continuation..........

41 0 0
                                    

Dumating ako sa tapat ng La Escuela dela Purisima Concepcion Inc. walang pinagbago yung school, ganon pa rin simula ng ma-kick out ako. Oo nakick out ako, ang tigas kasi ng ulo ko, pasaway ako sobra, bad boy kung maituturing. " Shawn!!!!!!! " sigaw ng isang babae, paglingon ko nakita ko si Jackie yung bestfriend kong babae, lumapit ako sa kanya. " best! kamusta? long time no see ah " bati ko sa kanya. " okay lang ako. i missed you a lot. tagal natin di nagkita. ang pogi mo ngayon best ah? mukhang may pinaghandaan ka ah? " wika niya. " oo pinaghandaan ko ang pagkikita natin hahahaha. ang ingay mo pa rin di ka pa rin nagbabago. " sagot ko. " ang bango mo best. ano yang pabango mo? white citrus? " tanong niya. " oo. di ka pa ba nasanay sa amoy ko? lagi naman ako mabango hahaha " sabi ko. " napakayabang mo pa rin talaga best. magbago ka na " pang-aasar niya. Bago pa ko makapagsalita ay may kamay na umakbay sa balikat ko, paglingon ko si Nico. " oh pare buti naman nakarating ka? kala ko talkshit ka eh " bati niya sakin. " ako pa ba? kelan ba ko hindi sumipot? " sagot ko. " oo nga pala. hahaha. kamusta chickboy? balita ko matinik ka pa rin sa babae ah? " ani niya. " may bago pa ba don? " pagmamayabang ko sabay tawanan kaming tatlo nila Jackie ng biglang " Shawn Mendez " pagtingin ko si Keyla ang tumawag sa pangalan ko " Keyla Bernardo, kamusta? " tanong ko sa kanya habang nakatingin sa manigning niyang blue eyes, naka.contact lens na sya. Ang ganda niya lalo, yung buhok niya ang ganda ng pagkakakulot, ang mga labi niyang kulay rosas na manipis, ang mahaba niyang mga pilik-mata nakakabighani. "okay naman. long time no see. ikaw kamusta? " tanong nya, ang boses nya napaka.malambing parang anghel na bumaba sa langit. " okay naman ako, I'm glad na nakasama ka, it's been a long time " wika ko. " yea it's been a long time. so how's college? " pagtatanong niya. " it's fine. walang mahirap na subject " sagot ko. " buti naman. so what course are you taking? " tanong niya. " AB English, sa University of the East ako nag-aaral " sagot ko. " ah goodluck with that. wag ka na sanang pasaway " ani niya. Umalis na ko sa harap niya at naupo sa plantbox sa may gilid, nilabas ko ang 1 pack ng Marlboro Red at nagsindi ng isang stick, gusto kong sabihin kay Keyla na mahal ko pa rin siya pero eto ako nagpapakatapang sa harap niya. Lumapit si Sherwin sakin at himingi ng 1 stick ng yosi. " di ka pa rin pala tumitigil sa pagyoyosi " wika niya. " nagsalita ang hindi na nagyoyosi hahahaha " sabi ko sa kanya. " ang ganda ng view no? " paasar na tanong niya sakin, napansin pala niyang nakatingin ako kay Keyla, di ko sinagot ang tanong niya, humithit ako sa yosi ko na wala pa sa kalahating stick. " mahal mo pa siya no? " nagulat ako sa sinabi niya at nalunok ko yung usok na hinithit ko. " ewan ko sayo dre. ano ano sinasabi mo. " sabi ko sa kanya na tila naiinis, halatang defensive tuloy ako. " hahaha. kitang kita sa mga kilos mo at mga mata mo na mahal mo pa siya. wag ka na magkaila, kilala kita noon pa man " malamang kilala niya talaga ko bestfriend ko siya, sabay kaming lumaki, wala ng dahilan para ikaila ko pa dahil totoo naman ang sinabi niya. " eh ano naman? wala namang magbabago kung aaminin kong mahal ko pa rin siya. aasa at aasa lang ako " paangas kong sagot sa kanya. " alam ko naman yon. bestfriend mo ko, bakit ikinakaila mo pa sakin kanina? hahaha tama na pag-eemote mo ah " sabi niya hay nakakainis wala talagang maitatago sa taong to, kilalang kilala niya ko. Nagulat ako ng biglang nasa harapan ko si Keyla at sabay hablot sa yosi kong paubos na. " ano to? " tanong niya habang nakataas ang mga maninipis niya kilay. " yosi malamang, ano sa tingin mo? " pabalang kong sagot sa kanya. " malamang alam kong yosi to, pero bakit ka nag-gaganito? " tanong niya habang direktang nakatingin ang mata niya sakin, hindi umaalis, hindi kumukurap, pinagmamasadan ko mabuti ang mukha niya, hanggang sa nakatitig nalang ako sa mga labi niya. " ano bakit di ka na sumagot? " bumalik ako sa realidad, nakalimutan kong nagtatanong siya. " ahh...ehh.. wala bakit ba tinatanong mo pa? " sagot ko, di ako makatingin sa mga mata niya. Eto nanaman siya pinapagalitan nanaman niya ko na para bang ako'y isang bata, at siya ang ate ko. " bakit ayaw mo sagutin? alam mo naman na masama to di ba? " nakikita ko yung pagiging concern niya sakin sa mga mata niya, eto yung isang dahilan kaya minahal ko siya, kasi lagi siyang concern sakin. " ayoko lang. paubos naman na yan eh. hayaan mo na ko. " sagot ko sabay kuha nung yosi sa kamay niya, hinawakan ko yung kamay niya " ayan amoy yosi na yang kamay mo, bakit kasi kailangan mo pang kunin sakin yung yosi ko? pwede naman sabihin mong itapon ko nalang " sabi ko, hay grabe I can see sadness in her face especially in her eyes, ano ba tong nagawa ko. " sorry. di ko naman alam na kakapit yung amoy sa kamay ko " sagt niya, ang lungkot ng pagkakasabi niya.   " may alkohol ka ba dyan? " tanong ko. " wala " sagot niya. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila ko siya. " uy ano ba? san tayo pupunta? wag mo ko hilahin " tanong niya, pero di ko binibitawan yung kamay niya at hindi ko rin siya tinitignan. " sa 7/11 bibili tayo ng alkohol " sabi ko. " bakit pa? " tanong niya. " kasi amoy yosi yang darili mo, at kumakalat yung nicotine sa daliri mo " sabi ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" san kayo galing? ang tagal niyo nawala? " bungad na tanong ni Elisa samin ng makabalik kami galing sa 7/11 para bumili ng alkohol. " dyan lang sa tabi tabi. oh ano di pa ba tayo aalis dito? " tanong ko. " maya maya. parating na daw si Joshua " sagot niya. " kalalaking tao ang bagal bagal naman niya " pabirong sabi ni Jackie, sabay tingin at biglang ngiti sakin, ang creepy ng ngiti niya alam niyo yung ngiting tagumpay? ganon eh. Lumapit ako kay Jackie " ano ngini.ngiti-ngiti mo dyan para kang baliw " tanong ko sabay ngiti. " kunwari ka pa! hahaha. kinikilig ka nanaman dyan " sabi niya sabay tawa kaming pareho. " so san kayo galing dalawa? " pahabol na tanong niya. " dyan lang" sagot ko. " saan dyan? matinong sagot best " sabi niya, nakakainis seryoso agad yung itsura niya. " sa 7/11 " sagot ko. " ano ginawa nyo dun? " tanong niya. " naglampungan kami dun best. duhh. syempre bumili kami " sagot ko. " anong binili niyo? " tanong niya uli. " condom hahahaha joke. alkohol " sagot ko natatawa pa rin ako sa sinabi ko. " para saan ang alkohol aber? " tanong niya, grabe parang imbestigador lahat tinatanong. " para sa kamay niya, hinawaan niya yung yosi ko eh. alam mo naman kakalat yung nicotine sa kamay nya. " sagot ko sa kanya.

" ayan na si Joshie " sigaw ni Krista. kinikilig nanaman ang haliparot na yun. crush nya kasi si Joshua. " so san na punta natin ngayon? " tanong ni Brian. " oo nga san tayo? " tanong ni Jackie. " sa Market-Market tayo " sabi ni Keyla. " dun nanaman. last time dun tayo wala naman tayo nagawa dun " sabi ni Paolo. " tara mag.MOA nalang tayo " suggestion ko. " oo nga MOA nalang tayo " pag-agree ni Jackie at Nico sa suggestion ko. " oh ano pa ginagawa natin dito? tara na " pagyayaya ko. " teka wala pa si Danny " biglang sabi ni Carla. Si Danny nagpapantig ang tenga ko sa hinayupak na pangalan na yon. Si Danny o Daniel Dela Vega ang karibal ko sa puso ni Keyla noon,wala siyang kwenta, wala syang puso, wala siyang pakialam kay Keyla, kala mo kung sinong gwapo. Kung hindi lang siya matalino walang magkakagusto sa kanya. Tulad ko nililigawan siya ng mga babae, kakumpitensiya ko siya sa lahat ng bagay ang pinagkaiba lang bad boy na matalino ako at siya matalinong matino. Mahal na mahal siya ni Keyla noon, hindi ko lang alam kung ngayon ay wala na dahil dumating sa buhay niya yung mokong na Gio na yun. Napansin ko ang maliit na ngiti sa mga labi ni Keyla, natutuwa siya na darating si Danny. " darating si Danny? " tanong ni Keyla. " oo sabi niya antayin daw siya " sagot ni Laurice. " ayun na si Danny oh " sigaw ni Paolo. Dali daling tumingin sa direksiyon ni Danny si Keyla. Inapiran ni Paolo at Nico si Danny tumigil sa harapan ko si Danny " Shawn Mendez " bati ni Danny. " Daniel Dela Vega " ani ko. " sasama ka pala " sabi niya sabay ngiti, nakakabwisit yung ngiti niya. " hindi ba halata? nandito nga ko di ba? " sabi ko sabay talikod, pumunta ko sa tabi ni Sherwin. " oh mainit nanaman yang ulo mo " pagpuna ni Sherwin. " nakakairita talaga yang Daniel na yan " sabi ko, nagngi-ngitngit ako sa galit. " wag mo na sirain yang mood mo " sabi ni Jackie, nakikinig pala siya samin ni Sherwin. Naglabas ako ng dalawang stick ng yosi para sakin at kay Sherwin, inabot ko sa kanya at kinuha naman niya. " oy dre kwatro isa ng yosi " sabi ko sabay tawa, pilit kong nililibang ang sarili ko na matawa para mawala ang pagka.badtrip ko kay Daniel. Nakita kong nakatitig si Keyla kay Daniel, nakikita ko sa mga mata niya na kahit malayo na gusto pa rin niya si Daniel. Bakit ganon? Never niya kong tinignan ng ganon. Nakakainis naman, pero bahala na nga. Di ko naman siya pwedeng pilitin na tignan ako ng ganon.

She changed my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon