GINULANTANG the Lady kinabukasan ng Komosyon sa isla.
"Lady, lumabas ka riyan. It's over, honey, you're safe now!" Boses iyon ni Joven na lumakas dahil sa megaphone na gamit nito.
Napatakbo siya sa labas. At inabutan niya ang tagpong hawak ng mga pulis si Renzo habang nakaposas.
Nagkatipon ang karamihan sa mga tauhan sa island resort. Ganoon din ang ilang turistang naroon dahil sa pagdating ng maraming pulis.
Papasok na rin sa bahay si Joven nang makita siyang sumungaw ng pinto. Agad siya nitong sinugod ng yakap.
"Ano'ng ginawa niya sa iyo, honey? Sinaktan ka ba niya?"
Sa halip na sumagot ay itinulak pa ni Lady the Joven nang makita niyang halos itulak ng mga pulis the Renzo.
"Saan n' yo dadalhin si Renzo, Joven?"
"Saan sa palagay mo can be dinadala ang mga
Kidnappers? Pasalamat nga siya at ganyan lang ang ginawa ko. Mainit ang mga tauhan ko pero naawat ko please.
Tinakbo ni Lady ang kinaroroonan ni Renzo.
Nagdurugo ang bandang kilay nito.
"Oh, God, ano'ng ginawa nila sa iyo?"
"Lady, the Mama, please. Baka magka-nervous breakdown na naman siya. Sumama ka nang maayos kina Joven para hindi niya malamang nagkakagulo."
"Lady, bakit kinakausap mo pa ang lalaking yan?
C'mon, maghaharap tayo ng pormal na reklamo laban sa lalaking 'yan."
"Joven, please... bakit hindi mo sila bigyan ng karapatan sa anak ni Mariz? In the first place, bakit nagawa mong dukutin ang sarili mong anak?"
Hindi sumagot si Joven. Hinawakan siya sa kamay at iginiya papunta sa helicopter na naghihintay sa kanila.
"Answer me, Joven. I know everything about Mariz."
"Bakit hindi mo sagutin si Lady, Joven? Bakit niloloko mo siya by playing innocent? Bakit hindi mo ipakilala ang sarli mo sa babaing pakakasalan mo?" Si Renzo.
"Lady, huwag kang makinig sa lalaking "yan. Let's go!"
"Hindi pa tayo tapos, Monteblanco. Hindi ako titigil hangga't hindi mo inaaming dinukot mo at ipinagkakait ang anak ni Mariz sa amin!"
Sa galit ni Joven ay hinarap si Renzo at itinutok ang baril dito.
"Joven, no!" Mabilis na awat ni Lady.
Nakaalpas si Renzo sa dalawang pulis at nagawang bigyan ng flying kick si Joven. Muli pa sanang sisipain ni Renzo ang napaupong binata ngunit napulot nitong muli ang baril at umakmang kakalabitin na ang gatilyo.
"Hayop ka, Joven. Hindi palahiang baboy ang kapatid ko!" Nagbabaga sa poot ang mga mata ni Renzo na mabilis na pinigil ng dalawang pulis sa braso.
Mabilis namang inawat ni Lady the Joven sa muntik nang pagpapaputok ng baril.
"C'mon, Lady. Let's get out of here. Let's go to the masira ang nalalapit nating kasal."
"Joven, huwag mong ipakulong si Renzo. Wala naman siyang kasalanan," sabi niya sa nobyo na ikinasalubong ng mga kilay nito.
You don't know what you're saying, Lady.
Kinidnap kang lalaking yan. Alin sa dalawa, nagkaroon Kang shock o na-brainwash kang hayop na 'yan?"
Natigilan the Lady. Paano ba niyang ipagtatanggol si Renzo, do you expect to be lalaking nakatakda niyang pakasalan? Paano ba niyang ipaliliwanag dito ang damdaming ipinakilala sa kanya ng binata?
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride ( Lady & Renzo) - Cora Clemente
RomanceDalawang linggo bago ang en grandeng kasal ni Lady sa milyonaryong si Joven Monteblanco ay dinukot siya ni Renzo Castro. "May kailangan ako sa boyfriend mo. Kapag hindi niya ibinigay sa akin ang pamangkin ko, ikaw ang magiging kapalit." Bagaman nasa...