NAMAMANGHA ka, Miss Atienza. Bakit hindi mo ba mapani walaang ang lalaking pakakasalan mo'y hindi kasing linis ng pagkakaalam mo?"
Hindi nakakibo si Lady. Walang-kurap na nakatitig sa mukha ng binata. Dahil ba napapada siya sa natutuklasan mula rito o dahil abala siya sa pagbibilang ng moles na nagkalat sa mukhang lalaki na tila ba lalong nagpalutang sa oozing sex appeal nito?
"You're lucky, dahil pakakasalan ka niya," patuloy ni Renzo na ang tinig ay muling nagpakurap kay Lady.
Ano ba itong nangyayari sa kanya? Dinukot siya ng isang lalaking ngayon lamang niya nakita para ipam-blackmail sa boyfriend niya. At nasa gitna sila ng laot
— pagkatapos nakukuha pa niyang mamalikmata sa estrangherong ito?
"Ikaw lang ang babaing sineryoso ni Joven."
Tumigas ang anyoni Renzo. "Hindi ka katulad ng ibang babaing dumaan sa buhay niya na ginawa lang palahian.
My poor sister. Nagkaroon ng infection sa uterus si Mariz a few months after she gave birth." Napabuntong-hininga si Renzo.
"Nasa ospital si Mariz nang itakas ni Joven ans bata at ipadala sa America kasama ng kanyang mama," patuloy ni Lorenzo na nagtatagis ang mga bagang sa pagkaalala sa kapatid.
"But before she died, nagtapat siya sa amin tungkol sa kanila ni Joven, at ipinakiusap niyang kunin namin ang anak niya mula sa animal na lalaking iyon anuman ang mangyari.".
"Huwag mong tawaging ' animal' si Joven!"
"Nakakaawa ka, Miss Atienza. Isa ka rin pala sa mga babaing madaling nadala ng mapanlinlang na ngiti at matamis na dila ng Kastilaloy naiyon."
"Granting na totoo ang sinasabi mo, may karapatan din si Joven sa bata dahil siya ang ama."
"Seventeen lang ang kapatid ko. Menor-de-edad nang ipagbuntis ang anak nila. May dapat siyang panagutan sa batas. Idinemanda ko siya. Pero na-dis-miss lang dahil gumamit siya ng pera at impluwensiya.
Malamang, pati ang birth certificate ng bata ay binago na niya para hindi na namin mahabol."
Noon naalala ni Lady na hindi 'Mariz' kundi 'Helen' ang nabanggit ni Joven na pangalan ng ina ng anak nito.
Nagsisinungaling nga yata si Joven sa kanya.
Naalala rin niya ang pagkabalisa sa mukha ni Joven nang makausap nito sa telepono si Renzo. Kaya pala apektado ito ng mga sinasabi ni Renzo ay dahil ninakaw lang nito ang bata sa ina nitong si Mariz - dahil ito ang magiging susi para mapasakamay nito ang mga mamanahin.
"Bakit kailangang ako ang gamitin mo laban sa
kanya?"
"Tinaliwanag ko na sa iyo kanina ang rason, Miss Atienza. kaw... kapalit ng pamangkin kong ayaw ibigay ni Joven." Patda si Lady.
"At kung hindi nga niya ibigay sa iyo ang bata?"
"Hindi ka na rin mababawi sa akin ng tusong boyfriend mo. At kung talagang magmamatigas siya, you'Il be mine. Hindi na kita isasauli sa kanya. Then, we'll be even."
Tumaas-bumaba ang dibdib ni Lady. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng lalaki.
"You can't be serious."
"I am, Miss Atienza."
Lalong nag-alala si Lady para sa kanyang sarili. Ang tingin niya sa lalaking ito y kayang panindigan ang bawat sinasabi.
"Hindi ka mananalo kay Joven. Kapag natagpuan niya kung saan mo ako dinala, pagsisihan mo ang ginawa mong ito sa akin, Mr. Castro!" asik ni Lady.
"What if magmatigas siya? E, di hindi na matutuloy ang kasal n'yo?" Nang-inis ang mahinang tawa ni Renzo. Naghahatid yon ng takot para kay Lady.
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride ( Lady & Renzo) - Cora Clemente
RomanceDalawang linggo bago ang en grandeng kasal ni Lady sa milyonaryong si Joven Monteblanco ay dinukot siya ni Renzo Castro. "May kailangan ako sa boyfriend mo. Kapag hindi niya ibinigay sa akin ang pamangkin ko, ikaw ang magiging kapalit." Bagaman nasa...