FLASHBACK
He's my first love, young love, sweet love.
He's my childhood friend hanggang sa maging boyfriend ko siya..
14 years old lang kami noon pero masayang masaya kami, walang alam ang mga parents namin sa relasyon namin, ang alam lang nila ay magkaibigan kami..
ang tanging barkada namin ang nakakaalam at pati na rin ang kuya ko, hindi na rin ako napigilan dahil kahit bata pa kami noon ay alam kong love na talaga ang nararamdaman ko para kay borj...
Pero nagbago ang lahat sa isang iglap nalaman ng parents ko ang tungkol sa amin ni borj, at umalis na kami ng bansa para manirahan sa states..
Hindi ko nakausap sa huling sandali si borj, hindi ako nakapag paalam at hindi ko rin nagawang sumulat, mula noon ay wala na rin kaming balita sa isa't isa..
Hindi naging madali para sakin ang lahat inilayo ako sa taong mahal ko nagkaroon ako ng tampo sa parents ko pero kalaunan napatawad ko din sila, tama naman sila e masyado pa kaming bata para sa mga ganong bagay. hindi lang din yun ang dahilan kung bakit kami umalis ng pilipinas ipinaliwanag din nila sakin ang negosyo nila sa states.
Makalipas ang ilang taon bumalik kami ng pilipinas at para makapag aral na rin ng college.
Ang saya saya ko dahil may pagkakataon na para makapag paliwanag kay borj..
Parehas kami ng school na pinapasukan ang saya sayang makita ulit siya pero bakas sa mukha nya na masama ang loob nya sa akin pero sinubukan ko pa rin syang kausapin...
Roni- borj pls kausapin mo naman ako (hinawakan ko ang braso nito )
Borj- para saan pa? mang iiwan sa ere? (masungit nitong sabi)
Roni- sorry na borj handa akong ipaliwanag sayo ang lahat pls i still love you
Borj - pwes ako hindi na kita mahal, at ibinaon na rin kita sa limot. sino ka nga ulit?
Napaluha nalang ako sa mga binitawang salita ni borj ibang iba na sya kumpara noon..
Roni- borj ikaw pa ba yan? bakit parang hindi na ikaw ang borj na kilala ko noon
Borj- wala ka na dun, at pwede ba wag ka ng lumapit sakin. bakit pa kasi bumalik balik pa kayo dito (nakairap nitong sabi at naglakad na palayo)
Naiwan akong naluha at bigla namang dumating ang barkadaa..
Yuan- sis bakit ka naiyak?
Roni- hindi na ako mahal ni borj (umiiyak ko pa ring sabi)
Niyakap naman agad ako ni kuya dahil ayaw na ayaw nun na nakikita akong umiiyak..
Jelai- sis masama kasi talaga ang loob sayo ni borj simula noon
Missy - at simula noong umalis kayo naging ganyan na sya parang galit sa mundo pati samin lumalayo sya
Yuan- hays, kung ako kaya kakausap?
Junjun- ewan lang pare kasi kami ni tonsy hindi rin kinikibo e
Tonsy- simula noon hindi na sya samin sumasama, at natuto na rin syang mag bulakbol.
Roni- kasalanan ko 'to e kaya hindi ko sya masisisi kung bakit sya nagkaganyan (umiiyak ko pa ring sabi)
Jelai- sis wala kang kasalanan tadhana ang mismong naglayo sa inyo, pero naniniwala ako soon magkakaayos din kayo
Roni- sana nga sis
Lumipas pa ang mga araw hindi pa rin talaga kami nag kakaayos ni borj at kada nagkakasalubong kami ay sa away lang napupunta. Hindi ko alam pero sobra na ang pagkatigas ng puso ni borj pero sinusubukan ko pa rin kahit na minsan nauubusan na ako ng pasensya sa kanya..