Chapter 1

31 2 0
                                    

"Hay nako.."

Kinukusot ko ang mata ko nang magising ako sa kalabog mula sa bintana. Kilala ko na agad ang may pakana dun.

Pikon akong tumayo at binuksan ang bintana. Di na ako nagulat na si JC ang nag-iingay sa bintana ko gamit ang pinag-dugtong na billiard stick.

"Ang aga mo naman mambwisit.." pagrereklamo ko agad sa kanya pero ningisihan lang ako.

"Pa-copy sa assignment hehe."

Walang sabi-sabi ay pinagsara ko na sya ng bintana. Alam na niya ang ibig sabihin non kaya hindi na rin ako nagulat na after ko mag-ayos ay nasa baba na sya, nakikikain ng almusal namin. Nang tumalikod si mama para kumuha ng kape para kay JC ay binato ko na agad sa kanya ang notebook. "Ayos ka rin ah, puro ka kopya."

Simula noong magkamalay ako sa mundo ay alam ko na magkasama na kami ni JC. Sabi ni mama, mag-tropa sila ng mama ni JC. Sa sobrang tropa goals nila, iisa rin kami ng birthday- October 24.

Kami nalang ni Mama ang magkasama sa buhay. Matagal ko nang kinalimutan na may tatay ako. If there is one thing that I can proudly flex, that is I have my mother. Si JC naman ay pinalad na kumpleto ang pamilya pero palagi rin naman wala dahil sa nature ng trabaho nila. Kasambahay lang ang kasama nya doon at mas prefer nya dito daw sya tumambay kasi mas feel pa daw nya ang family dito compared sa sariling bahay nila.

Currently ay graduating senior high school students kaming dalawa ni JC. Parehong HUMSS ang strand namin at nasa iisang section lang din.

Agad naghiwalay ang landas naman ni JC nang makarating kami sa room. Doon sya pumwesto sa likuran malapit sa bintana habang sa may bandang harapan ako nakaupo kasi medyo malabo ang mata ko.

My face is just right. Medyo may pagka-singkit ang mata ko. Petite nose and naturally pinkish lips goes well with my tan skin. Ang haba naman ng buhok ko ay hanggang ibaba lang ng dibdib ko.

"Max, may sumusumpa nanaman sayo." bungad agad ni Lia pagkaupo ko. Her hair is just above her chest. Chinita, petite nose and a natural pinkish lips. Mukhang mahinhin pero actually hindi.

I immediately rolled my eyes at that. Sa school ay habulin ng mga babae si JC. Crushable, ika nga nila. Chinito, medyo singkit ang mata, pwedeng magpa-gulong ng coin sa ilong nya dahil sa tangos nito, natural pinkish lips at medyo may kahabaan ang buhok nya.

"Sure bang hindi kayo mag jowa ni JC?" tanong ni Riley na nasa tabi ko. Pixie-cut ang buhok nya. She got a fair complexion, matangos ang ilong and her remarkable red lips.

I leaned my back on the chair, pinag-gigitnaan nila ako. "Malayo kay JC yung gusto ko."

"Ano ba?"

"Hmm yung gentleman, caring, may emotional intelligence, may sense of humor siguro?"

Yun lang ang naiisip ko na qualities na gusto ko sa magiging jowa ko pero masyado pa akong busy mag overthink sa future ko kaya wala akong panahon sa mga ganyan.

"Si JC ba, hindi ganon?"

I shrugged. "Hindi naman, ekis lang sa bestfriend."

The thing is, JC is really a big part of my life ever since. Aside kay mama, isa sya sa mga taong pinapahalagahan ko kaya I want to keep him, not just a friend but as someone who I want to keep by my side.

Kaya kahit napagkakamalan kaming mag-jowa, hindi namin yun pinapansin. Alam namin na hindi kami pwedeng lumagpas sa linyang yun.

Nakasanayan na naming dalawa ang maglakad pauwi. Malapit lang naman sa school ang mga bahay namin.

"Narinig ko kina Lia na may sumumpa nanaman sayo." sabi ni JC habang kumakain ng kwek-kwek.

"Kasalanan mo kasi." agad ko syang sinamaan ng tingin habang ngumunguya ng siomai. Niligon ko sya habang hawak ang cup na may limang piraso ng siomai. "Bakit nga ba?"

He shrugged. "May umamin nanaman kasi sa akin. Nandito pa nga yung chocolates sa bag ko."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Hula ko. Ni-reject mo?"

"Oo."

I sighed. "Kaya pala."

Whenever may nirereject kasi sya, matik mai-inggit sila sa akin kasi mabuti pa daw ako nakakalapit sa kanya.

Kasalanan ko bang umamin kayo?

Dahil hindi naman sya mahilig sa chocolates, binigay nya nalang sa akin kaya napangisi ako.

Hinatid nya muna ako bago sya umuwi. Nang makarating ako sa bahay ay nagulat ako nang makita ko si mama at ang huling tao na gugustuhin kong makita.

My happy mood immediately turned to a bitter one as I stared coldly at my good-for-nothing father. "Anong ginagawa mo dito?"

He tossed an envelope in our table. "Hinatid ko lang yung pera na kailangan mo-"

Agad nag-init ang ulo ko at hindi na sya pinatapos. Agad kong kinuha ang envelope at binato pabalik sa kanya. "Hindi ko kailangan ng pera mo!"

Agad akong pinuntahan ni mama para pakalmahin. "Anak, kumalma ka. Tatay mo pa rin sya."

The man in front of me matched my cold stares. "Tsk. Can't you at least say thank you? Mabuti nga at binibigyan pa kita ng pera."

I sarcastically smirked. "Hindi uso sa akin ang magpasalamat, lalo na kung galing sayo. At ma, wala akong kinikilalang tatay kaya kung pwede lang ay paalisin nyo na yan."

Sa sobrang inis at galit ko kay napalakas ko pa ang pagsara ng pinto. Ever since he left us to pursue that sinful affair, pinangako ko na sa sarili ko na yun na ang huling beses na iiyakan ko sya.

But I failed. Nagsayang nanaman ako nang luha para sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at tumayo para pumunta sa bintana para silipin kung nakaalis na sya. Mas bumigat ang nararamdaman ko noong sumakay sya sa mamahalin nyang kotse at umalis.

Tinawag ako ni mama para kumain at dahil ayoko syang kumain mag-isa ay pa rin sumunod ako. Laking gulat ko nga na nandoon na sa mesa si JC.

I saw a glint of worry in his eyes but he just goofily smiled at waved his hand. "Makikikain po."

Alam ni JC ang issue na yun at alam nya rin kung gaano ako ka sensitive pag pinag-uusapan yun kaya kahit papano ay gumaan ang loob ko nang pinili nyang tumahimik. Tinanong lang kami ni mama kung kamusta ang araw namin.

Nag volunteer na si JC na sya ang maghuhugas ng pinagkainan at dahil walang akong ginagawa ay tumulong na rin ako. "Rooftop tayo? Una ka doon." biglaang aya nya. Sa kagustuhang magpahangin ay hindi na ako umangal.

Sa rooftop namin ay nandoon rin ang sampayan ng damit. Kumbaga, dito kami naglalaba ni mama. May nilagay rin si mama na mini bench at mesa kung gusto namin tumambay rito pag gabi. Nilagyan nya rin yun ng mga ball fairy lights kaya medyo dim.

Nang makaupo sa bench ay napapikit ako sa tumamang hangin, kasabay ng pag-tangay nya sa alaala ng nangyari kanina.

I flinched when I felt a cold pressed on my cheeks. "Lalim nyan tol ah."

Pagkaupo ay binatukan ko si JC. Biglang nanggugulat eh.

"Aray!" aniya bago binigay ang dala nyang cornetto.

We just silently ate our ice cream in silence but JC, who can't stand silence for long, binasag nya.

"Nakita ko yung papa mo kanina.." he carefully said.

I sighed as I leaned my back on the bench. "Kaya nga."

"Okay ka lang?" he worriedly asked.

Umiling ako. "As if ma-associate ko ang okay at papa. Matik na yun."

JC leaned his back on the bench too. "Why don't you try to talk to him?"

"Tsk. Sa laki ng galit ko sa kanya? Bahala sya."

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari and JC just listened there in silence. Minsan, sinasamahan ko pa ng tawa para hindi nya mahalata na apektado pa rin ako sa tatay ko. Yun ang ginawa namin hanggang sa maubos ang cornetto.

Out of nowhere, JC delicately held my head and made it put on his shoulder. Pumalibot agad sa aking balikat ang isang braso nya at tinapik-tapik yun. "Mapagpanggap ka ah, tumatawa ka pa kahit sa loob, nasasaktan ka na."

His words pierced through me, making my heart fluttered. "You can hide your feelings to others but not on me kaya kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. No need to hold back."

Walking Through Memory LaneWhere stories live. Discover now