continuation....................

29 0 0
                                    

Keyla's POV

Ang tagal ng bus papuntang MOA wala pang nagdadaan 5 minutes na kaming nakatayo sa sakayan ng bus dito sa may Crossing sa Edsa. Grabe makakasama ko ng buong araw yung dalawang ex ko, si Danny na minahal ko ng sobra sobra nung first year kami, ang gwapo niya lalo na ngayong naka-salamin na siya, balita ko matalino pa rin siya at nag-aaral siya sa Ateneo De Manila University nabigyan kasi siya ng 75% scholarship doon dahil siya ang salututorian sa buong school nung batch namin. Wala pa rin siyang pinagbago, makapal pa rin ang buhok nya, yung mga mata niya halatang puyat, siguro adik pa rin siya sa DOTA kaya ganon, yung mga labi niya hindi manipis hindi rin naman masyadong makapal, yung katawan niya medyo tumaba siya pero konti lang naman. Napatingin ako kay Shawn, nakita ko nakatingin siya sakin pero umiwas ng makita niyang nahuli ko siyang nakatingin sakin. Si Shawn yung ex ko na mahal ko pero di tulad ng pagmamahal ko kay Danny, mabait naman si Shawn makulit nga lang, matalino rin siya pero minsan may pagkatamad, ang gwapo niya ngayon dati kasi cute lang siya medyo chubby kasi dati yung mukha niya pero ngayon pumayat na siya, yung dating clean cut niyang buhok mahaba na pero di ganong kahaba na parang sa musicians na hanggang hips na yung buhok yung kanya hanggang sa may dulo na ng batok niya at makapal, I always love his hair, with it's perfect natural black colornatural na sobrang shiny at lambot I can imagine myself holding his soft black shiny hair, his eyes also has those shiny black na kapag tumayobka sa harap niya halos makikita mo yung sarili mo sa mata niya(a little bit of exaggerated I know). Yung mga labi niya na manipis na kulay pink pa rin kahit nag-yoyosi siya. Yung katawan niya na well-built na, mukhang pinagtuunan niya ng pansin ang pag.ggym. I bet may six pack abs na siya.

I can see him looking at me again while I am checking his physical looks, medyo nakakahiya kasi baka isipin niya na pinagnanasahan ko siya kahit yun naman yung ginagawa ko(ata?), mahal na mahal niya ko noon, I feel guilty pa rin dahil simula nung nag-break kami parang nawala siya sa sarili, he got kicked out in our school kasi napagtripan niyang bugbugin yung isang schoolmate namin, kawawa yun duguan, wala siyang kalaban laban. I heard that he was also sent into a mental insititution for check-up, he was in the rehab for 3months, then got back into school but he transffered, he enrolled in PCA. I also heard na nasuspend siya for smoking and drinking liquors sa loob ng classroom, grabe mas naging malala siya dun sa nilipatan niyang school. Muntik nanaman siyang makick-out dahil minura niya yung adviser niya. Hay grabe siya, nagtataka siguri kayo pano ko nalaman to, yung bestfriend niyang si Jackie ang nagkwento sakin, ang daldal niya no? Pero kasi she asked a favor na magpakita na ko kay Shawn para magkaroon kami ng communication uli. Si Jackie rin ang pumilit sakin na sumama ako sa reunion na to.

After 15 minutes may dumaan ng bus na may signboard na MOA, Pasay. Sumakay na kami sa air-conditioned na bus. Lahat sila may katabi na, si Jackie at Sherwin, si Brian at Krista, si Elisa at Joshua, si Danny at Nico, si Carla at Laurice, si Paolo katabi yung isang ale, dun ako sa upuang bakante sa tabi ni Shawn naupo, ayoko naman kasi na may makatabing ibang tao mamaya holdaper pa yun o kaya manyak. Nakita ko yung ngiting maangas niya, pansin niya siguro yung takot ko.

Shawn's POV

Sinuswerte ba ko ngayon araw? Kanina tinitignan ako ni Keyla na para bang pinagnanahasan niya ko. Ngayon naman katabi ko siya dito sa upuan sa bus na papuntang MOA, nakikita kong natatakot siya habang naghahanap ng upuan, nang makita niyang wala kong katabi, napangiti siya ngumiti naman ako ng paangas tapos umupo na siya. " boss bayad lang ho " sabi ng kondoktor. Kinuha ko yung wallet ko sa back pocket ng pantalon ko at kumuha ng 50 para sa pamasahe naming dalawa ni Keyla. " magkano isa? " tanong ni Keyla sa konduktor. " 25 pesos po ma'am " sagot ng konduktor sa kanya sabay ngiti na tila ba may kahulugan. Nakakainis. " oh eto bayad namin, dalawa yan MOA " paangas kong sabi habang tinititigan ng masama yung konduktor. Inabot niya yung ticket kay Keyla habang nakangiti tas umalis na. " pervert " bulong ko sa sarili ko, di ko namalayan na medyo napalakas pala ang sabi ko dahil napatingin si Keyla sakin. " pervert? Sino? Bakit parang inis na inis ka? " tanong niya. " pervert yung konduktor " sabi ko. " ha? Pano? " tanong niya. " nakatingin sayo tas nakangiti. Parang manyak bwisit " sabi ko pero di ko pinahalatang nagseselos ako. " parang di naman, bakit? Selos ka? " tanong niya habang nakangiti. " ha? Ano? Ako magseselos? Nauntog ka ba at masyado kang assuming " sabi ko in a sarcastic way.

Keyla's POV

Ang weird ni Shawn, bakit kaya nya naisip na pervert agad yung pag-ngiti nung konduktor sakin. Alam ko nagseselos sya kaya sya ganon pero hinayaan ko na, ang cute nya naman kasi magselos. Nakakainlove siya para sa mga babaeng walang boyfriend or bitches maybe. Pero hindi ko mapigilan mangiti kasi ang cute talaga nyang magselos.

Nakarating din kami sa wakas sa MOA, bumaba na kami sa bus at sinimulan magikot-ikot. Pumasok kami sa loob ng Starbucks sa may tapat ng Baywalk. Umorder kami para dun tumambay. Java Chip Frappuccino tall size ang inorder ko, sinabay ko na rin yung kay Shawn na Very Berry venti size at yung kay Jackie na Mocha Frappuccino grande size, the three of us sat together tas biglang lumipat si Sherwin sa table naming, syempre kasi kasama ko ang mga bestfriend nya. Niyaya ni Shawn si Sherwin na lumabas siguro para magyosi, tumayo silang dalawa at palabas na " bakit kayo lalabas? " tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan kung bakit. " none of your business " angas na sagot ni Shawn sakin at lumabas na sila. Bakit ba sya ganon? Napakamoody nya mabait saglit tas biglang nagagalit at nag-aangas. Kainis. " oh bakit parang nang.gigigil ka? " tanong ni Jackie sakin na tila ba'y nalilito sya. " yung bestfriend mo kasi nakakainis. Bakit ba napakamoody non? Yung totoo bading ba sya? " tanong ko sabay tawa. Nagtawanan kaming dalawa. " alam mo kung bading yon edi sana di sya babaero " ani ni Jackie. " babaero pa rin sya? " tanong ko. " oo " sagot niya na parang bigla syang nalungkot. " din a ba sya magbabago? " tanong ko. " magbabago yun pero sa ngayon alam ko isang babae lang ang makapagbabago sa kanya " sagot niya. " sino naman? " tanong ko uli. " sino pa ba edi ikaw lang. ikaw lang naman minahal nya ng sobra " sagot nya tila ba nagmamakaawa na balikan ko na ang bestfriend nya.

Jackie's POV

Nang lumabas si Shawn at Sherwin ay tila gigil na gigil ang mukha ni Keyla. Naiinis sya sa inaasal sa kanya ni Shawn pero naiintindihan ko ang bestfriend ko dahil alam ko umiiwas lang sya na mahulog muli at bumalik ang pagmamahal niya ng sobra kay Keyla. Kawawa naman ang bestfriend ko. Kung alam lang ni Keyla na siya pa rin ang sinisigaw ng puso ni Shawn.

Shawn's POV

Lumabas ako kasama si Sherwin para magyosi. Kumuha ako ng dalawang stick at sinindihan naming ito. Tama ba na sinusungitan ko si Keyla? Ayoko lang naman kasi na mahalin siya ng sobra lalo dahil lang sa pagkikita namin.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko, may tumatawag. Si Charlotte, yung babaeng nangungulit sakin. Hindi ko naman siya gusto, pang.one night stand lang siya para sakin. Sinagot ko ang tawag nya " Charlotte " batik o ng sagutin ko ang cellphone ko. " hey baby. Where are you? Let's go the mall and hook up after " sabi niya in a sweet flirty voice, hay nakakadiri sya di ko alam sa sarili ko bakit ko sya pinatulan, AGHHH! YUCK! " I'm in MOA, I'm doing something, call you later. BYE " sabi ko sabay pindot sa end call. Hay nakakabago ng mood, nakakasira ng araw, nakakainis yung bitch na yon. " oh dre bakit parang badtrip ka? Sino tumawag sa'yo? Chicks mo? " tanong nya habang napapangiti. " yung bitch na Charlotte. Nakakadiri tinawag pa kong baby aghhh! " sagot kong naiinis kay Sherwin.

She changed my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon