7-Pretending

67 5 0
                                    

Hindi ako nakatulog kinagabihan,hindi ko alam,pero kailangan kong malaman kung ano kaming dalawa,hindi pwedeng hindi ko alam para makaiwas man lang ako,kung sakaling delulu ko lang ang lahat ng nangyayari ngayon sa aming dalawa.

"Masaya akong kasama ka Cath. Goodnight."

Text ni Jeff.

Magsesend sana ako ng text pero nakapagdesisyon akong komprontahin siya bukas,para maging malinaw ang kung anong label naming dalawa.

Kinabukasan.....................

Wala akong pasok ng umaga hanggang alas tres ng hapon kaya nanatili ako sa boarding house. Nagtext si Jeff at hinahanap ako pero mas pinili kong hindi magreply,dahil kakausapin ko naman siya mamaya.

Pagsapit ng alas tres ay nagpunta ako sa university.

Nasa ilalim ako ng punong mangga sa gilid ng pathway papuntang lobby,habang naghihintay ng 3:30 pm.

Kasama ko si Macky,nagtatawanan kami,puro kasi kalokohan ang lumalabas sa bibig nito.

Nagbell ng 3:30.

Saktong pagtayo ko ay nakita ko si Jeff at........pakiramdam ko,narinig ko ang pagkabasag ng puso ko ng makita ko siyang may kasamang magandang babae. Hindi lang sila basta magkasama dahil magkahawak kamay pa silang dalawa habang tinutukso sila ng mga kaklase nila.

Nagtama ang mga mata namin ni Jeff,halatang nabigla din siya ng makita ako.

Nag-iwas siya ng tingin ganun din ako,napabalik ako sa pagkakaupo patalikod sa pathway.

"Cath.."Si Macky na tumabi na ng upo sa akin. Nakita niya rin si Jeff at yung babae.

"Okay lang ako.Ano ka ba?"pinilit ko ang sariling ngumiti. "Tara na!late na tayo!"sabi ko kay Macky saka nauna ng tumayo.

Sumunod siya sa akin.

Panay ang buga ko ng hangin. Ang sikip sikip ng dibdib ko,at umiinit na ang sulok ng aking mga mata.

Pero hindi,hindi ako iiyak at walang makakaalam na iiyak ako.

Pumasok ako sa subject namin,tabi ko si Macky na panay ang sulyap sa akin,hindi ko pinahalata sa kanyang wasak na wasak na ako,dahil sinadya ko pa ring makipagkwentuhan sa katabi ko,magtawanan at panay sagot ko pa sa tanong ng professor namin.

Dahil hindi!walang makakaalam na nasasaktan na ako!

Natapos ang klase namin,hinatid pa ako ni Macky,tumatawa ako sa biro niya,at nakikipabato rin ng jokes.

"O siya?balik na ako sa boarding house."paalam ni Macky."Sigurado ka bang okay ka lang?"

"Oo nga!bakit naman hindi,sige na!umuwi ka na!nagugutom na ako."Sabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko."Basta,andito lang ako!"aniya.

"Oo na!alis na!"nakangiti kong sabi.

Tumakbo na si Macky ng biglang umambon.

Tumingala ako sa kalangitan,at kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan ay ang tuluyan ding paglandas ng aking mga luha.

Tinakbo ko ang hagdan at mabilis na naglock ng pinto ng aking silid.

Nanghihina akong napaupo sa sahig,tiniklop ang aking mga tuhod,at tinakpan ng mga palad ang mukha saka humagulhol. 

I love you,Cath (completed)Where stories live. Discover now