roni's POV
Mahirap talagang makulong sa isang pagsasama na walang pag mamahal.
Kasalanan ko naman kung bakit hanggang ngayon galit sya sakin. Pero umaasa ako na mamahalit nya ulit ako!
nakatulala ako sa kwarto ko ngayon hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko walang araw naman na hindi ako umiyak dahil kay borj, naalala ko kasi nung mga bata pa kami he's so sweet, gentle and maalalahanin ngayon kasi ibang iba na sya wala na syang pakialam sakin. miss na miss ko na ang dating borj.
Borj POV
kanina pa ako tawag nang tawag kay roni pero hindi ito nasagot kaya inakyat ko na sa kwarto nya. Mag ka iba kami ng kwarto dahil ayokong katabi sya.
Nang makaakyat ako sa kwarto nya nakita ko nanaman itong nakatulala at naiyak..
- naiyak nanaman sya napakadrama!
nagsasawa na ako lagi na lang ganito, hindi ko sya maintindihan e araw araw kong sinasabi na iwan na nya ako pero hindi nya naman ginagawa!Borj- ronii ano ba! Kanina pa kita tinatawag
Napalingon naman ito sakin at agad nagpunas ng mga luha nya..
Roni- b-bkit borj? s-sorry nag linis lang ako ng kwarto ko
Borj- pwede ba roni tumigil ka sa kakaiyak mo
Roni- hindi naman ako naiyak napuwing lang ako
Borj- tsss aalis na ako wala pa ring breakfast ano ka ba naman roni!
Roni- b-baka kasi hindi mo nanaman kainin e
Borj- nagugutom akoo bilis naaa!
Roni- oo eto naa mag luluto naa (nakangiti nitong sabi)
agad naman syang bumaba at nag luto..
At after nya magluto ay niready nya na lahat sa table.
Roni- b-borj kain na
hindi ko ito pinansin at umupo na lang ako sa table. habang nakain ako ay naglilinis naman sya alam nya kasing ayoko syang kasabay.
Pero habang naglilinis sya ay napapatingin ako sa kanya..
Actually pagod na rin ako sa ganito at naaawa na ako sa kanya, puro galit at sama ng loob ang puso ko dahil sa pag iwan nya sa akin noon, walang paalam at walang sulat mula noon ay galit na ako sa kanya at nawala na rin ang pagmamahal ko kung hindi nya siguro ako iniwan malamang hindi ganito ang trato ko sa kanya ngayon!
Hindi ko pa rin talaga sya mapatawad at sobrang tumataas pa din ang pride ko, ilang beses na din syang nagtangkang mag paliwanag pero pinipigilan ko sya.
Sa isang taong pagsasama namin walang araw na hindi kami nag away kilala ko si roni palaban yun at walang inuurungan pero napansin ko lang na hindi na nya ako pinapatulan at ramdam ko din na mahal na nya ulit ako, pero hindi ko pa rin talaga sya magawang mahalin ulit! mas pumapangibabaw kasi ang galit sa puso ko! nagbabalik lahat sa alalaala ko yung mga araw na umiiyak ako noon dahil hinihintay ko syang bumalik at kahit sulat man lang ay hindi nya nagawa.
Ginawa ko na rin ang lahat lahat para iwan nya ako at makipag divorce, nambabae na ako at binitawan sya ng mga masasakit na salita pero eto nagtitiis pa rin sya sakin!
Roni's POV
Nang matapos kumain si borj ay tumayo na ito para umalis at magtatrabaho na ito sa company nila.
Roni- borj ingat ka!
Hindi na ako nito pinansin pero okay lang sanay naman na ako, sumakay na sya ng kotse nya..