(AU: NEW CHARACTER' S UNLOCKED)
(LEE MIN HO AS DON GIOVANNI)DON GIOVANNI'S POV
FEBRUARY 1999
Hawak ang isang buwan kong sanggol sa aking mga braso, Ang ulan ay patuloy na tumatama sa bubong ng sasakyan, Ang bawat patak ng ulan ay parang gumuguhit at nagpapahiwatig ng lungkot, bigat at sakit sa aking kalooban..
Tahimik akong nagmamasid sa labas.. Punong-puno ng magkaibang emosyon at saloobin ang aking isipan.. Tinatanong ang sarili ko kung tama ba ang ba desisyon at ginagawa kong hakbang..
Wala akong ibang choice.. Kailangan ko itong gawin alang-alang sa kaligtasan at ikabubuti ng mga anak ko..
Buong tapang akong lumabas ng sasakyan bitbit ang anak ko at sa kabilang kamay ko naman ay may hawak na payong..
"V-Vann??!!" Labis ang gulat na rumehistro sa mukha ng kapatid ko nang kumatok ako at pagbuksan ako nito ng pinto..
Siguro ay kakauwi lang nito galing ng campo dahil suot suot pa nito ang kanyang uniporme pang sundalo..
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong ko na lalo niyang ikinakunot ng noo.
Pansin kong nag-isip pa siya ngunit di kalaunan ay pinapasok niya rin ako ng mapansin niya siguro ang sanggol sa bisig ko..
Isinara ko ang payong na hawak ko at iniwan yun sa gilid ng pinto..
Dere-deretso akong tumungo sa sala at umupo sa sofa na sinundan naman ng kapatid ko..
"Oh Vann?!! Kamusta?!" Narinig kong sambit ng aking Hipag na si Ivy na mukhang nagulat din ng makita ako "Gusto mo ba ng kape? Juice? Tubi---"
"Kunin niyo ang anak ko" Putol ko dahilan upang bumilog sa gulat ang mga mata nila sa sinabi ko "Take my daughter and treat her as yours" Napanganga sila sa mga sunod sunod at walang prenong litanya ko
"K-kunin?? Nahihibang ka na ba Giovann?!!! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!! Pagkatapos mong maglayas at hindi magpakita sa akin ng ilang taon pupunta ka dito para ibigay sa amin ang responsibilid--"
"Parang awa mo na kuya.. Kunin mo ang anak ko" Hindi ko na mapigilan ang humagulgol nang lumuhod ako sa harap nito.. "Ito lang ang nakikita kong paraan upang protektahan sila at ilayo sila sa mundong meron ako"
"Sila?? Anong ibig mong sabihin?"
Natahimik ako.. Wala akong planong sabihin sa kanya ang totoo ngunit nadulas na ako
YOU ARE READING
MY HUSBAND IS A WOMAN (JENLISA)
Mystery / Thriller"A perfect man" - that's how everyone described Hira's husband, Orion Arsenic Cervantez. Handsome, charming, and seemingly an ideal man. But not for Hira (Jennie kim) For her, he was like a wolfsbane, a beautiful flower hiding a dangerous secret w...