continuation.....

13 0 0
                                    

Shawn's POV

6.30 pm na di pa kami umuuwi. may date pa ko mamaya. masyado ata silang nag-eenjoy. kailangan ko ng umuwi para maligo at magbihis.

"kailangan ko ng umuwi" bulong ko kay Jackie.

"mamaya na ngayon palang tayo nag-eenjoy magkakasama eh" - Jackie

"may lakad pa ko" - me

"hay nako! pupuntahan mo lang yung kapustahan mo eh" - Jackie

"best wag ka na magtampo jan. babawi ako. lilibre kita." - me

"osige basta gusto ko armageddon pizza ng Sci-fi cafe ah?" - Jackie

tignan mo talaga tong bestfriend ko. ang takaw kahit kailan. ambilis kausap basta pagkain at libre. kaya mahal ko to eh. hahahahahahaha!

"oo na sige na" - me

nag-paalam na ko sa lahat. huli kong pinagpaalaman si Keyla.

"uuwi ka na?" - Keyla

"oo" - me

"pwede ba kong sumabay?" - Keyla

"ikaw bahala" - me

tumayo siya at nagpaalam;

"guys sabay na ko kay Shawn. gabi na kasi baka hinahanap na rin ako samin. salamat sa bonding time"

lahat sila nakatingin samin. tumalikod na kami ni Keyla at naglakad. habang papalayo kami naririnig kong sinimulan ni Nico kumanta.

"muling ibalik ang tamis ng pag-ibig" - Nico singing.

WTF! hahahahahaha! lumingon ako sa kanila at nag fuck you sign.

nakalayo layo na kami ni Keyla. ang tangkad talaga niya. nanliliit ako sa height niya grabe. ang lamig ng simoy ng hangin. ang ganda ng buwan at ang daming bituin sa langit. habang naglalakad ako ay nakatingala ako sa langit. bigla akong napatingin kay Keyla na nakatitig sakin.

"maganda ba ang view?" - tanong ko

"ha?" - sagot niya.

"sabi ko maganda ba ang view? nakatitig ka sakin eh" - me

"ah eh." - yan lang nasabi niya. nashock ata.

"joke lang" - me

"puro ka naman biro" - Keyla

"oh edi hindi na" - me

"hay! Shawn ano na bang nangyari sayo? bat ka nagkaganyan?" - Keyla

"ganito na talaga ko. di mo lang alam" - sagot ko kahit alam kong nagbago ako simula ng maghiwalay kami.

"di ka dating ganyan" - Keyla

"hayaan mo na. kung di naman ako ganito dati tanggapin niyo nalang na ganito na ko ngayon" - me

"kasalanan ko lahat to eh. sorry. kung di kita nasaktan non edi san......"

pinutol ko yung mga sinasabi niya.

"wala kang kasalanan. ginusto ko maging ganito. wag na rin natin ibalik ang nakaraan. di na tayo doon nakatira at nananatili" sagot ko sa kanya.

tahimik na kaming naglakad. walang pansinan at pag-uusap hanggang makarating kami sa sakayan.

"ah MRT/LRT taft oh! sakay na. maluwag pa yan. kabilaan pa po yan makikiusog nalang" - barker

sumakay na kami. sakto 2 nlang ang kulang. magkaharap kami. inabot ko ang bayad na 20 pesos. may sukli pang 4 na piso dahil 8 lang ang isa. napatingin ako kay Keyla. nakita kong namumugto ang kanyang mata.

bakit ba ang iyakin mo? kung alam mo lang masakit sakin na makita kang umiiyak. hay! Keyla bakit ba kasi after all these years ikaw pa rin?

umandar na ang jip na sinasakyan namin. nakita kong napipikit pikit na si Keyla. pagod na pagod siguro siya sa paglalakad namin. ang layo naman kasi from Baywalk hanggang sakayan sa labas. may bumabang dalawang pasahero sa tabi ko kaya pinalipat ko siya para makasandal siya sa balikat ko at makaidlip kahit saglit. nakaramdam ako ng tuwa. ang bahaeng mahal na mahal ko andito sa tabi ko ngayon. hinihiling ko na sana di na matapos ang gabing to. sana ganito nalang kami habang buhay. pero di naman pwede yun dahil may mahal na siyang iba.

nakarating na kami sa LRT EDSA bumaba na kami ng jip at naglakad ng konti para sumakay sa MRT Taft. pagdating namin sa ticket booth medyo mahaba ang pila pero mabilis naman kahit papano. nakabili na ko ng 2 ticket. pumasok na kami sa tren na puno ng tao. siksikan pala pag ganitong oras. pinapwesto ko sa harap ko si Keyla at binakuran ko siya. mahirap na baka mamanyak pa siya ng iba sa tren pa naman ng mga lalaki kami pumwesto. di naman kasi ko pwede sa tren ng mga babae baka mapagkamalan pa kong manyak. umandar na ang tren at siksik na siksik na kami ni Keyla. magkadikit na ang aming katawan at ang labi namin magkalapit nalang. medyo nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at may binulong sakin.

"may humahawak sa legs ko sa kaliwa" - Keyla

"pwede bang ako nalang ang hahawak sa may legs mo para lang matanggal ko yung kamay ng humahawak sayo?" tanong ko.

pumayag naman siya. at hinawakan ko yung kaliwang niya. nakapa ko na may kamay ngang nakahawak sa kanya yung tipong sadya talaga. kaya nung hinawakan ko ay agad kong tinabig yung kamay. inalis naman nung manyak yung kamay niya. hanggang makarating kami ng Shaw Blvd station ay hawak ko yung binti niya. nakalabas na kami. hay salamat. napakainit sa loob ng MRT at sobrang siksikan.

Keyla's POV

first time kong sumakay ng MRT ng ganitong oras. rush hour na kaya siksikan. sa tren ng mga lalaki kami pumwesto ni Shawn. I feel safe naman sa kanya kahit ganon. grabe siksikan talaga super dikit yung katawan namin ni Shawn sa isa't isa. lalo pa't magkaharap kami. yung labi niya malapit na sa labi ko. ang bango ng hininga niya grabe. tas ang bango niya talaga kahit maghapon nasa labas. maya maya ay nararamdaman kong may humahawak sa binti ko. alam kong hindi si Shawn yun. kaya nilapit ko sa tenga niya yung mukha ko at binulungan ko siya.

"may humahawak sa legs ko sa kaliwa" - me

"pwede bang ako nalang ang hahawak sa may legs mo para lang matanggal ko yung kamay ng humahawak sayo?" - tanong ni Shawn.

pumayag naman ako dahil tiwala ako sa kanya. naramdaman kong tinabig niya yung kamay na unang nakahawak sakin. naramdaman ko ang mainit niya palad. hay grabe ano ba tong nararamdaman ko. nakarating na kami sa Shaw Blvd station. hay finally nakaalis rin sa mainit at masikip na tren ng MRT.

She changed my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon