Chapter 2

26 2 0
                                    

"Tss.."

Kinusot ko ang mata ko nang magising sa alarm. Huli kong naalala ay nasa rooftop kaming dalawa ni JC.

"You can hide your feelings to others but not on me kaya kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. No need to hold back."

And just on cue, bigla nalang din akong umiyak. I was just quietly crying while JC was patting my shoulder. Siguro dahil sa pagod ay nakatulog na lang din ako.

"Baka binuhat nya ako papunta dito.." bulong ko sa sarili nang ma-realize ko na nasa kama ako.

Bumaba na ako para mag-agahan nang makita ko si mama na nagluluto. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. I felt guilty kasi pati sya ay nasigawan ko kaya pagkababa ay agad ko syang niyakap sa likod. I felt her stilled for a moment but she eventually chuckled. "Ang aga mo naman manglambing ah."

I smiled and leaned my cheeks against her back. "Sorry po."

Kinuha nya ang dalawang braso kong nakapulupot sa kanya bago sya humarap sa akin. "Bakit naman, hm?" she said while cupping both of my cheeks.

I bit my lower lip. "Tungkol po kagabi."

My mom smiled and ruffled my hair. "Halika nga dito." She embraced me once again. Napangiti nalang ako at hinigpitan rin ang yakap ko. "Hayaan mo na yun. Tama ka rin. Sana naisip ko na hanggang ngayon, hindi mo pa rin gusto makita ang papa mo."

I smiled bitterly because no matter how much I denied, I know that in the end of the day, I am still yearning for his love and care. Kagabi ko lang din napagtanto yun. Hindi na siguro mawawala yun but I know that wishing for it would just hurt me kasi hindi naman mangyayari yun. Kaya palalaguin ko nalang ang galit ko sa kanya para matabunan ng galit na yun ang pagnanais kong tanggapin nya ako.

And besides, I still have my mother. Kahit dati pa man ay lagi nyang pinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga at kamahal. Kahit wala si Papa, sa pagmamahal nya, kumpleto na ako.

Wala namang kakaibang nangyari maliban sa pag-antay namin ng graduation. Ga-graduate kaming may honors ni JC.

"Hindi makakapunta ang parents mo?" tanong ko sa kanya habang pauwi kami galing school. Siya ang nagdala ng dalawang stool chair na ginamit namin sa pag-practice ng graduation. Since wala syang bakanteng kamay, sinusubuan ko sya ng kwek-kwek.

Malungkot syang umiling. "Hindi daw. Na-extend yung business trip nila. Nag volunteer nga si Aling Myrna na sya nalang aakyat sa akin. Payag sana ako pero parehas rin yung araw ng graduation natin sa araw ng graduation ng anak nya. Nakaka-konsensya naman kung papagurin ko pa si Aling Myrna na bumalik para sa akin."

"Eh di si Mama nalang."

"Wag na ah, nakakahiya.."

Napairap ako sa sinabi nya. May hiya pala sya? "Ngayon ka pa mahihiya eh doon ka na nga nag-aalmusal sa bahay."

"Pero Max-"

Agad ko na pinutol ang iba pang sasabihin nya. "Hush.." Nilagay ko pa ang hintuturo ko malapit sa bibig nya para matahimik. Nagulat pa nga sya at namula. "Ako na bahala. Papayag naman si Mama doon. Don't worry."

Pagkahatid sa akin ni JC sa bahay ay yun agad ang sinabi ko kay Mama.

"Oo naman. Parang anak rin naman ang turing ko kay JC." aniya habang kumakain kami. "Pero minsan, naaawa na rin ako sa batang yan. Lagi nalang wala ang mga parents nya. Binibilin naman sya sa akin ng Tita Cecille mo pero iba pa rin talaga pag tunay na ina mo yung nag-aalaga sa yo."

Nang sumapit ang Graduation Day ay pansin ko na agad ang lungkot ni JC. Kung hindi ko lang kilala si JC ay baka naisip ko na masaya sya ngayon. Sa tagal na naming magkakilala at magkasama ay kabisado ko na kung kailan sya tunay na masaya or kailan sya nagpapanggap.

Walking Through Memory LaneWhere stories live. Discover now