Episode 24

28 2 0
                                    

TW: Contains bed scene not suitable for young readers

Dwayne's Point of View

Our relationship goes stonger day by day. Madalas kaming magkita at mag-usap kahit na naging busy na dahil sa game.

Ngayon magaganap ang unang game this season at makakalaban ng Brent Academy ang West Hill High.

Nasa arena na ako para manood ng laban. I wore a tshirt na red official color ng Brent Academy wala na akong pakialam kung i-bash nila ako. Marami ng tao sa loob ng arena para manood ng laban.

Agad kong pinuntahan si Clifford para kamustahin at batiin bago ang laro. Kasama niya ang kanyang team na nag-wa-warm up.

"Hey, my handsome boyfie," masayang bati ko.

Agad akong niyakap ni Clifford. Nagulat ang mga team niya pati ang mga nasa loob ng arena. Hindi na kami nahihiya ni Clifford na ipakita ang relasyon namin. Mahal namin bawat isa at wala naman kaming inaapakan na tao.

"Thank you for coming, Dwayne."

"I'm here to support you Clifford. Look I wore red t-shirt official color ng team ninyo."

"Grabe ginawa mo talaga yan? Thank you Dwayne. Kinilig naman ako."

"Nothing, Clifford. Good luck sa game ninyo. Go Brent Academy."

Nilapit ni Clifford ang mukha niya sa mukha ko at naglapat ang mga labi namin. Narinig kong naghiyawan ang mga teammates niya pati ang mga nasa arena.

Kilig na kilig ako sa biglang paghalik ni Clifford sa akin. Ang sarap makatanggap ng halik sa taong mahal mo.

"S-Sige mauuna na ako. Good luck Clifford."

"Okay thank you, Dwayne."

Dumirecho na ako sa pwesto ko malapit sa court. Hawak ko na ang banner na may mukha ni Clifford. Proud ako sa kanya as his boyfriend.

"Go Brent Academy," malakas kong cheer habang winawagayway ang banner na hawak ko.

"Ang sweet mo naman as boyfriend." biglang saad ng katabi kong babae na supporter ng Brent Academy dahil sa hawak niyang banner na may mukha ni Thirdy.

"Siyempre proud ako as his boyfriend."

"Good luck sana manalo Brent Academy."

"Sana nga miss."

The game has started. Malalakas na hiyawan ang dumagundong sa buong arena mula sa mga supporters ng bawat team. Kinakabahan ako sa laban pero kumpiyansa akong mananalo sila Clifford dahil alam kong magaling sila sa laro.

First quarter pa lang lamang na ang Brent Academy puro three points shoot ang pinakawalan ni Clifford at Thirdy. Bawat shoot ni Clifford tuwang-tuwa ako.

Grabe ang husay talaga ng boyfriend ko sa court. I think siya na ang MVP this season.

Sa second quarter mas lumamang na ang West Hill High. Ilang missed shots ang napakawalan ni Thirdy at Clifford. Alam kong malungkot si Clifford pero ngumigiti ako pag nakatingin siya sa akin.

Laban lang Brent Academy makakabawi kayo sa third quarter.

Pagdating ng third quarter mas lamang na ang West Hill High. Kita ko na ang frustration ni Clifford. Mukhang nawawalan na yata siya ng pag-asa, pero ako tiwala pa rin na mananalo sila sa laban ngayon.

Nagkaroon ng break saglit bago ang fourth quarter. I can see dissppointment in Clifdord's face.

Kinuha ko ang phone ko para i-message si Clifford.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love On The CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon