Dwayne's Point Of View
Wala kaming practice ngayon pahinga muna daw kahit isang araw lang sabi ni coach. Maaga din kami pinauwi dahil may meeting ang mga teachers.
Paglabas ko ng school natanaw ko si Clifford nakatayo sa kotse niya. He's wearing Brent Academy uniform. Grabe ang gwapo ni Clifford kahit school uniform lang suot niya. Wait anong ginagawa niya dito eh wala naman kaming usapan na magkikita kaming dalawa ngayon. Lumapit ako kay Clifford.
"Hi," bati ko.
"Congrats sa team ninyo, Dwayne."
"Uh, salamat Clifford. Teka bakit nandito ka wala naman tayong usapan ah?"
"You won on game 2 kaya kakain tayo sa labas."
"Libre ko? Di pa naman kami nanalo sa finals."
"Ako ang taya ngayon Dwayne. Let's eat."
"Wala ka bang klase? Training?"
"You forgot na di ako makakapaglaro sa finals. Wala rin kaming klase ngayon."
"Dapat nagpapahinga ka na lang. Kaya mo bang mag-drive sa lagay na yan?"
"Okay na braso ko. I can drive. Tara na, Dwayne."
"Okay, Clifford."
Sumakay na kami sa kotse niya. Katabi ko ulit siya.
"Sigurado ka kaya mong mag-drive?"
"Oo, kaya ko bakit gusto mo ikaw na ang mag-drive?"
"I can't drive a car kahit nga motor hindi ako marunong."
"Okay."
Nagmaneho na si Clifford. Ang tahimik lang naming dalawa sa loob ng kotse.
"Buksan ko radyo para makinig ng kanta?"
"Ikaw bahala, Clifford."
Binuksan ni Clifford ang radyo. Ang gaganda ng tugtugan very lively.
"And I was dying inside to hold you..." sambit ni Clifford.
Ang ganda talaga ng boses ni Clifford di nakakasawang pakinggan.
Huminto na ang kotse sa park. Nakakapagtaka sabi niya kakain kami pero bakit sa park?
"Sa park?"
"May masarap na food park daw dito. Let's eat there."
"Okay."
Bumaba na kami ni Clifford at dumirecho sa food park. Maraming stalls ng pagkain ang narito. May mga street foods, korean food at japanese food.
"Gusto mo ba ng korean?"
"Kahit ano Clifford."
"Okay."
Hinila ako ni Clifford sa food stall na nagtitinda ng mga street foods gaya ng kikiam, fishball, squid ball kwek kwek at mga inihaw.
"Uhm...How much you're egg waffles...I mean that orange one." ani Clifford sabay turo sa kwek kwek.
Natawa na lamang ako sa kanya.
"Hey, what's funny?"
"You...I mean you're accent. English talaga?"
"You don't like?"
"Hindi naman. Natawa lang ako sa'yo Clifford. That was kwek kwek not egg waffles."
BINABASA MO ANG
Love On The Court
Teen FictionIt all started when Dwayne Delos Reyes accidentally injured Clifford Sebastian a star player of their rival team Boy's Love Novel