THIS is my son JJ, Lady," sabi ni Joven habang kinukuha mula sa yaya ang anak na mahigit isang taon ang gulang. Nang ito na ang may karga sa bata y inilapit ito kay Lady.
Naa-amuse na na pinagmasdan ng dalaga ang anak ng nobyo. Anak sa dati nitong nobya.
"Kiss Tita Lady, JJ," utos ni Joven sa anak na kinausap na animo may-isip na.
Mukhang nakakaintindi ang bata, inilapit naman ng bata ang mukha kay Lady at hinagkan ang dalaga sa pisngi.
"Wow, ang tunog, ah!" sabi ni Lady. "He's so cute.
Puwede ko ba siyang kargahin, Joven?"
"Why not?" Iniabot ni Joven kay Lady ang anak.
"Tutal, magging anak mo na rin naman siya when we tie the knot."
Masuyong kinarga ng dalaga ang bata na tila sarili mya itong anak.
Isang taon na silang magnobyo ni Joven ngunit kailan lamang nito nabanggit sa kanya ang pagkakaroon nito ng anak. At iyon ang hindi niya maunawaan.
Kung bakit matagal pa nitong inilihim ang bagay na iyon sa kanya gayong mauunawaan naman niya iyon.
Ngayon lang din siya nagkaroon ng pagkakataong makita ang bata dahil dinala ito ng mama ni Joven sa America noong apat na buwan pa lamang daw ito at kailan lamang ito iniuwing Pilipinas.
"Sa edad niyang ito, kailangang-kailangan paniya ng pag-alaga ng isang ina," sabi ni Lady habang hinahaplos ang makapal na buhok ng bata.
Tila sabik sa inang nakatitig sa mukha niya ang bilog na bilog na mga mata nito. "Tingnan mo ang yakap sa akin, parang sabik na sabik sa ina."
"Hindi naman siya pinabayaan ni Mama habang nasa America siya. May yaya rin siya."
"Iba pa rin siyempre ang pag-alaga ng isang ina.
Nagtataka nga lang ako kung bakit ini layo mo siya sa iyo. Wala na ang mommy niya, hindi ba dapat na ikaw mismo ang mag-alaga at sumubaybay sa paglaki niya?
"Alam mo namang busy ako sa maraming negosyong iniwan ni Papa.
Pero siyempre, ang lahat ng ginagawa ko y para na rin kay JI. Siya naman ang magmamanang lahat ng magiging bunga ng pagsisikap ko, hindi ba?
Saka kapag nagpakasal na tayo, magkakaroon na ng mommy si JJ."
"Mamahalin ko naman siya't aalagaan. Ituturing ko siyang tunay na anak."I know, Lady. Kaya nga ikaw ang pinili kong pakasalan." Inakbayan siya ni Joven habang papunta sila sa may hagdan para bumaba.
"Napapansin kong panay ang banggit mong kasal, ah," nangingiting puna ni Lady sa nobyo.
"Because I think it's about time para pag-usapan na natin ang tungkol sa pagpapakasal. "
Tiningnan ni Lady si Joven nang tuwid sa mga mata.
Kinalkula ang kaseryosohan ng sinabi nito.
"Are you serious, Joven?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" sabi ni Joven na malapad ang pagkakangiti at medyo nakakiling ang ulo.
"Joven...
"Ayaw mo bang maging June bride?"
Nangiti nang makahulugan si Lady. "I'd love to...
Ihinilig niya ang ulo sa balikat nito.
"These past few weeks ay iyon ang pinagka-kaabalahan ng isip ko.
A few months from now, I'll be turning thirty at ako na ang magging presidente at CEO ng Monteblanco Group of Companies at CEO ng Orient Airlines.
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride ( Lady & Renzo) - Cora Clemente
RomanceDalawang linggo bago ang en grandeng kasal ni Lady sa milyonaryong si Joven Monteblanco ay dinukot siya ni Renzo Castro. "May kailangan ako sa boyfriend mo. Kapag hindi niya ibinigay sa akin ang pamangkin ko, ikaw ang magiging kapalit." Bagaman nasa...