End of school year...
Papauwi na ako sa probinsiya namin,matapos ng pag-uusap naming ni Yen ay hindi ko na ginulo pa si Jeff,hindi na ako nagtext,hindi na ako nagrereply,nagpalit na rin ako ng number. Todo iwas ako,at pati landlady namin ay nagsisinungaling na rin na wala ako sa boarding house kahit ang totoo ay nagtatago lang ako sa taas.
Inalam ko kay Macky kung nakauwi na ba sila ni Jeff, ang sabi niya oo,kaya naglakas loob na akong lumabas ng boarding house para mag abang ng bus sa labas pauwi ng probinsiya namin.
May namataan na akong bus,pero nakita ko rin si Jeff,papalabas ng boarding house nila,saglit na nagtama ang mga mata namin kasunod nun ay tumatakbo na siya papunta sa akin.
Nataranta na ako kaya sinalubong ko na ang bus at pinara iyon.
Mabuti nalang at huminto at nakasakay ako agad.
Bumuhos naman ang malakas na ulan.
Lumingon ako at parang pinipiga ang puso ko ng makita ko si Jeff na hinahabol ang bus na sinasakyan ko.
Wala na akong pakialam kung anong iisipin ng aking mga katabi at humagulhol nalang ako sa mga palad.
"Manong!para!sandali po!bababa po ako!"
Hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko. Nang huminto ang bus ay mabilis na akong bumaba.
Nakita ko si Jeff,at huminto siya sa pagtakbo ng makita niya ako.
Hanggang sa dahandahan siyang napaluhod.
Umuuga na ang balikat niya ng tuluyan akong makalapit sa kanya.
"Jeff......"
Dahandahan na rin akong napaluhod sa harapan niya.
Basang-basa na kaming dalawa,pero hindi na naming alintana pa ang lamig.
"Ano bang—ano bang ginagawa mo?"garalgal na ang aking boses.
He sobbed and suddenly hugged me tight.
Nag-iyakan kaming dalawa.
"Mahal kita Cath,please,huwag mo na akong iwasan..hirap na hirap na ako..Cath.Bakit mo ginagawa sa akin 'to?"
Hindi na ako sumagot at humagulhol nalang.
Kumalas ako sa yakap niya at hinaplos ang kanyang pisngi.
Naglandas ang kanyang mga luha na pinahid ko naman ng aking mga palad.
Hinalikan ko siya sa noo, at sa muli ay niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry Jeff..."
"Please Cath..."
Bigla nalang may humintong traysikel sa tapat namin.
At pareho kaming natigilan ng makita si Yen.
Namumugto ang kanyang mga mata at halatang galing sa pag-iyak.
"Yen..."usal ko.
"Jeff..akala ko ba ako na ang pipiliin mo?bakit---"
Hindi na niya tinuloy pa ang sasabihin at tumakbo na.
Hanggang sa makarinig kami ng sagitsit ng preno ng sasakyan.
Namilog ang aking mga mata ng makitang mabundol si Yen.
"Yen!!!!"sigaw ko.
YOU ARE READING
I love you,Cath (completed)
RomanceIt takes time to heal and move on, so it's important to be patient and embrace every moment. This phase of life can teach you valuable lessons that you won't find in books, so try to learn from it and avoid regret. Remember that everything happens f...