Dwayne's Point Of View
Weeks has been passed. Naging maayos ang relasyon namin ni Clifford kahit na busy kami sa studies gumagawa pa rin kami ng time para magkita.
We already celebrated our first month at naging special yun dahil kumain kami sa fine dining na may magandang table set up na puno ng sunflowers. Grabe ang kilig ko ng time na yun.
Niregaluhan ko si Clifford ng dalawang basketball jersey na may pangalan niya at siya niregaluhan niya ako ng sapatos na mukhang mamahalin pa nahiya nga ako dahil mas mahal pa regalo niya sa regalo ko pero sabi naman ni Clifford buy one take one niya nabili yun sa online store. Couple shoes daw sabi nga niya. Hindi ko muna ginamit ang shoes para di agad maluma at masira. I kept it in my room di rin yun alam nila Mama at Auntie Sandra.
Still private pa rin ang relasyon namin dahil ayaw namin ng ingay. Minsan nga nakokonsensiya na ako kay mama at Auntie Sandra dahil nililihim ko ang tungkol sa amin ni Clifford.
Malapit na rin ang new season kaya todo practice na ulit kami ng team sa basketball.
Habang busy sa pagpalit ng damit na pang basketball ang iba kong team nasa upuan lang ako busy sa pakikipag-usap kay Clifford.
DwaynePogi:
Simula na ng practice namin para sa new season.
CliffordOfficial:
Kami rin eh magsisimula na.
Anong oras pala labas mo?
DwaynePogi:
Six pm pa labas namin.
CliffordOfficial:
Sunduin kita diyan.
DwaynePogi:
Sundo?
Baka pagod ka na.
CliffordOfficial:
Kahit kailan di ako mapapagod sa'yo.
Araw-araw kitang ihahatid at sundo.
DwaynePogi:
Kinikilig naman ako sa'yo.
CliffordOfficial:
Humanda ka sa akin mamaya, Dwayne.
DwaynePogi:
Bakit? May nagawa ba akong mali?
CliffordOfficial:
Basta humanda ka talaga sa akin.
Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni Clifford. Ano kaya yung ibig sabihin ng mga sinabi niya?
Sana wala lang yun. Kinakabahan talaga ako.
DwaynePogi:
Mamaya na tayo mag-usap parating na ang teammates ko.
CliffordOfficial:
Okay, I love you, Dwayne.
DwaynePogi:
I love you too, Clifford.
"Sino yang ka chat mo huh?!" biglang tanong ni Brian.
BINABASA MO ANG
Love On The Court
Teen FictionIt all started when Dwayne Delos Reyes accidentally injured Clifford Sebastian a star player of their rival team Boy's Love Novel