PROLOGUE

61 3 0
                                    

Patay! Ano ba kasing ginagawa ko dito? At sinong bad influence ang nanghila sa'kin para makarating ako dito?!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Patay! Ano ba kasing ginagawa ko dito? At sinong bad influence ang nanghila sa'kin para makarating ako dito?!

Tulala ako't problemado habang tinititigan ang makukulay na beamlights sa kisame ng napakaingay na club. Nagsasayawan ang karamihan sa mga taong napakalakas kung pumorma. May iba ring nakasuot ng formal attire. Akala mo naman kung kagagaling lang sa isang job interview tapos dumeretso dito para magpakalasing after nilang matanggap sa inaplayan nilang trabaho.

Potangina! Pero, bakit ako nandito e hindi naman ako umiinom, hindi rin ako naghahanap ng love life, at maslalong hindi ako broken?!

"Who the fuck?!" Malutong akong napamura noong masagi ng kung sino ang balikat ko, dahilan ng pagkakasubsob ng mukha ko sa dibdib ng hindi ko kilalang nilalang.

Tangina talaga! Ang bango naman nito! Napahimas ako sa ilong ko. Kaso, pota! Ang sakit! Anong klaseng dibdib ba ang meron sa taong ito at bakit parang tumagilid nang kaunti 'yung tungki ng ilong ko?!

Titingalain ko na sana 'yung mukha ni iron man, nang biglang hilain ng bad influence kong kaibigan 'yung pulsuhan ko at tinangay ako sa kung saan.

"Bestie, doon tayo sa table na 'yon! Malakas sa heaven. Daming pogi!" Excited nitong ani, kinikilig pa.

Medyo na-excite ako—konti. Oo, konti lang naman. Sa sobrang dalang ko na lang kasing makakita ng totoong gwapo, mukhang kasalanan ko pa kung tatanggihan ko 'yung grasya, kaya nagpapatangay na lang ako habang nakatitig 'yung mga mata ko sa mahaba at blonde niyang buhok. Tumatama ito sa mukha ko sa tuwing na-ihahangin, kaya napapakamot ako nang wala sa oras.

"Andi, naligo ka ba ngayon?" Hindi ko napigilang tanong pagkarating namin sa tinutukoy niyang table. Agad kaming kinawayan ng dalawang tao na halatang kanina pa kami hinihintay. To describe them better, 'yung isa, laging nanlilibre. Habang 'yung isa naman, nagpapakita lang 'pag meron si nanlilibre.

"Hindi, shower lang. Ang lamig kaya ng panahon! Tapos may power interruption pa sa T. Alonzo kaya walang heater. Nakakatakot maligo!"

"Baguio girl pa nga kasi," tumatawa kong joke. Humalakhak 'yung mga kaibigan namin.

"Kung hindi pa 'yan pinayagan ni ninang para pumuta dito, hindi pa 'yan tatayo sa hinihigaan niya. Cheers!" Inangat ni Luca ang baso niya. Isinabay ko na rin 'yung baon kong Yakult na medyo malamig-lamig pa.

"Ghorl, how ka nga pala pinayagan ni tita?" Singit ni Athena. Pink at medyo wavy ang buhok nito na hanggang balikat lang ang haba. Buti na lang at hindi siya tuluyang nasakal sa paborito niyang choker.

Mabilis na pumasok ang nakakatuwang idea sa isipan ko. "Athena, bakit suot mo 'yang dog collar na niregalo ko kay pinky?" tinungga ko 'yung gatas ko. "Sabagay, bagay mo naman. Tahol ka nga," pagbibiro ko.

Antidote for his Anesthesia (During Youth #1)Where stories live. Discover now