Note: Grammatical errors
INIHATID ako kinabukasan ni Jerome gamit ang sasakyan niya. Pinapaayos na din ang kotse ko sa kilala ni Daddy na mekaniko.
"Bye, Je!" sabi ko pagkababa.
"Uhm-hmm, kailan ko ba makikilala ang pinsan-in-law ko?" pang-aasar nito.
"Tanga wala ako no'n" sagot ko.
"Sus Chizyle, deny pa" anito. Ewan ko ba kong anong pumasok sa kokote nitong pinsan ko kung bakit second name ko ang tinatawag niya sa'kin. Basta ang sabi niya mas maganda raw ang 'Chizyle' sa 'Kiara'.
"Wala nga sira ulo'ng 'to.... Papasok na'ko" kumaway ako sa kanya.
"Ingat" anito bago paandarin ang sasakyan sabay alis"
Pagpasok ko pa lang sa gate ay nakasalubong ko na ang my love of my life ko- este! Si Clyde.
"Good morning " he smiled at me.
"Good morning" I smiled back. "Where's Cha?"
"Nasa room na niya" he answered.
Sabay kaming naglakad habang nagke-kwentuhan ng iba't ibang bagay hanggang sa naghiwalay kami ng daanan dahil medyo malayo pa ang building ng engineering sa business management.
Pagkapasok ko ng room ay nakita kong nagce-cellphone si Charity. Umupo ako sa tabi niya at nagbatian kami sa isa't isa. Naidlip ako sandali dahil inaantok pa ako. Paano ba naman kasi tinatakot ako ni Jerome kaya hindi ako makatulog ng maayos. Hindi na ako manonood ng horror kapag siya ang kasama ko, lakas kasi makagago ang hinayupak na 'yun. At ang gago sa kwarto ko pa natulog dahil mas trip niya daw. Sa sahig nga lang siya.
Naalimpungatan ako ng ginising ako ni Cha dahil dumating na ang Professor namin. Nag discuss lang naman siya at nagbigay ng surprise quiz kaya naman reklamo ng reklamo ang mga kaklase ko.
"Kia, alam mo namang mahal na mahal kita, diba? Ikaw lang ang nag-iisang kaibigan ko, alam mo 'yun. 'Wag mong kalimutan na naging mabait akong kaibigan sayo kaya baka naman gusto mo akong pakopyahin" ani Charity kaya natawa na lang ako ng mahina.
"Ang dami mong sinabe, kokopya ka lang pala" sabi ko habang nilalagyan ng pangalan ang papel ko.
"Pahingi na din ng papel" ngumisi ang haliparot.
"May pambili ng make-up pero papel wala" sabay abot ko ng papel sa kanya.
"Ganda talaga ng bestie ko" mahinang tili nito. "Pero syempre alam mo namang joker ako"
"Inamo hindi ako magpapakopya"
"Kidding" aniya.
"Okay class, let's start" sabi ni Sir Gumban.
Hindi maman mahirap ang test at isa pa nakinig ako ng mabuti sa discussion kanina kaya alam ko ang sagot. Nang matapos ay nagcheck kami, and as usual I got the perfect score at syempre perfect din si Charity.
"Coffee and Sandwich Shop tayo, my treat" ani Charity ng matapos ang klase namin.
"Hi! Kiara, sa CSS kayo?" tanong ni Matthew school mate namin na kaklase ni Clyde.
"Yes, why?" I asked.
"Tara! Treat ko" sabi nito. Ang sabi sa akon ni Charity ay kumakailan lang ay lumapit sa kanya si Matt para magpatulong na mapalapit sa'kin. May crush daw kasi ito sa'kin but I didn't mind it. He's handsome though, Captain din siya ng basketball team nila dati pero ngayon si Clyde na.
"Naku 'wag na, salamat na lang" sabi ko pero itong punyeta kong kasama sumang-ayon agad. Libre eh, dapat siya ang manlilibre sa'kin.
Nang makarating kami, we looked for a seats. A lot of students are eating here at mabuti na lang may nakalaan pa sa amin. Malapit ito sa salamin kaya okay din.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
VampireA world that everything is mysterious, does the vampire really exist? If they exist what will happen to the humans who lived in this world? Kiara Chizyle Lastimosa is a student from CLU (Celestial Levond University). She loves reading novel especia...