"Shawn's POV
=====Kinabukasan====
Nandito kaming apat sa Canteen para magalmusal at naalala ko naman yung lalaking walang modo na nabangga ko! Kala niya naman matatakot ako sa kanya.
"Ohhh! Shawn Bat parang hindi mo yata ginagalaw ang pagkain mo?"--tanong ni Maycee.
"Ayaw mo ba niyan pwede mo naman siya palitan kung gusto mo!"--saad naman ni Calvin.
"Hindi!! Ok lang!! Tsaka favorite ko to!"--sagot ko naman sa kanila Chocolate kasi ang Flavor ng tinapay na kinakain ko ngayon.
"Ehhh bakit hindi mo ginagalaw tan?"--tanong naman ni Vlamur.
"Wala may iniisip lang ako!!"--sagot ko rin sa kanila.
"Ano ba yang iniisip mo? Baka si Prince Blaze lang yan ah!!"--pangaasar sa akin ni Maycee.
"Manahimik ka nga Maycee! Hindi siya ang iniisip ko at bakit ko naman siya iisipin!"--saad ko pa.
"Ehhh! Ano yang iniisp mo?"--tanong naman ni vlamur.
"Ahhh! Yun ba! Iniisip ko kasi kung bakit nalaman ng mga taga dark kingdom na ako ang tagapagmana ng dyosa!"--saad ko sa kanila. Kaya namab ay sumeryoso naman sila..
"Oo nga!! Kaya Shawn magiingat ka! Dahil nasa panganib ang buhay mo!"--saad naman ni Calvin.
"Oo naman magiingat lagi ako!"--saad ko naman at nilantakan na ang pagkain ko at nang matapos na kaming kumain ay umalis na kami sa Canteen pero bago pa kami makalabas sa Canteen ay nakasalubong naman ang grupo ng mga Prinsipe at Prinsessa.
At nagkasalubong ang mga mata naman ni Blaze at kita sa mata nito ang inis at galit kaya naman ay nginitian ko nalang ito ng pagkatamis tamis. Nakita ko naman na naiinis na siya kaya naman ay umalis na kami doon.
Habang naglalakad kami papuntang Classroom lahat ng madaanan naming mga estudyante ay hihinto sa kanilang mga ginawa at magbubulong bulungan ng kung ano ano kaya hindi nalang namin sila pinansin at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang classroom.
Nandito na kami ngayon sa classroom at hinihintay si Miss Victoria para sa History class namin ngayon.
At ilang minuto ang lumipas nang dumating na ang guro namin ngunit hindi si Miss Victoria ang dumating kundi si Sir Allan ang teacher namin sa Weaponry.
"Sir nasaan po si Miss Victoria at bakit po nandito kayo?"--tanong nung lalaking kaklase namin.
"Ahhh!! Hiniram ko kasi ang oras ni ma'am Victoria kaya ako ang teacher niyo ngayon!"--sagot naman ni Sir.
"So tara na sa Field ng Academy doon tayo magkaklase!"--dagdag pa ni sir.
"Ahhh! Guysss sino dito ang pwedeng gumawa ng teleportation spell para naman sabay sabay na tayong pumunta sa field!"--saad pa ni sir.
"Si Shawn po sir!"--saad naman ng mga kaklase ko.
"Hala bakit ako! Ehhh kaya naman yun ni Maycee ehh!"--saad ko sa sarili ko bwesit!!!.
"Miss Shawn pwede ba?"--tanong ni sir sa akin. Kaya tunango nalang ako.
"Ahhh!! Sir hindi po ako Miss lalake po ako!"-saad ko kay sir at nagulat naman ito.
"Ahhh!! Pasensya na Mr. Shawn! Pero para kang isang babae! Sa ganda ng iyong mukha kaya hindi malayong marami ang magkakagusto sayo!"--saad ni Sir.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Sir dahil matagal ka nang alam yun.
"Teleport!"--bigkas ko at nagkaroon ng malaking magic Circle na kulay violet at maya maya pa ay nagiba na ang paligid namin at nandito na kami sa field ng academy.
BINABASA MO ANG
The Heir of the Most Powerful Goddess Book 1
FantasyNang mabalitaan ng lahat ng tao sa Zinambra na naghahanap na nang papalit sa dyosa ng lahat ay marami ang natuwa at marami rin ang naghahangad na sanay sila ang mapili na maging tagapagmana ng trono ng dyosa ng lahat at makuha ang kapangyarihang wal...