Chapter 6

14 1 0
                                    

"Jusko, bakit ka ba kasi nagpapaulan? Alam mo naman na mabilis kang lalagnatin nyan.."

Nahihilo ako at halos wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari. Nararamdaman ko nalang na parang lumulutang ako.

"Luh, gagi. Lumulutang ako!" I happily said while wiggling my feet a bit.

"Jusko, ang likot pa nga. Hindi ka lasing oy." the man complained.

But why does he sounded like JC?

Sinubukan ko syang lingunin pero talagang hindi ko maaninag ang mukha nya kasi sobrang hilong-hilo pa ako.

I felt a soft matress behind my back. "Huy, wag po. Madami pa akong pangarap." I crossed my arms in my chest.

"Hay nako.." rinig ko ang problemadong boses ng lalakeng kaboses ni JC. Sa sobrang lambot ng matress ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako na masama pa rin ang pakiramdam ko. Kumunot ang noo ko nang marealize ko na wala ako sa bahay.

Tangina? Paano ako nakarating sa kwarto ni JC? Sumilip ako sa bintana at madilim na sa labas at malakas pa rin ang ulan. That's when I remembered about what happened earlier. Nang lingunin ko ang bedside table ni JC ay nandoon rin ang digital wooden clock nya. 10PM na ng gabi.

When I looked down, I am already wearing a different clothes and I'm sure it was JC's since it's pretty much bigger for me.

"Buti, gising ka na."

Napalingon ako sa gilid at nakita ko si JC na pumasok, dala ang isang tray. Kinuha nya ang footed tray para ilagay doon ang niluto niyang sopas. Nilagay naman nya ang tubig at gamot sa bedside table nya. Habang ginagawa nya yun ay nararamdaman kong naiilang sya, ilag na ilag syang tingnan ako pero hindi ko nalang yun pinansin.

Normal lang siguro yun since nag-iiwasan kami lately.

Akala ko lang yun!

Pero ever since that night, iniwasan na nya talaga ako. Like big time! Unlike last time na parang casual lang, ngayon, nakikita pa lang nya ako ay lumiliko na sya kaagad. Sa school, pag tinatawag ko sya ay hindi naman nya ako nililingon.

"Sino ba tinitingan mo dyan?" Eddie said while eating lunch. Siya ang kasabay ko since may kanya-kanyang lakad sina Yuri, Mari, Aiah at Charisse, which I highly doubt. Gusto lang talaga nilang magka solo-moment kaming dalawa ni Eddie. For all I know, halos shini-ship ako ng buong block kay Eddie kasi may crush daw sya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung totoo yun.

"Ah, wala." I awkwardly smiled. Binalik ko ang atensyon ko sa kinakain ko habang patingin-tingin ako kina JC at Danica na kumakain nang magkasama sa iisang table.

I looked down on my plate. Medyo nawalan ako ng gana pero pinilit ko pa ring ubusin ang pagkain. Hindi na ako lumingon sa table nila JC at umalis nalang nang matapos si Eddie.

3PM palang ay tapos na ang klase namin at naisip kong maglakad pauwi. Inaya ako nila Aiah na gumala sa mall pero hindi ako sumama dahil wala naman ako sa mood mag-enjoy dahil sa nangyayari sa amin ni JC. Nang makita ko ang swing sa park ng village namin, kung saan ko hinintay si JC noon ay umupo ako doon para makapag-isip.

I was in deep thought when someone seated in another swing, just beside me. I rolled my eyes when I saw who it was.

"Wala akong time sayo, Danica."

Danica chuckled. "Ako, meron. That's why I'm here."

I was pissed. Bat ako ang napili nyang pagtripan? "Umalis ka nalang. I'm not in a mood para sa pang-aasar mo."

"Hula ko, tinatanong mo sa isip mo ngayon kung bakit ka iniiwasan ni JC. Am I right?" Danica teased me.

I sighed. Mukhang wala talaga syang planong tantanan ako. "Kung oo, alam mo ba?"

Walking Through Memory LaneWhere stories live. Discover now