Part 6

8 0 0
                                    

Time check: 7:15

kakarating ko lang sa condo. hinatid ko pa si Keyla sa sakayan kanina. agh!!! nagmamadali tuloy ako sa pagligo.

natapos na kong maligo. diretso agad ako sa closet ko. ano bang magandang isuot?

brown pants, white shirt? o black pants, white shirt?

ah alam ko na brown pants, white shirt nalang. agad agad ko itong sinuot. kinuha ko sa ibabaw ng orocan yung Hugo number 235 ko. halos ipaligo ko na ang pabango ko. tiyak di malilimutan ni Andie ang amoy ko hahahahaha! kinuha ko ang brown aldo topsider ko sa shoe rack. ayos ng porma ko. maiinlove na sakin nito si Andie. di ako pwede magpatalo sa babaeng yon. paglabas ko ng kwarto ay kinuha ko ang susi ng kotse ko at wallet sa lamesa.

dali dali akong pumunta sa kotse kong black honda civic. ayoko naman dalhin yung challenger kong sasakyan dahil baka sabihin ni Andie ay masyado akong nagmamayabang.

7:45 na. sana walang trapik para di ako matagalan sa pagpunta sa kanila.

saktong 7:58 ay dumating ako sa bahay nila Andie. naghihintay na siya sa labas ng gate nila. aba! di na ata makahintay ang babaeng to na makasama ako. hahahahaha!

" what's up babe? " - me

" wag mo nga kong tinatawag na babe. di pa tayo " - Andie

aba ang sungit. pero teka, anong sabi niya?  di 'pa' tayo? so magiging kami? may pagnanasa rin to sakin sabi ko na eh.

" ano? di pa tayo? so ibig sabihin may pag-asang maging tayo? " sabay kindat - me

" in your dreams mr. arrogant " - Andie

" whatever you say ma lady " - me

binuksan ko ang pinto sa passenger side para naman maisip niyang may pagkagentleman pa rin naman ako. sumakay na siya at agad akong pumunta sa driver side.

nagdrive na ako kahit di ko alam kung saan ko ba siya dadalhin.

" saan tayo? " - tanong ko

" aba ewan ko. ikaw ang lalaki dapat ikaw ang nakakaalam" - Andie

tinabi ko muna ang sasakyan ko.

nilapit ko yung mukha ko sa kanya.

" bakit ba ang sungit mo? bakit ang init ng dugo mo sakin? " tanong ko na tila nang-aakit. tinitignan ko ang kanyang mga mapupulang labi.

tinulak niya ko pabalik sa sandalan ng upuan ko.

" gusto mong malaman kung bakit? kasi MAYABANG KA, AROGANTE KA, HAMBOG KA, GAGO KA, AT HIGIT SA LAHAT WALA KANG RESPETO SA MGA BABAE. Akala mo kasi lahat ng babae kaya mong makuha!!! " - galit na galit niyang pagkakasabi.

natahimik ako saglit.....

" wala kang alam sa mga naranasan ko. hindi mo alam ang dahilan kung bakit ako ganito " sinasambit ko habang nagmamaneho.

nakarating kami sa MESA restaurant sa may Timog. hindi kami nag-uusap. kala mo'y may nagdaang anghel.

waiter: good evening ma'am/sir. i'm Jonathan and i will be your waiter for tonight. may i take your order?

hay salamat. nabasag rin ang katahimikan at tension na nakapalibot samin ni Andie.

" isang pinatayong manok. isang sinigang na isda. dalawang rice and bottomless iced tea " sambit ko. ako nalang ang namili ng pagkain namin tutal ayaw naman magsalita nito ni Andie.

" uulitin ko lang sir. isang pinatayong manok. isang sinigang na isda. dalawang rice and bottomless iced tea, is that all sir? " - Jonathan

" yes " - sagot ko.

umalis na yung waiter pero di pa rin nagsasalita tong si Andie. hanggang kelan niyan ba ko di kakausapin. hay! ang hirap spellengin ng mga babae kahit kailan. nakakaurat. bakit ko ba kasi nagustuhan tong babaeng to. agh! nakakainis. para na kong tanga kinakausap ko sarili ko sa isipan ko. baliw na ata ako.

dumating na ang order namin. inunang iserve ang 2 bottomless iced tea, 2 rice, at yung sinigang na isda. hinuli na nila yung pinatayong manok.

" wow! literal na nakatayo yung manok? " - tanong ni Andie

" oo " - sagot ko naman ng nakangiti.

ang cute kasi niya pag natutuwa. napansin niya ata na nangiti ako dahil sa reaksyon nya kaya ayun inirapan nanaman ako. hay babae talaga. ang bilis magbago ng mood. matutuwa tapos with just a blink of an eye galit na agad.

natapos na kaming kumain. nakapagpa-bill out na rin ako. paglabas namin ng restau, naglabas ako ng yosi at sinindihan to.

" pwede ba wag ka ngang mag-yosi " - Andie

" eh bakit ba? gusto ko mag-yosi. tsaka kung makapag-utos ka kala mo girlfriend na kita " - sagot ko.

" wag mo kong pinagtataasan ng boses (sabay pingot sa tenga ko) " - Andie

" aray ko! bakit mo ko piningot? grabe ka ah. napakabayolente mong babae ka " - Shawn

" itapon mo na kasi yan at umalis na tayo rito " - Andie

" so san tayo magpupunta? check in tayo? " - tanong ko sabay kindat sa kanya habang nakangiti pang-asar sa kanya.

" ang baboy mo. hindi ako tulad ng ibang babaeng nakaka-encounter mo!! ibahin mo ko sa kanila " - Andie

" binibiro ka lang. napakaseryoso mo sa buhay. no wonder kaya wala kang boyfriend eh " - Shawn

" ewan ko sayo " - Andie

pumasok na kami sa kotse ko. nag-drive ako. dinala ko siya sa lugar kung saan mas maraming stars ang lumalabas. nakita ko kasi sa isang Twitter post niya na kasama sa bucket list niya ang makapag-stargazing habang nakikipag-date.

nakita ko naman na natutuwa sya dahil marami syang stars na nakikita. nilabas ko yung mga kumot na dala ko para makaupo kami sa damuhan at tignan ang mga bituin na nagniningning sa langit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She changed my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon