Lasing
MAG-ISA akong umiinom sa bahay habang nakikinig sa radio. Alas dyes na pala at nakasalang na ang Mundo Mystiko.
Nasa sala ako, nakaupo sa sahig at nakakalat ang pulutan kong chicharon. Unti-unting pumipikit ang mata ko at napasandal na ako sa sofa. Hindi ko alam kung anong oras na nang magising ako. Medyo hilo ako at naiihi na.
Tatayo na sana ako nang marinig kong may pilit binubuksan ang pinto. Sumilip ako sa maliit na butas at napaatras ako nang makita ko ang isang nakaputing maskara. Hindi ko matukoy kung lalaki ba or babae kaya sumilip ulit ako at wala akong makita. Madilim, kaya napagpasyahan kong umatras at dahan dahang nag double lock.
Hindi ako nakagalaw nang may matulis na bagay ang tumusok sa leeg ko.
“Shhh...”
Napasinghap ako nang marinig yung boses niya. Mababa, malamig at nakakapangilabot pakinggan.
“S-sino ka?” mahina at nanginginig kong sambit.
Wala akong nakuhang sagot, bagkus ay pinaharap niya ako sa kanya.
Matangkad siya, maitim yung buhok at naka all-black na damit. Nakasuot siya nang puting maskara na ang disenyo ay hango sa isang killer sa palabas na Halloween.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang maskara niya at napahanga ako. Pota. Nasa bingit kana ng kamatayan! Hindi...
Paano ko ba sabihin? Maitim ang kanyang buhok. Makapal ang kilay at kumikinang ang kulay kape niyang mga mata. Matangos ang ilong at medyo maputla ang bibig niya, ngunit dumagdag lang ito sa kakisigan niya.
Kilala ko siya.
Siya iyong hinahangaan kong gitarista at bokalista sa isang banda.
“Papatayin kita pag sumigaw ka, naiintindihan mo?”
Napatango ako. Hindi ko alam kung anong nangyari saken. Tinalian niya ako at pinaupo sa isang silya. Lasing pa siguro ako.
Kasi hinayaan ko lang ang isang kriminal na halughugin ang bahay ko. Hindi naman ako takot mamatay. Pero malupit ang tadhana at ang idolo ko pa ang napiling maghatid saken sa kamatayan.
“Pwede bang kausapin mo muna ako, bago mo ko patayin? Idol kasi kita, eh” pagsusumamo ko. Limitado lang, kasi natatakot na ako sa kaya niyang gawin.
Napatigil siya sa ginagawa niya at dahan-dahang lumapit saken.
“Any last words before you die?"
Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang isang kutsilyo na ang nakabaon sa tiyan ko. Nasuka ako nang dugo. Hindi ko alam na ganito pala kapait ang sasapitin ko. Marami pa akong kailangan gawin bukas. May kumakalabog sa pintuan pero hinang hina na ako. Ito na ba iyon? Bumababa na ang talukap ng mata ko.
Subalit, naimulat ko ang mata at napagtantong panaginip lang pala iyon. Kaya pala may kumakalabog sa panaginip ko, kasi may kumakatok sa pintuan.
Umaga na. Bumangon ako para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Hindi ko pinansin ang mga kalat sa sahig, bahala na. Pagbukas ko ng pinto ay isang naka-asul na unipormeng lalaki ang bumungad. Isang pulis.
“Magandang araw po, Mam. Inaanyayahan po namin kayo sa presinto para magpaliwanag.”
Nagtaka naman ako. “Huh? Bakit po?”
“Suspek po kayo sa pagkamatay ng isang bokalistang lalaki. Kung maaari ay sumama na kayo samin sa presinto.”
At doon dumungaw sakin ang lahat. Ang tinutukoy niyang bokalista ay ang boyfriend ko. Pinatay ko siya habang umiinom siya kasama ang kabit niya.
YOU ARE READING
Tale of Fears
HorrorA collection of one shot horror stories, creepy thoughts, disturbing dreams..