Isang lingo ang nakakalipas.Halos gabi-gabi na kaming nag-uusap ni Jeff,kung hindi sa parke,sa baba ng boarding house namin habang kumakain junkfood o tinapay at juice. Minsan ay naaabutan kaming dalawa ng curfew,normal lang na mga usapan pero panay tawanan naming dalawa.
"Uwi na ako."Aniya.
"Layas na!"Sabi ko.
"Bukas ha?"
"Tss!hindi nga ako catholic!born again ako!"
"Ako rin naman ah!basta sama ka sa akin ha?"
"Tss!titingnan ko!"
"Basta sumama ka!"
"Tch!umalis ka na nga!"
Tinulak ko na siya.
"Ate Lanie,lalayas na tong stalker ko."Sabi ko sa landlady namin na ngumiti lang.
Kinabukasan..
Alas singko na ng hapon,at late na ako sa simbahan. Kanina pa tumatawag si Jeff.
Pagkarating ko sa bungad ng pinto ng simbahan ay saka namang paglingon ni Jeff, na agad akong nilapitan at iginiya sa upuan namin.
Andun din pala si Macky at si Ton.
"Hoy!andito din kayo?"sabi ko,nakangiti.
"Oo!bakit ayaw mo?gusto mo kayo lang?"turo pa ni Macky sa aming dalawa ni Jeff.
"Baliw!pasmado talaga yang bibig mo!"
"Tch!"angil niya.
Umusog si Ton para makaupo ako.
"Hi Ton!"bati ko sa kanya.
"Hi!"tipid nitong sagot.
Nahuli kong sumulyap si Jeff kay Ton,pero binalewala ko lang yun.
Nag umpisa na ang homily ng pari,mataman naman kaming nakinig apat.
Nasa gitna ako ni Jeff at Ton,at tabi naman ni Ton si Macky.
Sa peace be with you ay nag peace sign ako kay Macky inasiman ako ng mukha,nginitian ko naman si Ton na gumanti din ng ngiti sa akin.
"Peace be with you,Cath."
"Peace be with you,Ton."sagot ko.
Nang humarap ako kay Jeff ay mas nilaparan ko ang ngiti sabay sabi ng peace.
Ngumiti siya at bahagyang yumukod para maglibel ang aming mukha.
"Peace be with you."Aniya sabay kurot sa tungki ng aking ilong bago tumayo ng maayos at tumingin sa harapan.
Parang nagkaplema ako bigla at may kung ano nalang bumara sa aking lalamunan.
Kinikilig ba ako sa gesture ni Jeff?para yun lang?ang rupok mo Cath!
Natapos ang misa at nagsilabasan na ang mga tao.
"Jeff?may sasabihin ako."
Tumagilid siya ng kunti.Tumingkayad ako para makabalong sa tenga niya.
"Quota si Jesus ngayon,daming nagsimba,mukha maraming nagkasala this week.Si Macky ang nauna sa listahan."
Nanliit ang mga mata niya sa pagkakangiti.
"Aray ko!"angal ko ng magtulakan na sa may bandang gate ng simbahan.
"Okay ka lang?"nag-aalalang tanong ni Jeff.
"Oo.Okay lang!"sagot ko.
Napasinghap ako sa biglang pagdausdos ng palad niya aking kaliwang palad. Our fingers intertwined.
I looked at him. Naguguluhan ako,na kinakabahan,na halo-halo na.Ang puso ko tumatambling!ang cells ko nagpaparty!ang utak ko objection your honor!inaawat sa pagwawala ang puso ko!
Tumingin si Jeff sa akin,yung titig na parang kami lang dalawa ang nag e-exist sa mundo.
Maingat niya akong hinila palabas sa agos ng mga tao hanggang sa makarating kami sa gilid ng daan.
Ang akala ko,bibitawan niya ang aking kamay,pero hindi,dahil hindi na niya ako pinakawalan.
Tinutukso pa kaming dalawa ni Macky na nakasunod lang din pala sa amin.
"Hawak kamay,di kita iiwan sa paglakbay,dito sa mundong walang katiyakan.Hawak kamay!"Tukso ni Macky sa pamamagitan ng pagkanta sa kanta ni Yeng Constantino.
Sa muli ay nagkatinginan kami ni Jeff, at alam ko,hindi lang ako ang nakakaramdam ng kakaiba sa pagitan naming dalawa,dahil nakikita ko na ngayon sa kanyang mga mata ang emosyon na nakikita ko sa repleksyon ko sa salamin.
Alam ko,at inaamin ko,nahuhulog na ako sa kanya.
YOU ARE READING
I love you,Cath (completed)
RomanceIt takes time to heal and move on, so it's important to be patient and embrace every moment. This phase of life can teach you valuable lessons that you won't find in books, so try to learn from it and avoid regret. Remember that everything happens f...