Prologue

1.9K 23 4
                                    

PROLOGUE

PAROO'T parito si Lady sa kanyang silid. Kanina pa siya hindi mapakali. Bukas ng hapon, ikakasal na siya. Ngunit hindi excitement ang kanyang nadarama sa mga sandaling iyon. Kundi takot. Takot sa maling hakbang na gagawin niya bukas. Pinakamalaking pagkakamaling posibleng buong-buhay niyang pagsisihan.

Tinapunan niyang tingin ang mamahaling wedding gown na ginawa pa ng sikat na couturier na si Inno Sotto.Gown pa lamang niya'y marami nang kababaihang mainggit sa kanya.
Hindi ko gustong isuot ka, aniya sa naka-hanger na gown na tila iyon may isip at nauunawaan siya.

Pagal ang isip at hirap ang kaloobang napadako naman ang tingin niya sa wedding invitation na nakapatong sa headboard ng kama.
Wala sa loob na dinampot niya iyon at binuklat.

Believing that this is is the blessed will of our Heavenly Father and the most wonderful way to give our love for each other its fullest expressions, we, Joven and Lady Lou, request the honor of your presence to share with us our offering of this meaningful moment of our lives at the celebration of our Nuptial Mass and to witness our union as one in the sacranent of Holy matrimony to be solem-nized at the Manila Cathedral, Intramuros, Manila on Saturday, the 27th day of June, nineteen hundred and ninety-eight, at six o'clock in the evening.
Reception will follow at The Westin Philippine Plaza, Roxas Boulevard, Manila.

Itinupi ni Lady ang wedding invitation na may violet na ribbon, kasabay ng malalim na buntong-hininga.

Hindi, hindi siya pakakasal kay Joven. Dahil hindi na si Joven ang itinitibok ng puso niya.

Hindi ang mga halik at yakap ni Joven ang hinahanap niya. Si Renzo ang gusto niyang pagbigyan ng kanyang katawan at kaluluwa, si Renzo ang ...

Mabilis at tiyak ang sumunod niyang mga kilos. Nagbihis siya. Kumuhang isang malaking bag at inilagay roon ang ilang importanteng gamit. Pagkatapos ay binuksan ang kanyang computer, may isinulat doon, para sa kanyang mga magulang.
Paghinging tawad at pang-unawa, ganoon din kay Joven.
Pagkuwa'y hinagod ng tingin ang kabuuan ng
kanyang silid. Saka nagmamadaling lumabas.
Pasado ala-una na ng hatinggabi kaya t tulog na ang kanyang mga kasambahay. Kailangan daw maaga silang magpahinga upang fresh-looking silang lahat bukas, sa araw ng kanyang kasal.
Ngunit hindi na siya magigisnan ng kanyang mga magulang. Dahil nagpasya na siya.

Nagtuloy siya sa gate at binuksan iyon. Pagkatapos ay malalaki ang mga hakbang na nagpunta sa garahe at kinuha ang isa sa mga sasakyan doon, ang puting Honda Civic niya.

Mabilis na iniatras iyon upang mailabas ng gate. Saka pinaharurot iyon.
Habang nasa sasakyan ay dinampot niya ang Celfone at may ilang numerong pinindot.

"Renzo..."
"L-Lady..?" Nagulat ang nasa kabilang linya.
"Renzo, magkita tayo. Pagkatapos, magpunta tayo saisland resort ninyo."
"Pero ikakasal ka na bukas. And I'll be leaving tomorrow, para malayo na sa araw ng kasal mo."

"Sasama ako sa iyo kahit saan, Renzo."
"What? Paano ang kasal mo? I thought siya ang pinili mo kaya a pakaka.
"No! Hindi ako pakakasal kay Joven. Sa iyo ako paakasal, Renzo,'

"Lady... are you sure?"
"I've never been this certain in my entire life.

And I am very sure of my feelings, Renzo. Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay, ikaw ang unang gusto kong makita sa bawat umagang gigising ako. Sa iyo ko gustong ipaangkin ang katawan at kaluluwa ko... ikaw ang mahal ko, Renzo.'"

"Oh, Lady. Kung alam mo lang ang paghihirap ng loob ko. Ilang araw nang magulo ang isip ko. In fact, kahapon pa kita gustong puntahan. I'm dying to see you, and kiss you again. I want to make you mine, Lady. Alam mo bang pumasok sa isip kong dukutin ka ulit?

Desperado na akong agawin ka kay Joven. Pero naisip kong baka siya ang talagang mahal mo."

"You taught me the real essence of love, Renzo.
You gave it a new meaning. Ikaw ang talagang mahal ko...

"Magkita tayo," nasa tinig ni Renzo ang kaligayahan at excitement. "Nasaan ka?"
"Tumakas ako."
"Good Lord, bukas na bukas ng umaga, magpapakasal tayo. Isang beach wedding katulad ng gusto mo."

My Lovely Bride ( Lady & Renzo) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon