dyosa na papalit sa kanya at nalaman rin ito ng mga tao sa zinambra hanggang sa nalaman ito ng mga taga Darkeus at kaya naman ay gumawa sila ng paraan para malaman kung sino ang maswerteng nilalang na iyon.
At nabalitaan nila sa mga mamayan na isang maharlika daw ang pinili ng dyosa ng maging tagapagmana at maging tagapangalaga ng kanyang kapanguarihan.
"Panginoon nalaman ko po sa mga mamayan sa kabilang kontinente na isang maharlika daw ang napili ng dyosa ng lahat!"--saad ng General
"Magaling General Fing! Maasahan talaga kita!"--saad ni King Drake na tinawag na Panginoon ng isang General niya.
"General Gale ihanda ang mga kawal at sasakayin natin kabilang kontinente!"--Utos pa nito sa isang pang General ng kanilang kaharian.
"Masusunod po Panginoon!"--sagot naman ni General Gale.
"Mahal kumuzta na ang ating anak?"--tanong ni King Drake sa kanyang asawa
"Ayos naman Mahal nakatulog ba siya sa sobrang pagod!"--sagot naman ni Reyna Irene
"Panginoon nakahanda na po ang mga kawal!"--saad ni General Gale
"Mabuti! Tayo na!"--saad ni Haring Drake
Umalis na mga sila sa kaharian nila at papunta na sila ngayon sa tabing dagat kung saan ito ang naghihiwalay ng dalawang Kontinente.
Ang unang kaharian na makikita ay ang kaharian ng Water Kingdom dahil nakatayo ito malapit sa Dagat dahil tubig ang kanilang elementong hawak.
Ng makita ito ng mga kawal ng water kingdom ay agad nila itong ipinaalam sa kanilang Hari at reyna.
"Mahal na Haring Andrew nakita po namin ang mga General at ang Hari ng Dark Kingdom na papunt dito sa ating kaharian!"--ulat ng isang kawal.
"Mahal magpadala ka ng mensahe sa lahat ng kaharian!"--utos ni Haring Andrew kay Queen Sandra.
Agad naman itong nagpakawala ng maraming bolang tubig papunta sa iba pang kaharian.
At natanggap naman ito ng ibang kaharian kaya dali dali silang pumunta sa Water Kingdom gamit ang pagteleport kaya madali lang sila nakarating.
Sakto naman pagdating nila sa water kingdom ay nandon naman ang mga kawal at ang mga General at kasama ang Hari na si Haring Drake.
"Anong kailangan niyo dito at pumunta pa kayo dito?"--tanong ni Haring Alex.
"Nandito kami para mapatayin ang tagapagmana ng dyosa ng lahat!"--sagot ni Haring Drake sa tanong ni Haring Alex.
"Tingin niyo ba ibibigay namin sa inyo ang tagapagman ng dyosa? Hindi kahit anong mangyari hindi namin ibibigay!"--saad ni Haring Arthur.
"Hahaha!! Kung ganon maghanda kayo dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko na kukuha at napapatay ang tagapagmana!"--saad din ni Haring Drake.
"Nakahanda kami!"--sagot naman ni King Philip.
"Kung ganon aalis na kami! Paalala lang magpalakas na kayo dahil hindi niyo pa kaya ang aking pwersa!"--hurling sinabi ni Haring Drake bago ito balutin ng itim na usok.
"Kailangan lagyan natin ng pananggala ang buong kontinente para hindi tayo mapasok ng mga kalaban natin!"--saad ni Queen Elizabeth.
"Cge lagyan natin ng pananggala para kung sakali mang bumalik ang kampon ni Drake ay hindi tayo basta bastang mapapasok at para makapaghanda pa tayo ng mabuti!"--pag sang ayon ni Haring Andrei.
BINABASA MO ANG
The Heir of the Most Powerful Goddess Book 1
FantasyNang mabalitaan ng lahat ng tao sa Zinambra na naghahanap na nang papalit sa dyosa ng lahat ay marami ang natuwa at marami rin ang naghahangad na sanay sila ang mapili na maging tagapagmana ng trono ng dyosa ng lahat at makuha ang kapangyarihang wal...