Chapter 6

576 10 0
                                    

BINALINGAN ni Renzo ng tingin si Lady na matalim din ang pagkakatitig sa kanya matapos niyang putulin ang pakikipag-usap sa nobyo ng dalaga.

"You're very convincing," sumbat ni Lady. "Muntik mo na akong mapaniwala — If I didn't know Joven better. At nag-aaksaya ka lang ng effort at laway, Mr. Castro. Dahil walang matutupad sa gusto mong mangyari."

"Papaano kang nakasisiguro?" Walang pagkaalarma sa mukha ni Renzo.
"Dahil hindi magtatagal ay mababawi ako ni Joven sa iyo."
"I doubt it." Cynical ang ngiti ni Renzo. Saka nalipat sa pagkaing hindi ginagalaw ni Lady ang pansin nito.
"Kailangang kumain ka."
"Makakaramdam ba naman ako ng gutom sa sitwasyon kong ito?"

"You have to eat. Kapag humpak ang mukha mo pagdaong natin, baka makahalata si Mama sa abnormal na sitwasyon."
"Mama?"
"Ayokong may mahalatang hindi maganda si Mama kapag ipinakilala kita sa kanya.'
"Bakit kailangang ipakilala mo ako sa mama mo?"
"Hindi ba dapat lang na makilalang mama ko ang magiging daughter-in-law niya."
"You're a fool. Nagpapantasya ka."
"Sana nga' y hindi matuloy ang kasal natin."
"Kung ayaw mong sakit ng katawan, Mr. Castro, mabuti pang pakawalan mo ako at pabayaang bumalik sa pamilya ko."
"Why, ayaw mo bang maglayag kasama ko?"
"Another day in this yacht would mean hell to me."
"Hindi kita sinasaktan, Lady."
"Physically yes. But emotionally, pinahihirapan mo ako."
"Why, natatakot ka bang may gagawin akong masama sa iyo?"
"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo."
"Isa lang ang sisiguraduhin ko sa iyo, Lady.

Mas mabuti akong tao kesa sa fiancè mo. Dahil hindi ko kayang magsamantala at manggamit ng isang menor-de-edad. Hindi rin ako sinungaling na tao at lalong hindi ako tumatalikod sa responsibilidad. Kapag naging isang ama na rin ako, titiyakin kong mabubusog sa pagmamahal at pag-aalaga ang mga anak ko." Sa sumunod na ilang saglit ay naglaho sa harap ni Lady si Renzo. Kinabig nito ang pinto pasara.

Naiwang natitigilan ang dalaga habang nakatingin sa pintong nilabasan ni Renzo.

Honestly, hindi naman talaga siya nakadarama ng takot sa binata bagama't hindi niya ito lubos na kilala.
Ang inaalala niya ay ang eskandalong maaaring likhain ng posibleng hindi pagkatuloy na kasal nila ni Joven o di kaya' y ang pagka-postpone nito.

Pero isang bagay ang naghahatid ng pagkabalisa sa kanya. Ang posibilidad na ituloy ni Renzo ang bantang pipilitin siyang pakasal nito?

Pagkalipas ng kulang isang oras ay nakarinig si Lady ng mahihinang katok. Bumalik si Renzo sa cabin ngunit kumunot pa ang noo nito nang makitang hindi nagalaw ang pagkain sa tray.

"Siguro naman ay entitled ako sa aking privacy," asik ni Lady sa binata.
"Gusto ko lang tiyakin kung kinain mo ang lunch na dinala ko sa iyo. But it seems, balak mong mag-hunger strike."
"Mabuti pang alisin mo na "yan. Wala akong balak kainin 'yan. Malay ko kung meron na namang pampatulog yan. At may binabalak kang gawing masama sa akin."
*May isang salita ako, Lady. May usapan kamini Joven. Bibigyan ko siyang twenty-four hours para mag.-decide. Hindi kita kakantin dahil kapag ibinigay niya ang hinhiling ko y kailangan kitang ibalik sa kanya nang untouched. para naman ipagmalaki ka niya bilang bride."
Hindi nakaimik si Lady. Galit at paismid na inalis ang tingin kay Renzo.

"Hindi ko aalisin dito ang pagkaing yan. Kapag nagutom ka, tiyak na kakainin mo rin 'yan." Pagkasabi niyon ay lumabas na ulit si Renzo.
Ngunit hindi parin tinapunan ng pansin ni Lady ang naghihintay na pagkain sa tray sa tabing kama. Bukod sa hindi nagkakapuwang ang gutom dahil sa sitwasyon ay nag-aalala siyang may pampatulog na naman iyon.

Upang palipasin ang oras nang hindi naiinip ay binuksan niya ang TV para malibang. Nagsalang ng tape sa VHS. Nasa ibaba ng tape rack ang dalawang tapes ng Titanic kaya't iyon ang kinuha niya.
Bukod doon ay napansin din niya ang mga tapes na The Poseidon Adventure at Speed 2 na pawang mga pelikulang may mga eksena sa karagatan.

My Lovely Bride ( Lady & Renzo) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon