Episode 12

30 3 0
                                    

Clifford's Point Of View

Magaling na ang sugat sa braso ko but still kailangan ko pa itong ipahinga. Hindi pa rin ako makakapaglaro sa game 3 sayang at hindi ko maipapakita ang husay ko sa laro.

Malungkot din ang teammates ko dahil hindi ako makapaglaro pero sinasabi ko sa kanila na kaya nilang manalo dahil magaling sila nariyan naman si Thirdy para ipanalo ang game 3 dahil alam kong magaling siya.

Magaling din ang Westfield High lalo na si Dwayne may laban sila sa game 3. Kung papipiliin ako between Brent Academy at Westfield High doon ako sa Westfield High magaling sila eh. Siguro naman walang masama kung susuportahan ko sila di ba?

Nasa court ang mga teammates ko todo ensayo sila lalo na at bukas na ang game 3.

"Sayang talaga at di ka makakapaglaro bukas Capt." ani Thirdy.

"Ganun talaga di lahat aayon. Sa next season baka makapaglaro na ako."

"Magaling yung mga taga Westfield High lalo na yung Dwayne."

"Yeah, he is good player. He's nice too."

"Talagang close na close kayo ni Dwayne ah?"

"Sakto lang, Thirdy."

"Ipakilala mo nga siya sa akin minsan."

"Huh?"

"Labas tayo minsan kasama siya."

"Para saan?"

"Let's bond together."

"Wag na ayaw ka niyang makasama!"

"Bakit naman? He seems nice. Ilang beses nga kaming magkausap sa Instagram eh."

"Ano usap?!"

"Parang galit ka Capt?"

"So target mo naman ngayon si Dwayne? Nagsawa ka na sa mga babae?"

"Gago ka talaga Capt! Teka nga bakit ka galit na galit ng sinabi kong nag-uusap kami sa Instagram? Wait are jealous?"

"Ano selos? Bakit naman ako magseselos? We're only friends."

"Hindi nga ba?"

Siniko ko si Thirdy. "Gago ka talaga Thirdy gawin mo pa akong bakla!" 

"Eh ako nga pinagbintangan mo na pinopormahan si Dwayne. Hindi ko papatulan si Dwayne. Gusto ko lang maging kaibigan siya. Aminin mo na kasi na nagseselos ka sa'kin?"

"Gago ka talaga Thirdy. Bahala ka na sa buhay mo!"

"Aalis ka na agad?"

"Wala naman akong gagawin eh. Isa pa wala ako sa finals di ko kailangan mag-practice sa basketball."

Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo. Nilapitan ako ni coach.

"Are you leaving, Clifford?" tanong ni coach.

"Opo coach. Since I can't play on game 3 I'll go ahead. Good luck na lang po sa laban bukas. Don't worry I'll watch live."

"Alright, Clifford."

Pagkatapos ko magpaalam kay coach at sa teammates ko umalis na ako.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Thirdy kanina. Ang weird talaga dahil naiinis ako kay Thirdy dahil nag-uusap sila ni Dwayne pero bakit naman ako magagalit eh wala namang masama kung mag-usap sila Dwayne at Thirdy.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdrive ng makatanggap ako ng tawag mula kay Lola.

"Hi lola," bungad ko.

Love On The CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon