"Max, nakikinig ka ba?"
I blinked when Yuri snapped her fingers in front of me. We are at a coffee shop, enjoying our frappe after the PATHFIT session.
I was zoning out. What happened earlier keeps playing in my head.
"Let's talk."
Dahan-dahan nyang tinanggal ang kamay sa bibig ko at pinasok sa bulsa nya pero ang kamay nya na nasa likod ng ulo ko ay hindi nya pa rin inaalis.
"Okay, pero-"
"Hoy! Ano yan?!"
Sabay kaming napalingon sa sumigaw at nanlaki ang mga mata namin nang makita ang isang guard. Hawak ang kamay ko ay agad na kaming tumakbo. Niligaw muna namin yung guard bago kami bumalik sa gymnasium.
from: caliber
maya nalang. usap tayo.
Hindi rin naman nangyari yun kasi nahila na rin agad ako nina Aiah sa coffee shop malapit sa school para mag meryenda.
huyyy san kana?
gagi, iniwan mo nanaman ako.
gege, sino ba naman ako.
di ko napansin, Haha sorry sabi ko na nga ba e. Sorry sa istorbo haha. ayaw talaga sakin ng mundo, life is so unfair. Sana hindi nalang ako nag tanong haha. Sensya na ah, eto lang kasi ako. Walang kwenta. Sana di nalang ako pinanganak haha.
ouch pain hurt disease illness sickness disorder stich ache sting wrench sorrow grief sadness loneliness unhappiness dissatisfaction resentment grudge pique displeasure awts pein pighati lumbay hinagpis kirot sakit pagtangis iyak lungkot siphayo dalamhati sama ng loob bigat sa damdamin haha
Anong trip neto?
Dahil mukhang nababaliw nanaman si JC ay nag-send ako ng picture ng frappe na iniinom ko.
to: caliber
oa mo, kumain lang ako. send mo lang saan tayo magkita.
Tinago ko na ang phone ko at nakisali na rin sa chismisan. Nang matapos ay agad na silang umuwi pero kailangan ko munang dumaan sa bangko kasi nagpadala na si mama ng pera ulit.
Nag decide na rin ako na mag-grocery sa supermarket kasi paubos na ang mga stocks ko sa bahay pero unexpected pa na nakasalubong ko si Eddie sa entrance ng mall.
"Max!"
"Huy, ikaw pala." I said, surprised by his presence. "Di ka pala umuwi?"
Eddie scratched his head for a bit before nodding. He was still wearing his jogging pants pero iba na ang pantaas nya. Pastel green polo shirt na ngayon. "Yeah, I was looking for new books to read. Ikaw?"
"Grocery muna."
"Samahan na kita?" he offered.
Medyo nag-alangan pa ako pero naalala ko pala na walang tutulong sa akin magbuhat ng bibilhin ko kaya pumayag nalang ako.
"Okay naman sa akin pero medyo marami-rami ang bibilhin ko ngayon. Baka mabigatan ka."
Eddie shrugged. "Don't worry, I have my car with me. Ihahatid nalang din kita pag-uwi."
"Nice!" I cheered, making Eddie chuckled.
Hehe. Libre pamasahe.
"Pero daan muna tayo sa NBS para sa bibilhin kong book."
Tumango ako at nagpunta kami sa NBS. Hindi rin naman kami masyadong nagtagal doon kasi agad rin nahanap ni Eddie ang hinahanap nya.
"Kumain ka na?" I heard him asked me nang pumila kami para magbayad.
YOU ARE READING
Walking Through Memory Lane
RomanceFrom childhood besties to lovers, no one would think that Maxine Aurelia and James Caliber will going to break-up, not until an incident will turn the table around and the two suddenly found themselves walking away from each other, leaving everythin...