KUMUSTA si Mama?" may pag-aalala sa mukhang tanong ni Renzo sa nurse ng ina nang dumating siya sa bahay mula sa importanteng bagay na inaasikaso.
"Wala pa ring ganang kumain, Sir. Hinahanap ka niya. Ikaw raw ang gusto niyang magsubo sa kanya."
"Pupuntahan ko na siya," sabi ng beinte-nuwebe anyos na binata, saka tinungo ang hagdan at sa malalaking hakbang ay pumanhik patungo sa silid ng ina.
Dumilat ang matandang babae nang maramdaman ang pagpasok niya sa silid nito.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Ma?" tanong ni Renzo sa ina matapos itong hagkan sa noo.
"Katulad pa rin ng dati, hijo."
"Ayaw n' yo raw kumain..."
"Pinilit !:o. Pero wala talaga akong gana. Tumikim lang ako ng kaunti... dahil alam kong magagalit ka...'
"At talagang magagalit ako kapag hindi n' yo pinilit lumakas."
"Ewan ko ba, hijo. Gusto kong lumakas pero piranghihina ako ng kalungkutan sa mga nangyari sa buhay ni Mariz."
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Paula Castro. "May linaw bang makita mo ang anak ng kapatid mo?"
"Yes, Mama. In fact, I have good news for you. Nakita ko na ang bata."
"Really, hijo?"
"Yes, Ma. Dinala pala ng dumukot na ama sa America at kailan lang ibinalik dito sa Pilipinas. At huwag kayong mainip, dahil alam kong mababawi natin ang anak ni Mariz."
"Paano kung hindi siya ibigay ng lalaking iyon?"
Matagal bago sumagot si Renzo.
"Wala siyang karapatang tawaging ama, Mama. Kaya gagawin ko ang lahat para mabawi ang bata."
Habang sinasabi iyon ay nakatingin si Renzo sa picture ni Mariz.
Si Mariz ang bunso niyang kapatid. Ang tupang-itim. Rebelde ito.
Palibhasa ay spoiled ng ama nila.
Fifteen years old pa lamang ito' y nakikipag-boyfriend na. Ayon dito, paraan lang daw niya iyon para kalabanin ang kalungkutan sa pagkamatay ng kanilang papa na masyadong naging malapit dito.
Hinigitan nila ito ng kanyang mama para masuheto.
Isang taon na siya sa America nang mapilitan siyang-umuwi sa Pilipinas nang wala sa panahon dahil ayon sa mama niya 'y naglayas si Mariz. Hinanap niya ito para ibalik sa tahanan nila ngunit nabigo sila.
May nakapagsabing isang kaibigan na sumamaraw ito sa boyfriend nito sa Davao.
Kung saan-saan na siya nakarating para hanapin si
Mariz ngunit nabigo siya. Sa tingin niya y kusa itong nagtatago at ayaw magpakita sa kanila.lyon ang naging simula ng pagkakasaking kanilang ina. At pagkalipas ng ilang buwan ay nakatanggap sila ng masamang balita tungkol dito.
Mariz... Hindi mapigil ni Renzo ang galit at pagkakuyom ng palad kapag naalala ang masakit na sinapit ng kapatid.
"ANG GANDA-GANDA ng anak ko," buong-paghangang bulalas ng mommy ni Lady habang pinagmamasdan siyang suot ang mamahaling wedding gown.
"Bagay ba sa akin ang yari, Mommy?" paniniyak ni Lady.
"Oo naman, hija. In fact, ikaw ang magiging pinakamagandang bride ng dekadang ito."
"Mommy ko nga kayo," natatawang pakli ni Lady.
Sabay pa silang napalingon sa kinaroroonan ng telepono nang tumunog ito.
"Yes, Joven, may problema ba?"
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride ( Lady & Renzo) - Cora Clemente
RomanceDalawang linggo bago ang en grandeng kasal ni Lady sa milyonaryong si Joven Monteblanco ay dinukot siya ni Renzo Castro. "May kailangan ako sa boyfriend mo. Kapag hindi niya ibinigay sa akin ang pamangkin ko, ikaw ang magiging kapalit." Bagaman nasa...