Borj POV
Isang buwan na ang lumipas mula noong nag kaayos kami ni roni, ang saya at ang sarap sa pakiramdam hindi na rin ako nambababae at tinatrato ko na sya ng tama. hindi nya deserve ang mga naranasan nya sakin noon kaya talagang bumabawi ako.
maaga palang nagising na ako dahil pinag handa ko ng breakfast si roni, at may usapan kami ngayong araw na mag date para naman may quality time kami dahil puro work lang kami sa mga lumipas na araw.
After kong magluto at maiayos ang lahat sa table ang mga foods ay umakyat na ako sa kwarto namin para gising sya..
nagulat ako dahil balot na balot ng kumot si roni kaya nilapitan ko na to para gisingin.
Borj- loveee gising naaa po, bakit balot na balot ka?
Roni- masama ang pakiramdam ko love (matamlay na sabi nito kaya agad agad kong kinapa ang noo nya, sobrang init nito)
Borj- love ang init mo t-teka kukuha lang ako ng gamot (taranta kong sabi)
dali dali na akong bumaba at kumuha ako ng pagkain at gamot pati na rin ng tubig at towel, para mapunasan ko na rin sya..
Pag akyat ko ay nanginginig ang asawa ko kaya dali dali ko na syang nilapitan, siguro epekto na ito ng pagod sa araw araw na trabaho.
Borj- love kumain ka na muna bago ka uminom ng gamot
Roni- w-wala akong gana n-nilalamig ako
Borj- love lalo kang tatamlay kung hindi ka kakain
-dahan dahan ko na syang pinaupo pero nakabalot pa rin sa kanya ang kumot, kaya susubuan ko na lang sya para makainom na rin ng gamot si roni.
Borj- kailangan mong maubos 'to love
Roni- a-ayoko na love b-busog na ako
Borj- love iilang subo palang ang nakakain mo
Matamlay itong nakatingin sakin at ramdam kong hindi nya talaga kaya.
Borj- s-sige inumin mo na lang itong gamot mo love para hindi na tumaas ang lagnat mo
Agad agad ko na syang inabutan ng tubig at ininom na nya ang gamot nya..
Roni- l-love sorry ah h-hindi ko naman alam na magkakasakit ako, hindi na tuloy tayo nakapag date
Borj- shhh it's okay, marami pang araw ang mahalaga ngayon magpagaling ka andito lang ako aalagaan kita (nakangiti kong sabi)
Roni- thankyou lovee
Pinunasan ko na muna si roni ng katawan nya para bumaba ng kaunti ang init nya..
Borj- mag pahinga ka na muna love
Roni- dito ka lang sa tabi ko love (sabi nya habang hawak hawak ang kamay ko)
Borj- oo love dito lang ako hindi kita iiwan.
nakatulog na si roni at ako naman ay nasa tabi lang nya para bantayan sya, naaawa ako dahil kitang kita ko na nahihirapan sya sa nararamdaman nya ngayon. ilang araw din kasing over time sya sa coffee shop. Pinagsasabihan ko naman pero masipag talaga si roni ayaw nya na mag stay lang dito sa bahay namin.
Hinalikan ko ito sa noo dahil sobrang mahal na mahal ko talaga ang asawa kong si roni, at hindi ko kayang makitang nahihirapan sya.
Borj- i love you so much my wife, hindi ko alam kung anong buhay ko ngayon kung wala ka, halos nasira ang buhay ko noon nung iniwan moko. sana wag mo na ulit akong iwan ngayon mahal na mahal kita
Nagulat ako ng dumilat ang mata ni roni at tumingin sa aking nakangiti. pakiramdam ko narinig nya lahat ang sinabi ko.
Borj- oh love bakit nagising ka na? a-ahm may masakit ba sayo?
Roni- i love youu moreee loveee (yumakap ito sakin ng mahigpit)
Borj- n-narinig mo ba lahat ng sinabi ko love?
Tumango ito at ngumiti sakin.
Roni- love hinding hindi na ulit kita iiwan, hindi ko rin alam ang gagawin kung wala ka lalo na ngayon. Napakaswerte ko sayo
Borj- totoo? s-sana nga hindi mo na ulit ako iwan baka ikamatay ko na
Roni- promiseee!!
Borj- kamusta na ang pakiramdam ng mahal kong asawa?
Roni- medyo magaan gaan na ang galing kasi ng doctor ko e (nakangiti nitong sabi)
Napangiti naman ako sa sinabi ni roni at napayuko pa ako
Roni- kinikilig ka naman dyan love (sinundot pa nito ang tagiliran ko)
Borj- walang araw na hindi ako kinikilig sayo love
Roni- aysuss benjamin, bagets lang ang peg! Hahaha
Borj- haaaayy ewan ko ba love basta mahal na mahal kita. at baliw na baliw ako sayo
Roni- mahal na mahal din kitaa
Borj- anong gusto mong kainin love?
Roni- gusto ko ng mainit na sabaw love para mabilis na ang pag galing ko
Borj- okayy loveee i got you
Roni- thanks lovee
Borj- you're welcome love. Magpahinga ka na muna dyan at pag lulutuan kita
Roni- yess my doctor and my chef at the same timeee iloveyou somuch
Borj- love nagpapakilig ka pa dyan e, nakangiti na 'ko netong mag luluto ( natatawa kong sabi)
Roni- para masarap ang luto mo love, syasigee naaa poo mag papahinga na muna ako
Nginitian ko na lang sya at bumaba na rin ako para makapag luto na.
Pagtapos kong magluto ay agad agad ko ng inakyat ang mga food dahil sa kwarto na lang kami kakain.
Sarap na sarap si roni sa luto ko at masayang masaya ako dahil naubos nya at sigurado akong bukas ay wala na syang sakit.
Roni- thankss loveee naparami ako ng kain
Borj- buti na lang at bumawi ka love kanina kasi naka dalawang subo ka lang
Roni- hehe sorry lovee
Borj- btw lovee may outing pala ang company namin at lahat ng gastos sagot ni mommy, kasama din ang mga employee. at ang sabi ni mom kailangan kasama tayong dalawa hindi pwedeng hindi
Roni- oh sure loveee exciting!!
Borj- yeeeess kayaaa sana magaling ka na tom
Roni- syempre naman ikaw ang nag aalaga sakin e
Borj- i lovee you
Roni- i lovee you too mylovee