continuation.....

22 0 0
                                    

Shawn's POV

Habang iniinom ko yung Very Berry beverage ko biglang may yumakap sakin ng mahigpit. "hi baby. i missed you" wika niya. Napalingon ako at nagulat. Si Charlotte ang nakayakap sakin. Pero teka kakakausap ko lang sa kanya wala pa ngang 10 minutes tas nandito na agad siya. Pag minamalas ka nga naman talaga oh. Anak ng puta!

"oh ano namang ginagawa mo rito?" tanong kong paangas.

"wala lang. Hinahanap ka. Sabi mo kasi nandito ka kaya ko pumunta." sagot niya.

"oh ngayon na nandito ka na. Ano namang gusto mong gawin sa buhay mo?" tanong ko.

"I wanna spend some quality time with my baby. Tara na punta na tayo sa condo mo. *she winked at me*" sagot niya.

WTF! kumindat pa talaga! di ba siya nandidiri sa sarili niya. ang landi talaga puta!

"di ba sabi ko sayo busy ako. marami kong importanteng bagay na gagawin." sabi ko na halos pasigaw na.

"didn't you miss me?" tanong niya.

"NO" I answered coldly.

"bakit ka ba ganyan? napakamoody mo. after what we did the other night" ani niya.

"so utang na loob ko pa ang nangyari satin? hindi bat ikaw ang lumapit at nagmakaawa na galawin kita? umalis ka na nga bago pa mawala ng tuluyan ang respeto ko sayo! baka madagdagan pa ang mga masasakit na salitang nasabi ko sayo!" sabi kong halos nagngingitngit ma sa inis.

"bakit ang mean mo sakin? ganyan ka ba talaga?" tanong niya habang tumutulo ang kanyang luha.

Napakaarte nitong hinayupak na babaeng to!

"oo ganito na ko at hinding hindi na ko magbabago! kaya kung may hiya pang natitira jan sa pagkatao mo, umalis ka na at lubayan mo na ko!" pagtataboy ko sa kanya.

tumakbo siya palayo. hindi ko namalayan na matagal na palang nakatayo si Keyla sa may likuran namin. nakatitig lang siya sa akin para bang nangongonsensya. para bang sa tingin niyang yon eh gusto niyang humingi ako ng tawad kay Charlotte.

biglang dumating yung dati kong kaklase sa PCA, si Jun kasama yung bestfriend niyang taga Saint Paul dati na naging bet na bet ko matapos kong maging tulay sa kanila. pero kahit naging tulay ako sa kanila wala pa rin di talaga gusto ni Andie si Jun eh. kakaiba tong si Andie di basta basta nabobola. natrauma na ata talaga sa ex niyang babaero.

"hey bro!" - Jun

"oh hey!" - me

"saw what you did there" - Jun

natawa ko. di pa ba siya nasanay?

"ah talaga? yaan mo na. ayoko ng masyadong clingy." - me

"iba ka talaga no? ganyan mo talaga tratuhin ang mga babae? wala ka bang nanay? o kaya naman eh kapatid na babae?" - Andie

"oh Andie andyan ka pala. saklap ko naman magsalita. *sabay halakhak*" - me

"napakawalang kwenta mo talaga Shawn!" - Andie

"bakit ba super affected ka? siguro crush mko no? *smiling*" - me

"kapal ng mukha mo! never akong magkakagusto sa tulad mong babaero at cold-hearted boy" - Andie

"sigurado ka ba diyan sa mga sinasabi mo? masama ang mang-akusa at magsalita ng tapos" - me

"hindi ako nang-aakusa dahil nakita ko ang nangyari you cold-hearted beast. tsaka FYI kahit na ikaw pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo ay di ako magkakagusto sayo!" - Andie

"wanna make a bet? I can make you fall inlove with me!!" - me

"di ako baliw para makipagpustahan sa tulad mo, asshole!" - Andie

"ayaw mong makipagpustahan kasi alam mong matatalo ka? oh don't be a baby" -me

"alam mo para kang manok! putak ka ng putak! dami mong sinasabi" - Andie

"at alam mo bang may kamukha ka? yung susunod kong gf!" - me

"never mko magiging girlfriend you jerk!" - Andie

"edi patunayan mo! pumayag ka sa bet" - me

"okay. let's make a bet. whoever falls first lose! and I can assure you na ikaw ang matatalo" - Andie

"tignan natin babe *sabay kindat*" - me

nakita kong medyo inis si Jun. grabe nakalimutan ko ng may iba pang tao sa paligid namin ni Andie. sobrang init ng alitan namin.

"sige bro. aalis na kami" pagpapaalam ni Jun. halatang nabubwisit siya.

tumalikod na sila nang bigla akong nagsalita.

"oh by the way babe, will pick you up at 8pm. start na ang bet natin today di ba?" - me

"sure. whatever loser." sagot naman ni Andie.

This would be great. Sisiguraduhin kong matatalo ang babaeng bet na bet ko. Magiging akin ka Andie Sanchez. Di ko hahayang matalo mo ko. Magiging akin ka.

Para kong baliw na biglang ngumingiti habang nag-iisip.

"hoy! ano nanaman yang pinasukan mong pustahan ha?" - Sherwin

"basta alam mo na yun" - me

Nakatingin lang sakin si Keyla. yung tingim na parang disappointed siya sa mga kinikilos at ginagawa ko. bahala siya diyan. kasalanan niya naman bakit ako naging ganito kagago. wala siyang ibang dapat sisihin dito kundi ang sarili niya. naglabas ako ng yosi at sinindihan ito. hinithit ko hanggang sa maramdaman ko ang hagod ng usok nito sa loob ng aking lalamunan.

Keyla's POV

ano na bang nangyari kay Shawn? nakita ko ang pakikipag-alitan niya sa isang babae. ano nga bang pangalan niya? Anna? Abby? Ah Andie!!! hay grabe! hindi naman siya ganyan dati mantrato ng babae. eto ba ang naidulot ng pakikipagbreak ko sa kanya? kasalanan ko ba lahat ng nangyayaring masama sa buhay niya. ang laki ng pinagbago niya. parang di ko na siya kilala.

5 taon na ang nakakalipas! di pa ba niya ko nakakalimutan? hindi pa ba ko naaalis sa puso niya? bakit niya ko minahal ng sobra? bakit ko ba siya sinaktan? ang daming katanungan dito sa isipan ko. sana di ko siya sinaktan siguro hindi siya magkakaganito kung naghiwalay kami ng maayos. sana nagstay nalang kami bilang magkaibigan noon. edi sana di ko siya nasaktan ng sobra at hindi siya magiging ganito, ganito na isang rebelde. bato na ba ang puso ng Ex ko? pero alam ko magbabago siya. umaasa ko na isang araw bumalik na ang dating Shawn, yung Shawn na masiyahin, mabait, malambing at may respeto sa babae.

sorry Shawn :( sana di nalang kita sinaktan. ang daming sana pero yung mga sana na yun ay di na pwede pang mabago.

hindi ko namalayan na nakatingin na pala ko sa kanya habang pumapatak ang luha ko. agad kong pinunasan ang luha para walang makakita pero mukhang napansin ata ni Shawn. nakatitig lang siya sakin. nakikita ko yung mabait na Shawn sa mga mata niya. alam ko babalik ka sa dati. hinsi ngayon pero alam ko sa tamang panahon.

sorry ngayon lang nag-update. I was so busy last year because of my fucking thesis. pero eto na nadugtungan na. sorry talaga guys kung natagalan. please vote ha? wag kalimutan. tas follow niyo na rin ako pls? hahaha. mabait naman ako eh. lol! :D

She changed my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon