She changed my life

71 0 0
                                    

" have I ever told you lady that you mean the world to me, and you know I'm gonna love you forever, forever you and me "paulit-ulit na tumutunog at tumatatak sa isip ko ang mga lyrics ng kantang FOREVER ni NB Ridaz. Minulat ko yung mga mata ko dahil naramdaman kong nagba-vibrate ang cellphone ko, may tumatawag pala dali dali kong pinindot ang answer, " hello? " bungad ko sa taong nasa kabilang linya nang sagutin ko yung cellphone. " Shawn, pare! " sabi ng kausap ko, tinignan ko yung screen ng phone ko para malaman kung sino yung kausap ko, si Nico pala, kaklase ko nung 1st year high school. Seryoso na medyo makulit pero matalino at magaling kumanta. " oh, bakit napatawag ka? Ang aga aga pa " tanong ko habang pinipigil ko ang hikab ko. " sama ka mamaya ah? Reunion daw ng batch natin nila Sherwin " sabi niya. " ano? tinawagan mo ko ng sobrang aga para lang sabihin yan? you should have texted me nalang " pasigaw kong sabi. " di ka pa ba nasanay sa pambubulabog ko? " tanong nya na tila nang-aasar. " ewan ko! bwisit ka! " sabi ko, gusto ko ng ibato tong cellphone ko kaso naisip kong kakabili ko lang last week nitong iPhone 5 ko. " haha! salamat. basta sama ka ah? pupunta daw si Keyla yung ex mong maganda at mahal na mahal mo " pang-aasar niyang sabi. " ha....ah? ano pupunta siya? sigurado ka? at FYI mahal na mahal ko dati, hindi na ngayon " sabi ko sa kanya na tila nauutal. " whatever you say man. basta pumunta ka ah? 1pm sharp sa tapat ng dating school natin " sabi niya na tila pautos, abang loko na to kung makapagsalita kala mo amo. " opo boss. ge na matutulog na ko, istorbo ka eh " sabi ko sabay pindot sa END CALL. Hindi na ko makatulog, nae-excite akong makita at makasama si Keyla. Sasama kaya talaga sya? Sana naman, namimiss ko na sya ng sobra. Wala na kaming communication simula nung inaway ako ng boyfriend niyang si Gio dahil lang sa comment ko sa picture niya sa facebook. Hay. Ano na kayang itsura nya ngayon? Nakasalamin pa rin kaya siya o naka.contact lens na? Maganda pa rin kaya siya? Mataba na kaya siya? O sexy pa rin tulad ng dati? Yung tipong pag nagsuot siya ng fitted na blouse eh kitang kita yung magandang body curve niya. Mahal na mahal ko pa rin siya, yun ang totoo na di ko maamin sa mga kaibigan ko, kahit na nagka-girlfriend na uli ako kapag nagbbreak kami ay si Keyla pa rin ang naiisip ko sa huli. Masaya ko pag nakikita ko yung mga solo pictures niya sa facebook, kinikilig ako pag naririnig ko yung pangalan niya, pero nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko yung mga sweet posts niya kay Gio. Hinihiling at sinasabi ko sa sarili ko na sana ako nalang si Gio, sana ako ang kapiling ni Keyla, sana ako nalang yung pinili niya uli, sana kahit panakip-butas lang ako. Sabihin niyo ng desperado ako pero yun naman talaga ako mahal na mahal ko siya. Magli-limang taon na pero mahal ko pa rin siya, ano bang pinakain niya sakin at baliw na baliw ako sa kanya ng ganito? Naalala ko pa yung araw na binigyan ko siya ng singsing pero di niya tinanggap, nung sumakay ako ng tricycle hinagis ko sa kanya yung singsing ang sakit kasi hindi niya kinuha at hinayaan niya lang na kunin yon ng barker. Naisip ko noon na ganoon ba ko kawalang halaga sa kanya? Ginawa ko naman ang lahat para sa kanya, iniwan ko yung girlfriend ko para sa kanya, hindi naman ako naging masamang boyfriend pero iniwan pa rin niya ko. Pero sa kabila ng lahat ng yon mahal ko pa rin siya at siya pa rin ang gusto kong makasama habang buhay. Hay buhay. Handa na ba kong makita siyang muli? Mas mamahalin ko ba siya kapag nagkita kami uli? Sana di niya mahalatang mahal ko pa rin siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakatulog na ko sa sobrang pag-iisip kay Keyla, tumayo na ako sa aking pagkakahiga at nagtungo sa cr para maghilamos at mag-toothbrush. Binuksan ko yung computer at naglog-in sa facebook ko, 8 friend requests, 12 messages, 50 notifications, puro likes at game request lang laman ng notification ko, wala na kong pakialam sa friend requests at messages. Nilagay ko sa search yung pangalan ni Keyla" Jane Keyla Bernardo " pinindot ko yung lumabas na result, wala pa ring update sa profile niya, hanggang ngayon di pa rin siya mahilig sa social medias. Pinindot ko yung photos, walang bago, nag-back ako tas pinindot ko yung about:

Studied AB Mass Communication at Mirriam College

Graduated in La Escuela dela Purisima Concepcion, Inc.

Lives in Pasig

From Manila, Philippines

Followed by 208 people

In a relationship with Gio Patrick Bautista Sanchez

Hay naka-in a relationship pa rin siya dun sa mokong na yon, pero ayos lang proud ako sa kanya na tinuloy niya yung MasCom yun nga lang hindi sa University of Sto. Tomas siya nagtake, bakit kaya? Hindi kaya siya nag-exam? O di siya pumasa? Nung kami pa pinlano namin sa UST kami mag-aaral ng MasCom pero di natuloy yung plano namin kasi nag-break kami. Hindi MasCom ang course ko pero PRE-LAW/MASCOM naman kaya okay lang din. Nilog-out ko na yung facebook ko tapos nagpunta ko sa youtube sinearch ko yung Baby Girl yun kasi yung kanta ko para sa kanya nung kami pa, naiiyak nanaman ako gayshit lang, pagtapos ng kanta pinatay ko na yung computer tas pumunta ko sa kusina para magluto ng ham at hotdog. Ang bilis ng oras 12pm na kaya pagtapos ko kumain ay naligo agad ako, pagtapos maligo ay nagtungo ako sa cabinet ko para maghanap ng maisusuot. Tokong shorts na gray at light blue na long sleeves ang kinuha ko, kinuha ko rin sa pinakailalim na level ng cabinet ko yung black na sperry topsider ko. Pagtapos kong magbihis ay kinuha ko na ang wallet at bonet ko sa ibabaw ng center table, hindi ko na kinuha yung susi ng kotse ko para di na hassle, mamaya maisipan pa nilang sumabay sakin pauwi baka di pa kami magkasya.

She changed my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon