Chapter 3

50 3 0
                                    

Shawn's POV

--------------One week later-----------

Nandito kami ni Maycee sa aming mga kwarto at nagiimpake na dahil ngayon na ang alis namin papunta sa mundo ng Zinambra, napagpaalam na kami kay Kelvin at pati narin sa school na pinapasukan namin, ayaw pa nga kaming payagan, pero pinilit nalang namin syempre hindi namin sinabi na pupunta kami sa Zinambra dahil hindi naman nila alam na hindi talaga kami totoong tao, kaya ang sinabi lang namin ay pupunta kami ng ibang bansa...

"Ohhh!! Ano nakahanda na ba ang lahat ng mga gamit niyo?"--tanong ni Tita Minerva.

"Opo tita tapos na po!"--sagot naman ni Maycee

"Kung ganon ay tayo!"--saad naman ni Tita Jasmin.

Hindi na lamang kami sumagot at kinuha nalang namin ang mga bag namin na may lamang mga gamit. Yung ibang bag ang laman nun ay ang pampaganda namin ni Maycee.

"Saan po ba tayo dadaan?"--tanong ko kay tita minerva.

"Gagamit tayo ng portal! Para madali tayong makakapunta sa Zinambra at para diretso narin tayo sa Palasyo niyo!"--saad naman ni tita Jasmin.

"Ahhh ganon po ba? Tara na po at excited na kaming makita ang kaharian natin at excited narin dahil sa wakas makikita na rin namin ang tunay naming mga magulang!"--sagot naman ni Maycee.

"Oo nga! Sino kaya ang kamukha ni Ama at sino naman ang kamukha ni Ina?"--tanong ko naman.

"Malalaman niyo rin kung sino sa inyong dalawa ang kamukha ng mahal na Reyna at Hari!"--sagot naman ni tita Jasmin

Kaya naman ay lumapit na si tita Minerva sa puno malapit sa amin. Nandito kasi kami sa likod ng bahay namin dahil itong puno daw ang daan para makapunta sa mundo ng Zinambra.

May inusal si tita Minerva na Hindi ko maintindihang mga salita at maya maya pa ay nagkaroon na nang portal sa malaking puno.

Ang mga kapangyarihan pala ng mga tita namin! Ang kay tita Minerva ay siyang plant manipulator at ang ability naman nito ay portal making katulad nalang ng ginawa niya kanina! At si Tita Jasmin naman ay isang Healer sa katunayan siya ang aming Royal Healer sa palasyo ayon sa kwento ni tita Minerva at ang ability naman ni tita Jasmin ay Gravity kaya niyang palutangin ang mga bagay bagay pati nga mga tao kaya niyang palutangin.

"Tapos na ang portal! Kaya tayo na at hinihintay na tayo ng mahal na Hari at Mahal na Reyna!"---saad ni tita Minerva.

Isa isa kaming pumasok sa portal! Hindi naman ito ang kaunaunahang paggamit ko ng portal dahil tuwing nageensayo kami ng mga dyos at dyosa ay portal ang ginagamit ko para mabilis.

At paglabas namin sa portal ay tumambad sa amin ang isang napakagandang puno na naiiba sa lahat dahil ang mga dahon ay kulay puti at ito ang pinakagitna ng gubat na ito.

"Maligayang pagdating Minerva at Jasmin !"--saad ng isang lalking fairy na nagbabantay sa labas ng puno. Ang gwapo naman nitong nilalang na ito!

"Huyyy!! Tigil tigilan mo yan! Tama na muna ang landi!"--bulong sa akin ni Maycee nababasa kasi niya ang utak ko kaya niya alam ang aking inisip.

"Ehh totoo naman ahh ang gwapo niya! Mas gwapo pa siya kesa kay kelvin!"--sagot ko naman kay Maycee.

"May mga kasama pala kayo Minerva at Jasmin sino sila?"--tanong ng lalaking nagbabantay sa labas ng puno! Sa totoo lang marami silang nagbabantay dito Pero nakatago yung iba.

"Ahh!! Si Shawn at Maycee! Mga fairy din sila!"--sagot naman ni Tita Jasmin.

"Pwede na ba kaming Pumasok?"--tanong ni tita Minerva

The Heir of the Most Powerful Goddess Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon