1

11 2 0
                                    

Masid

ALAS TRES nang hapon nung mapagpasyahan kong maligo sa sapa malapit sa bahay.

Iilang bahay ang madadaanan mo bago makarating sa makipot na daanan. Pagkababa mo, iilang bato at tubig na agad ng sapa ang bubungad saiyo.

Kung ako ang magbibigay ng deskripsyon sa lugar, isipin niyo na lang na pabilog ang sapa at hindi umaagos yung tubig.

Napapalibutan ng mga matatayog na puno ng mahogany, narra at acacia. Tanging paguspos ng hangin at huni ng mga ibon ang madidinig mo.

Dahil mag-isa lang naman ako, hinubad ko na agad ang aking damit, tanging bra at panty lang natira saken. Hindi naman ako nag-aalala kasi wala namang makakakita saken rito.

Lumangoy ako palayo sa kung saan ko nilagay ang aking damit. Nung nasa gitna ako ng sapa ay nakarinig ako nang kaluskos sa gubat.

Hindi ko pinansin noong una kasi baka ligaw na hayop lang.

Pagkatapos nang ilang minuto, nagpasya akong umahon na para makauwi. Medyo dumidilim na kasi at napasarap ata ako sa paglangoy. Habang sinusuot ko yung shorts ko ay may narinig na naman akong mahinang kaluskos. Medyo nakaramdam ako ng kaba kasi pakiramdam ko ay malapit lang sakin yung tunog.

Dali-dali akong nagsuot ng damit at binilisan ang paglalakad nang may mahagip ang mga mata ko. Isang pares ng mata ang nakasilip sa gilid ng puno ng acacia.

Tumakbo ako pauwi kahit na nagkandasira sira at gutay na ang suot kong tsinelas.

GABI NA at naiisip ko pa rin ang nakita ko kanina. Tapos na akong mag hapunan kaya nagpasya akong maligo sa banyo. Nakahiwalay ang banyo sa bahay. Kailangan mo pang pumunta sa likod ng bahay namin para mag- cr.

Medyo madilim sa banda ng banyo kasi hindi naaabot ng ilaw galing sa bahay.

Gawa sa sako ang dingding pati pinto, kaya malalaman mo kung may tao sa labas dahil sa repleksyon nung ilaw sa bahay. Walang bubong ang banyo kaya kung matakutin ka ay mas pipiliin mo nalang na huwag maligo or pigilan ihi mo.

Habang naliligo, hindi ko mapigilang bilisan ang pagbuhos ng tubig sa sarili. May iilang kaluskos akong narinig sa paligid, hindi ko iyon ininda bagkus ay pinagpatuloy ko ang pagligo.

Patapos na ako nang may makita akong anino sa tapat ng banyo. Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako o hindi.

“Sino yan?” lakas-loob kong sambit.

“Ako ito, mahal”

Nakahinga ako nang maluwag nang malaman na si Diego lamang pala ang nasa labas. Unti-unting bumagal ang ang galaw ko. Unti-unti ring bumuhos ang luha na kay tagal kong pinigilan sa loob ng isang buwan. Nang inaabot ko na ang twalya mula sa sulok ng dingding ay napahagulgol ako. Nanginginig sa takot, tila naestatwa na ako sa aking kinatatayuan.

Si Diego... nasa labas. Pero paano? Matagal na siyang namatay dulot nang pagkalunod sa sapa.

Tama. Patay na si Diego. Sino ang nasa labas?

Tale of FearsWhere stories live. Discover now