666
NOONG highschool ako, laging madilim ang kwarto ko sa gabi. At, sa edad kong yun ay mag isa ako sa kwartong yun kaya malaya akong magpuyat lagi.
At sa mga ganoong sitwasyon, ay palagi rin akong binabangungot.
Ito na ata ang isa sa mga masasamang panaginip ko. Ganito kasi yun...
Kakalabas ko lang sa simbahan. Nabigla ako nang sunduin ako ni Itay. Kalbo siya, namumula ang mata sa galit at walang t-shirt. May hawak siyang mahabang lubid.
Papatayin niya raw ako kasi masama akong anak. Tumakbo agad ako palayo sa kanya pero hindi ko alam kung bakit nahahabol niya ako.
Nanlilisik ang mga mata niya at tila may maliit siyang bukol sa magkabilang side ng noo niya– parang sungay.
At habang hinahabol niya ako ay hawak-hawak niya ang lubid na itinali niya mula sa simbahan. Pangatlong kanto ay nalampasan ang kumpare ni Itay. Nagmamakaawa siya kay tatay na huwag akong saktan.
Pero tila walang narinig si Itay. Sa pang-anim na kanto ay nahuli niya ako. Naglalaway siya, at gusto niya akong sakalin gamit ang lubid.
Anim na kanto.
Anim na lubid.
Anim na pagkakadugtong.Siguro, kung hindi ako ginising ni Inay ay baka patay na ako.
YOU ARE READING
Tale of Fears
HorrorA collection of one shot horror stories, creepy thoughts, disturbing dreams..