CHAPTER 34

764 14 1
                                    

" TELLING THE TRUTH "

BEATRICE POV

Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na ako at bumaba na para kumain...

Pagbaba ko ay binati ako ng mga dama at kawal  kaya binati ko rin sila pabalik... Pagdating ko sa hapagkainan ay naabotan ko sila mommy , daddy at mga kuya ko na hinihintay ang pagdating ko..

"  GOOD MORNING MOMMY, DADDY AND KUYA " bati ko sakanila

" Goodmorning rin sweetie, princess, lil sis " sabay na bati nila

Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain.... Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay naalala ko na ngayon ko na pala  sasabihin ang totoo..

"  ahhhmmm mommy, daddy pwede po bang ipatawag po lahat ng mga hari't Reyna at pati narin po ang mga prinsipe at prinsesa  " sabi ko

Kaya napatigil sila sa pagkain at nagtatakang tumingin sa akin....

" Bakit naman princess? " takang tanong ni dad

" ahmm may importante po kasi akong sasabihin " sabi ko..

" kung yan ang nais mo princess " sabi ni dad kahit nagtataka

Pinagpatuloy nanamin ang aming pagkain.... Nang matapos na kaming kumain ay pinatawag na ni dad ang mga hari't reyna at pati narin ang mga prinsipe at prinsesa kaya nagpaalam muna ako na  magbibihis  muna...

" ahhmm mommy akyat lang po ako sa kwarto at akoy magbibihis muna " paalam ko kay mom

Tumango naman si mom kaya pumunta na ako sa aking kwarto upang magbihis.......

THIRD PERSON POV

Natanggap na lahat ng mga hari at reyna ang mensaheng pinadala ng daddy ni lovely kaya pumunta na sila sa diamond kingdom kasama na ang mga prinsipe at prinsesa...

Ng makarating na sila ay agad silang binati ng mga kawal at dama..... Pumasok na sila sa punong bulwagan at naabutan nila dun ai reyna minerva, haring Max at si prinsipe brent....

Pina upo naman sila ng hari kaya umupo na sila...

" Bakit niyo po kami pinatawag kamahalan ? " tanong ni reyna ryhne

" may importante daw na sasabihin sa atin si prinsesa lovely " sabi ng reyna ng diamond kingdom

Kaya tumango nalang sila kahit nagtataka...... Si prinsipe frost naman ay may kutob na ang sasabihin ni beatrice / lovely ay ang tungkol sa katawan at kaluluwa ni lovely at beatrice.......

5 minutes.....

" magandang umaga mga hari  at reyna pati narin sa inyo mga prinsipe at prinsesa" sabi ng kung sino

Kaya lumingon sila sa pinanggalingan ng boses at si prinsesa lovely lang pala.... Binati rin nila ito at nginitian...

" ahhm may sasabihin po kasi ako sana po ay hindi kayo magulat at magalit " sabi ni beatrice

Kaya tumango sila kahit nagtataka....

" ahhmm ganito po kasi yun hin..di po ako si prinsesa lovely at ako si Beatrice Anne Montes " kinakabahang sabi ni lovely

Kaya nagtaka sila .... Ang magulang naman ni prinsesa lovely ay kinakabahan...

" ano ang ibig mo sabihin sweetie " kinakabahang tanong ng ina ni lovely

" ang i..big ko pong sa..bihin ay hindi po si princesa lovely ang nasakatawan niya kundi ako " kabang sabi ni lovely

Kaya napatayo sila sa gulat at ang ina naman ni prinsesa lovely ay pilit kinakalma ang sarili at pagdadasal na sana nagbibiro lang ang anak niya tumingin siya kay beatrice na mayroon ng namomoung luha sa kanyang mga mata...

" Ano bang kalokohan ang sinasabi mo princess?" Kinakabahang sabi ng hari

" ngsasabi po ako ng totoo dad " sabi ni lovely

Puot, galit at lungkot ang makikita sa mata ng ama sa sinabi ni Lovely hindi siya makapaniwalang ang itinututing niyang anak ay hindi niya totoong anak.....

" nasan ang anak ko?" mahinahon pero may halong galit na sabi ng ama ni lovely

" pa..tay na..po si..ya " nauutal at kinakabahang sabi ni beatrice

Kaya tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ng ina ni lovely pati narin ang ama at kuya na umiiyak na rin at ang mga ibang hari at reyna naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ni beatrice at ang mga prinsesa at prinsipe rin.....

PAAAAKKKK....

Kaya nagulat sila ng sampalin ito ni brent kaya pinigilan ito ng mga rotalties pero nagpupumiglas parin ito...

" IBALIK MO ANG KAPATID KO HINDI PASIYA PATAY!!!!"  galit at umiiyak na sabi ni brent

PAAAKKKK.....
PAAAKKKK.....

Mas lalo silang nagulat ng sampaling rin ito ng reyna...

" BAWIIN MO ANG SINABI MO HINDI PA PATAY ANG ANAK KO!!!!! " umiiyak na sigaw ng reyna

Kaya inawat siya ng ama ni Lovely..... Si beatrice naman ay umiyak na dahil akala niya tanggap siya kahit hindi siya si prinsesa lovely....

" WAG NIYO NAMAN PO ISISI SA AKIN ANG LAHAT HINDI KO NAMAN PO ITO KASALANAN AT MAS LALO NA HINDI KO KASALANAN KUNG NAMATAY ANG ANAK NIYO AT ALAM NIYO BA NA HINDI PA AKO NASASAMPAL NG MGA TOTOO KONG MGA MAGULANG KAYO LANG PO ANG NAKASAMPAL SA AKIN " umiiyak na sigaw ni beatrice

Kaya naawa ang mga hari at reyna pati narin ang mga prinsipe at prinsesa kay beatrice... Pero ang pamilya ni lovely ay walang kahit anong awa ang dumaan sa kanilang mga mata...

At ang makikita mo lang ay ang galit at pagkamuhi para sa dalaga kaya subrang nasaktan na ang dalaga...

" UMALIS KA RITO AT WAG MUNG IPAKITA ANG PAGMUMUKHA MO DITO KAHIT KAYLAN " galit na sigaw ng hari

Kaya dahil sa sakit nanaramdaman ni beatrice ay tumakbo siya sa labas ng palasyo at sinundan naman siya ng mga gang mates niya at si frost pero hindi na nila ito na abutan.....

Brutal Mafia Queen Reincarnated As A Weak And Slut PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon