part 4🤍

134 19 3
                                    

roni's POV

here we go again, tamang hinala nanaman si borj hindi ko sya maintindihan e nakakasakal din hindi nya ako mahal pero sobra ang pagkaseloso. samantalang ako nag papakamanhid pag nakikita kong nambabae sya.

Roni- borj pagod ako, magpapahinga na ako sa kwarto ko (walang gana kong saad)

Borj- kinakausap pa kita ronalisa! sagutin mo ang tanong ko! (Sigaw nito ng makaakyat ako sa pangatlong baitang ng hagdan)

Bumaba naman ako para harapin sya..

Roni- bakit nag seselos ka? (natatawa kong tanong)

Hindi ito agad nakasagot.. at sinamaan lang ako ng tingin.

Roni- sabi ko na nga ba nagseselos ang asawa ko e (hinawakan ko ang mukha nito pero tinabig nya)

Borj- no way! (inis na inis na sabi nito)

Roni- aysus bakit galit na galit ka nakita mo lang na may iba akong kasama (pang aasar ko dito)

Borj- roni ano na lang iisipin ng ibang tao pag nakitang may kasama kang ibang lalaki ha? tandaan mo kasal tayo (masungit nitong sabi)

Roni- bakit ikaw borj naisip mo ba ako? pag nambababae ka? naisip mo ba ang mga sasabihin ng ibang tao? Diba hindi?

borj- ah naganti ka? alam mo kasalanan mo naman kung bakit ganito kita itrato e

Roni- oo na kasalanan ko naa, ano masaya ka na?

Hindi ito nakasagot sa sinabi ko, at aakyat na sana ulit ako pero hinawakan nito ang braso ko..

Borj- sino ang lalaking kasama mo?!

Roni- kaibigan ko borj pwede baaa gusto ko ng magpahinga!

Inalis ko na Ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at umakyat na rin dahil gusto ko na rin talagang mag pahinga..

Borj POV

Nakakainis talaga ang lakas nyang mang asar! pag tapos naming mag talo ni roni ay inis na inis akong lumabas at nag punta ng bar..

Ito naman ang lagi kong pinupuntahan pampalipas ng oras.

Umabot na ako ng madaling araw kakainom, at naisipan ko na ring umuwi pero nakasunod nanaman sakin ang babae na nagtatrabaho sa bar.

Roni's POV

Naalimpungatan ako ng madaling araw at sinilip ko si borj sa kwarto nya, wala nanaman at paniguradong nasa bar nanaman ito at nagpapakalunod sa alak.

Bumaba na muna ako para makainom ng tubig at sumilip na rin sa labas, nakita ko ang kotse ni borj nakauwi na pala sya pero bakit hindi pa sya pumasok sa loob ng bahay. Kaya sinilip ko ang loob ng kotse nya..

Nakita ko lang naman ang babaeng hinahalik halikan sya,  si borj kasi ay lasing na lasing na, sanay naman na ako pero sobrang sakit ang mga nakikita ko sa oras na 'to..

nang mapansin ako ng babae ay agad itong lumabas ng kotse..

Leslie- pakibantayan ng asawa mo pagala gala, nasosolo ko tuloy sya (malanding sabi nito)

Nasampal ko naman ang babae sa sinabi nyang yon, ang lakas ng loob napaka walang hiya!

Roni- san ka kumukuha ng lakas ng loob? Kahit pa masolo mo ang asawa ko, sakin pa rin sya uuwi! alam mo nakakasuka ka. pinagpipipyestahan ka ng mga kalalakihan tuwang tuwa ka pa.  Akala mo ba kinaganda mo? Ang dumi dumi mo.

Hindi na nakasagot ang babae sa mga sinabi ko at tumakbo na ito paalis..

Samantalang si borj naman ay nakatulog na sa loob ng kotse kaya kahit nasasaktan at masama ang loob ko, ay pilit ko na rin syang ipinasok sa loob ng bahay namin..

ipinahiga ko na sya sa sofa dahil hindi ko naman sya kayang dalhin sa kwarto nya sa taas.

Pinunasan ko na rin ang buong katawan nya at pinalitan ko na rin sya ng damit..

After ko syang maasikaso ay napatitig naman ako sa kanya.. at napaluha dahil sobra talaga akong nasasaktan sa ginagawa nya..

Roni- napaka gwapo mo borj hindi ka nakakasawang titigan
- ang sakit sakit borj, akala ko manhid na ako pero eto ako unti unting nadudurog
- hanggang kailan nga ba kita kayang tiisin?
- sobrang mahal kita alam mo yan
-wag sana dumating yung araw na makayanan ko ng iwan ka
- umaasa pa rin akong magbabago ka
- umaasa pa rin akong mahalin mo ulit ako
- umaasa pa rin akong mag babalik ang dating tayo
- i love you (hinalikan ko sa noo si borj at niyakap dahil minsan ko lang itong magawa)

Kinabukasan

Borj POV

hawak hawak ko ang ulo ko ng magising ako, napakasakit dala ng hangover.

At dito na rin pala ako nakatulog sa sofa.. pero teka bakit iba ang damit ko?

Inalala ko ang lahat ng nangyare kagabi..

Sheettt... Nakita nya nanamang may kasama akong babae pero nagawa pa rin nyang asikasuhin ako. 

nagising ako nung mga oras na inaasikaso nya ko. at narinig ko rin lahat ng mga sinabi nya. sa totoo lang hindi ko naman ginusto na tratuhin sya ng ganito, sobrang sama lang talaga ng loob ko at pakiramdam ko iiwan nya lang ulit ako kaya hindi ko sya magawang mahalin.

Borj- roniiiiii (pag tawag ko kay roni)

Pero nakailang tawag na ako hindi pa rin sya bumababa, siguro galit sya sakin dahil nakita nyang may babae sa kotse ko kagabi sa totoo lang hindi ko na alam ginagawa ko kagabi kaya hindi ko rin ginustong maisama ko yung babaeng yun!

tumayo na ako para silipin sana si roni sa kwarto nya pero wala ito doon.

Kaya bumaba ulit ako at nag tungo sa kusina para makainom ng tubig.

Napansin ko naman na may nakadikit na papel sa ref kaya kinuha ko ito at binasa ang sulat..

Borj..

goodmorning borj! hindi na kita ginising kanina pag alis ko dahil ayokong maistorbo ang tulog mo, at baka magalit ka pa. dito pala muna ako kila mommy ng one week dahil gusto ko silang makasama! btw may niluto akong soup initin mo na lang. i love youu hubby.

-roni

napangiti ako ng mabasa ang sulat at nalungkot diko alam, diko maintindihan nararamdaman ko, palagi kong sinasabi sa kanya na iwan na nya ako. Pero one week lang naman syang mawawala dito sa bahay pero parang nalulungkot ako hays.

Agad ko ininit ang niluto ni roni para sa akin, ang sarap talaga nyang mag luto to be honest kahit minsan hindi ko kinakain ang niluluto nya! ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ba hindi ko pa rin sya napapatawad  at para bang galit pa rin ako sa mundo.

MY FIRST LOVE🤍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon