part 5🤍

147 22 3
                                    

Roni's POV

Napagpasyahan ko na dito muna ako kila mommy ng mga one week, dahil kailangan kong mag isip isip masyado na kasing napapagod ang isip at katawan ko sa bahay namin ni borj. Wala na kaming ginawa araw araw kundi mag away.

Hindi na ako nakapag paalam sa kanya ng personal dahil alam kong wala naman syang pakialam sakin, pero nag iwan na lang ako ng notes para naman alam nya kung nasaan ako,  eto nga yung gusto nya e yung hindi nya ako nakikita.

mommy- anak bakit ikaw lang? hindi mo kasama ang asawa mo? (Biglang tanong ni mommy habang kumakain kami)

Yuan- nag away nanaman ba kayo? (Biglang sabat naman ni kuya)

Roni- kuya hindi, gusto ko lang kayong makasama

Yuan- sis alam na alam ko, kapag umuuwi ka dito samin hindi kayo okay ni borj

Kabisado na talaga ako ni kuya, pero hindi naman kami nag away ni borj hinayaan ko na lang kasi yung mga nakita ko kagabi at hindi ko na sya cinonfront pa. Dahil sawang sawa na ako puro na lang kami away. Kaya eto umuwi na lang ako dito kila mommy.

Mommy- hindi na kayo mga bata, ayusin nyo ang relasyon nyo

Roni- m-maayos naman po kami mommy, may mga araw lang talaga na hindi kami nagkakaintindihan pero don't worry I'm fine. miss ko lang kayo kaya andito ako

Mommy- mabuti naman anak. namiss ka rin namin bukas naman lagi ang bahay para sayo, sa inyo ng asawa mo

Roni- thankyou po mommy

Napapailing na lang si kuya sa akin dahil alam nyang hindi tama ang mga sinasabi ko.

After namin kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan.

Yuan- sis mag usap nga tayo

Roni- sure kuya para saan ba?

Yuan- mag sabi ka ng totoo, ano nanaman ang nangyare sa inyo?

Roni- w-wala kuya o-okay kami ni borj

Yuan- kilala kita roni, at kabisado na kita. halata sa mga mata mong hindi ka okay

Hindi ko namamalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko, kaya napayakap naman si kuya sa akin.

Yuan- ganyan ba ang okay? naiyak, sis wag kang mahihiyang magsabi sa akin kuya moko.

Roni- sorry kuyaaa (umiiyak kong sabi)

Yuan- sshhh, magkwento ka sa akin pls

Roni- nahuli ko nanaman si borj na may babae (umiiyak ko pa ring sabi)

Yuan- ano??? g*go talaga alam mo kaunti na lang talaga pasensya ko dyan sa asawa mo e

Roni- kuya kasalanan ko naman kung bakit sya ganyan

Yuan- pero hindi naman dahilan yun para saktan ka nya ng ganyan. Bakit ba hindi mo na lang iwan yan? Matagal ka ng nagtitiis dyan

Roni- hindi ko kaya kuya

Yuan- tigas ng ulo mo sis. Marami pang iba dyan yung mamahalin ka ng totoo at hindi ka sasaktan

Roni- magbabago pa si borj, mamahalin nya ulit ako

Yuan- hays. Hindi ko na alam gusto ko ng upakan si borj sis kung alam mo lang pero hindi ko magawa dahil alam kong magagalit ka. Basta kung hindi mo na kaya andito lang kami nila mommy.

Roni- salamat kuya (napayakap ako sa kanya )

Dumating naman ang ibang barkada namin dahil nasabi na pala ni kuya na andito ako samin...

Jelai- sisss imissyouu!!! how are you? (Sabi nito sabay yakap sakin)

Roni- i miss youu too siss, okay langg akoo

Tonsy-  asawa mo bakit hindi mo kasama?

Junjun- may bago ba pareng tonsy? e kada umuuwi dito si roni malamang hindi sila okay ni borj

Roni- shut up junjun

Junjun- sorry hehe!

Missy- ow, bakit ano nanamang ginawa ni borj sis?

Yuan- edi ano pa nambabae nanaman. hindi ko alam dito kay roni sobrang nagpapakamartyr

Jelai- sis nag aalala ako sayo, okay ka ba talaga? Kaya mo pa ba?

Roni- sis, guys I'm okay don't worry, maliit na problema lang 'to nalulutas

Tonsy- hindi na talaga nag bago si borj, kailan kaya babalik ang dating borj hays

Yuan- ang tanong babalik ba talaga sa dati?

Missy- i think yes. lahat naman ng tao may pag babago

Junjun- pero depende sa tao yun

Roni- gagawin ko pa rin ang lahat para bumalik kami sa dati

Yuan- hays basta andito lang kami para sayo sis

Roni- salamat kuys, guys mahal ko kayo!

Habang nagkakasiyahan ang mag babarkada ay hindi nila namalayan ang pagdating ni borj.

Yuan- borj anong ginagawa mo dito?

Borj- susunduin ko lang si roni (walang emosyon nitong sabi)

Roni- p-pero nag iwan ako ng notes hindi mo ba nabasa na one week ako dito kila mommy?

Borj- basta umuwi na tayo

Roni- ha? o-osige kukunin ko lang ang mga gamit ko.

First time 'to, hindi ko inexpect na susunduin ako ni borj. Namimiss nya ba ako? akala ko ba gusto nyang wala ako sa bahay pero may pag sundo sya.

Roni- sorry guys bisitahin ko na lang kayo sa susunod, bye mommy (niyakap at bumeso na rin ako kay mommy at sa mga kaibigan)

Mommy- okay lang anak, ayusin nyo na ni borj kung ano man ang pinag awayan nyo

Roni- opo mommy

Borj- mauuna na po kami tita.

Jelai- sis ingaaaat ka!

Yuan- borj paki ingatan naman ang kapatid ko, pls lang wag na wag  ko na sanang makikitang umiiyak yan

Tumango lang si borj at nakita ko pang ngumiti ito ng matipid.

Lumabas na kami ni borj at sumakay ng kotse, habang nasa byahe ay tahimik lang walang nagsasalita sa amin kaya inunahan ko na.

Roni- ahm borj bakit bigla mo yata akong sinundo?

borj- basta, wag ka ng maraming tanong.

Roni- hindi ko ba pwedeng malaman ang dahilan?

Borj- hindi. wag kang makulit dahil nag dadrive ako

Roni- s-sige sorry

Hays akala ko naman namimiss nya ako, pero eto malamig pa rin ang pakikitungo nya sa akin pero masaya din dahil kahit papaano pala gusto nya pa rin akong kasama.

MY FIRST LOVE🤍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon