4

3 2 0
                                    

Mata

MAGKAKLASE tayo at magkatabi ng upuan. Malapit yung upuan mo sa bintana. Tuwing lecture, napapansin kong ilag ka sa lahat. Magkatabi tayo, pero ni isang interaksyon ay wala.

Recess ay ikaw agad ang unang lumalabas. Merong isang beses na pumasya akong sundan ka. Napadpad ka sa likod ng isang silid-aklatan.

Kumakain ka nang nakayuko, madalas napapatingin sa magkabilang gilid mo at saka susubo. Ganun yung napansin ko, palagi kang nakayuko.

Mahaba ang itim niyang buhok, may bangs siya at nakasuot lagi ng headphones. Maputi ang balat niya, maitim ang mata at medyo singkit. Ganoon lagi ang gawain ko, ang pagmasdan ka.

Uwian, iilan nalang ang natitira sa classroom ay hindi ka pa rin umaalis sa upuan mo. Nakayuko ka lang, walang imik at nakapikit. Hahawakan na sana kita sa balikat para gisingin pero nabigla ako nang imulat mo ang mga mata mo at inangat ang tingin saken.

Natulala ako sa mukha mo. Bumagay ang palubog na araw sa maitim mong mata. Ilang segundo ay kumunot ang noo mo. Tumulo ang dugo mula sa ilong mo pero mabilis mo itong tinakpan ng panyo.

“Problema mo?”

Unang salita na narinig ko mula sayo. Masungit pakinggan, pero natuwa ako. Umiling lang ako. Tiningnan mo ako mula ulo hanggang paa at saka hinawi sa daan. Sa sobrang tuwa ko, huli ko na napansin na mag-isa nalang pala ako.

Nakahiga na ako ay naiisip pa rin kita. May kung anong bagay ang humatak saken para mas kilalanin ka pa.

Naging routine ko na ata ang yung magpahuli ng uwi. Kahit hindi mo ako pinapansin ay okay lang sakin. Hanggang sa napadaan tayo sa isang abandonadong gusali ay may iilang nakabisikletang pinagtripan ka. Hinablot ang headphones mo pati bag.

Napasigaw ka... nang malakas. Para kang hayop na hinataw ng latigo sa pagsisigaw mo. Sinabunutan mo ang sarili mo nang mapagpasyahan kong lapitan ka. Oo, stalker ako.

“Ayos ka lang ba?” saad ko, pero mas lalo kang sumigaw ng malakas.

“Lumayo ka sakin! Layuan niyo ko!”

Kumunot ang noo ko. Hindi kita maintindihan.

“Ako ito, kaklase mo. Kumalma ka mun–”

Kinuha mo ang bag ko at hinalughog.

“Teka, teka!”

Pero hindi mo ako marinig. Hindi ko alam kung ano ang kailangan mo sa bag ko pero hinayaan kita. Isang bolpen. Walang pagdadalawang isip na kinuha mo ang takip at sinaksak mo sa kaliwang mata mo.

“Aaaaaah!”

Napaatras ako sa gulat. Hindi ko maatim kung bakit nagawa mo ang isang karumal dumal na krimen... at sa sarili mo pa.

“Tama na!”

Hindi ka maawat. Gamit ang kamay mo ay kinuha mo ang lapis at sinaksak kanang mata mo. Umagos ang dugo na parang luha. May tumalsik pang iilang patak noon saken. Napasigaw ako. Ngumingit ka... habang may lapis sa kanang mata mo at bolpen sa kaliwa.

Nawalan ako ng malay. Nagising ako sa isang kwarto, suot ang hospital gown. Nabalita sa tv ang pagkamatay mo at naging suspek ako nang ilang araw pero napatunayan naman na wala akong ginawa sayo.

May sakit ka pala... scopophobia – o ang takot pag tinitingnan o pinapanuod ng ibang tao. Hindi mo kinaya at nagpakamatay kana lang.

Tale of FearsWhere stories live. Discover now